Chapter 23

9.3K 68 59
                                    

Tuesday, maagang nagpunta si Gerald sa ABS CBN. Duon sila magkikita ng handler nya to discuss his schedules and next coming projects. Gusto din siyang kausapin ng handler nya about sa mga bali balitang kumakalat sa kanila ni Kim.

Nhila: Ano ba talaga gusto mo? Bakit parang urong sulong ka? Mahal mo pa ba si Kim? Dahil sinasabi ko saiyo, hinde magandang career move yang ginagawa mo. May tinatago ka pa daw ngayong girllfriend. Sino naman to?

Gerald: Isa isa lang naman ang tanong Ate Nhila. Mahal ko pa ba si Kim? Mahal ko syempre si Kim pero hinde gaya ng iniisip nila. Alam mo naman yun.

Nhila: Sino naman yung nasa wall paper mo daw? Sabi daw ni Kim hinde siya yun? Ano ba tutuo ?

Gerald: Tumingin sa paligid. Si Sarah yun, pabulong nito. Nabanggit kasi niya one time na gusto niyang mamasyal na naka motorcycle kaya yun nagpa rent ako kay Ali at sinurprise ko siya nung mag dinner siya sa bahay the other night.

Nhila: Nagulat at napahawak sa bibig. At paanong nagkapareho sila ng jacket?

Ikinuwento uli ni Gerald kung paanong nangyari at kung bakit nag aalala siya sa effect nito sa sanay maganda ng samahan nila ni Sarah.

Nhila: Talagang ayaw maki ayon saiyo ang mga pagkakataon ano? Ang masasabi ko lang , you really have to keep your acts together. Clean up your mess and go for what you wanted. Kung si Sarah ang mahal mo go for it. Dyan makikita kung talagang sincere ka.

Gerald: Nag aalala kasi parents niya sa mga kimeralds. Baka kung ano ano na naman intriga ang mangyari. Natatakot sila na gawin din nila yung ginawa nila kay Bea.

Nhila: Ipaliwanag mo sa kanila yung side mo, tutal nagawa mo ng kausapin sila. Tingnan mo kung hinde ninyo tinago yung panliligaw mo kay Sarah , di ang dali sanang sinabi na binili mo yung jacket na yun para kay Sarah , hinde yung nagsinungaling pa kayo. Mas pangit ang dating niyan sa mga fans pag nalaman nila.

Gerald: Parang kahit na gawin ko yan ngayon, dumidistansya na si Sarah sa akin. Nagpunta ako sa kanila kahapon , hinintay ko siya ng ilang oras pero hinde ko pa rin siya nakausap. Pasimple lang siya pero alam ko ayaw na niyang marinig ang paliwanag ko.

Nhila: Syempre may pride din yung tao. One night halos ipangako mo buwan at araw sa kanya , the next night iba na naman kaangkas mo sa motor. Ako man yung si Sarah , baka nahambalos pa kita.

Napaka bait ni Sarah, kung talagang siya ang gusto mo, pagsikapan mong makuha yung tiwala niya. Hinde mo siya makukuha sa madalian lang. Tama na yung ginawa mong naging honest ka sa parents niya sa intentions mo pero si Sarah pa rin ang masusunod. May pinagdadaanan siya ngayon pero nakikisama din siya saiyo dahil nakikita niya kahit paano yung kabaitan mo pero that is not enough. You have to do more. You also have to prove to people close to her that you can take care of her. Prinsesa ang gusto mo my friend. Hinde lang basta babae sa kanto or starlet na maghahabol saiyo dahil gwapo ka.

At isa pang masasabi ko saiyo, maraming may gusto diyan , naghihintay lang ng tamang panahon. Hinde lang artista, mga anak ng politicians, anak ng mga kilalang artista, at kung sino sino pa. Urong sulong ka mamaya napunta na yan kay Miguel Villafuerte. Kilala mo ba yun?

Gerald: Oo naman, di nga ba kasama ako ng mga Geronimo na aattend ng anniversary ng parents niya.

Nhila: Oo nga pala. Alam mo bang may balak silang i groom yun to follow his dad's footstep sa politika and it would be good for his candidacy if he has Sarah as a girlfriend or wife ?

Gerald: Mukhang ka bata naman niya para maging politician gaya ng tatay niya.

Nhila: Syempre mag uumpisa yun sa mababa , mayor or representative muna. At balita ko ha , gusto talaga ng mga Villafuerte si Sarah.

To Love You MoreWhere stories live. Discover now