Chapter 28

9.1K 70 27
                                    

Hinde na namalayan ni Sarah kung anong oras dumating ang mommy niya. Nakatulog siya agad pagbalik niya sa room nila after dinner. Nagpalit lang ng pantulog at naghilamos , nahiga na ito. Naramdaman na niya yung pagod sa biyahe at sa mga ginawa nila ng araw na yun.

Kinabukasan, maaga silang pumunta sa venue kung saan gaganapin ang ASAProcks. Super dami na ng tao kahit 3 hours pa bago mag umpisa ang show. Halos mapuno na at ang mga tao siksikan na rin sa harap.

Dinala na agad sa back stage ng mga security and staff si Sarah bago pa ito pagkaguluhan.Marami na ring mga ASAP artist na nanduon. Nanduon na sina Yeng at Sam na nagkukwentuhan na. Lumapit siya sa mga ito at bumeso.

Yeng: Good morning Sars! Ano nakatulog ka ba? Ako masakit buong katawan ko.

Sarah: Ok lang naman, paghiga ko tulog na agad, hinde ko na nga namalayang dumating si mommy. Nagising na lang ako kanina ng ginigising ako ni mommy para gumayak papunta dito.Ano balita?

Sam: Wala naman, usap usapan yung lakas sa takilya ng movie ninyo. Kahit dito daw sa Cebu ang haba ng pila.

Yeng: Kumusta pala yung night out ninyo kagabi?

Sam: Hinde na rin kami nakalabas ni Gerald. We went to my room to hang out for a while, we dont want to go to the club that early and before we knew it we fell asleep while watching a movie. When we woke up its morning already.

Natawa si Yeng,"bukas mamaya ang headlines kayo na ni Gerald!!!"

Pati si Sarah natawa sa biro ni Yeng. " Hoy, ano ka ba? Mahiya ka naman kay Sam". bawal nito sa kaibigan.HInanap ng mata si Gerald.

Yeng: Ayun oh, nakatingin sa malayo hehehe. Grabe kayong dalawa , galing ninyong maglihim.

Natanaw nga ni Sarah si Gerald na nakatanaw sa kanila pero hinde lumapit. Naka smile lang. Nasa grupo nina Rayver at Kim. Napansin din niya na nakatingin si Kim sa kanila then kay Gerald.

Sarah: Yeng , parang nakakahalata yata si Kim, kagabi ko pa napapansin na laging nakatingin sa akin eh.

Yeng: Napansin ko din yan kagabi pero kala ko si Gerald ang tinitingnan pero ngayon pareho niya kayong tinitingnan. Hala malapit ng mabuking si Gerald.

Sam: Ok girls, have to go, good luck to your prods, will see you later. At bumeso na uli ito kay Sarah at Yeng.

"Sige Yenggay duon muna ako ha, have to get ready na rin, nasa opening ako, ikaw ba?", tanong ni Sarah kay Yeng.

Yeng: Oo pero hinde sa group mo.

Lalapit sana si Gerald kay Sarah ng kausapin siya ni Kim at tinanong siya bakit hinde naman sila sumunod ni Sam kagabi. Nasabi nga ni Gerald na nakatulog sila at umaga na nung nagising sila. Napagod daw sila maghapon.

Kim: Saan naman kayo napagod? Saan ba kayo galing ni Sam at maghapon kayong nawala. Ang aga aga daw ninyong umalis tapos gabi na kayong dumating. At paanong si Yeng at Sarah ang kasama ninyong nag di dinner kagabi?

Medyo napalakas ang boses ni Kim kaya napatingin sa kanila mga artists na katabi nila.

Enchong: Naku , magpaliwanag ka Gerald. Galit na si Kim oh. Bakit kasi hinde mo isinama? Uy Gerald, bigatin ang movie ninyo ni Sarah ha, blockbuster hit daw. Ilang araw ng palabas pero panay sold out pa rin daw mga tickets.

Gerald: Wala akong dapat ipaliwanag at kung nakasabay man naming nag dinner sina Yeng at Sarah, hinde ko pa rin dapat ipaliwanag yun.

Nainis si Kim sa sagot ni Gerald at padabog na lumayo sa kanila. Lumapit kina Rayver.

Enchong: Patay ka , nagseselos yata babygirl mo oh. At si Sarah talaga ha.

Gerald: Anong sabi mo? Sinong babygirl?

To Love You MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon