Chapter 3

6.5K 51 1
                                    

Maagang pumunta ng ABS CBN si Sarah dahil may rehearsal siya for her SOS sa ASAP .  Inabutan niya sina Maja, Kim, Shaina, Megan, Erich at Melissa na paalis na sa studio. Beso beso, batian. Mukhang close friend ngayon sina Maja at Kim, pansin ni Sarah pero nasabi na lang niya sa sarili yun. Sars una na kami ha, at good luck pala sa upcoming movie nyo ni Gerald, lapit na showing ha, bati ni Maja sa kanya. Oo nga , medyo kinakabahan na rin kami. Nood kayo ha, invite ni Sarah sa kaibigan.  Syempre naman, sagot ni Maja at humabol na sa mga naunang kasamahan.

Ok my dear, your turn, said teacher Georcelle. Dahil palagay na loob ni Sarah sa instructor at sa mga dancers nito , naging madali lang kay Sarah mga tinuturo nila at  ilang oras lang ay kabisado na niya mga dance steps ng prod number niya for tomorrow. HInde niya namalayan na may isang tao palang tahimik na nanonood lang sa isang side. Pasimple na sana itong aalis ng tawagin siya ni teacher Georcelle,  Hey Gerald, tutal andiyan ka na , practice na rin natin yung prod nyo ni Sarah sa opening. Ok lang ba saiyo Sarah?  Napatingin si Sarah kay Gerald at napatango na lang ito. Hinde niya ini expect na nanduon pala si Gerald.

Ok para hinde na ako babalik mamaya, buti naman at andyan ka na pala Gerald, halika na dito para makapag rehearse na tayo, sandal lang naman siguro to , sa opening to diba teacher G?  “Oo promo na rin ng movie nyo. Balita ko nakakakilig daw yung movie nyo ha. Panonoorin namin , di ba G Force? Of course, sagot naman ng mga dancers .

Dahil maigsi lang naman yung number nila for opening, nakuha nila agad, ok na yan , will practice again tomorrow before the show para alam natin ang blocking. Great job as usual Sarah!  Ikaw din Gerald, gumagaling ka ng sumayaw ha, sabay tapik sa shoulder nito.

Sabay ng lumabas ng studio sina Sarah at Gerald. Napansin ni Sarah na parang may gustong sabihen ang binata kaya tinanong niya ito, may gusto ka bang sabihen sa akin? Kanina ka pa diyan eh, hinde ko alam kung bored na bored ka ng kasama ako or what? Namula si Gerald,  bakit mo naman iniisip na bored na bored ako?  Eh  kasi naman yang expression ng mukha mo oh, hinde maipinta?  Hinde ah, ikaw naman, iniisip ko lang kung paano kita ma iinvite for lunch na hinde mo mamasamain? May time pa naman tayo before ELive di ba ? Lunch muna tayo, invite ni Gerald sa dalaga.

Napatingin ang dalaga sa binata? You sure? Baka mamaya , ma chismis tayo, huwag na lang. Lunch lang ma chi chismis na? O sige ganito na lang , order na lang ako then dalhin ko sa dressing room mo? Bait mo naman, gutom ka na rin siguro no? Biro ng dalaga. Nakakagutom kaya , ako ginutom sa panonood saiyo , nadulas na sambit ng binata. Pinanood mo ako? Hinde ka na bored? You kidding? Super enjoy nga ako  , you are amazing, you know that. I can’t believe how energetic you are , when you perform it’s like you are another person.” Naman, baka next na sasabihen mo you are also a popster”, hagikgik ng dalaga.

Will you believe me if I said that I am? Gerald asked with a serious tone. Napangiti na lang si Sarah at sinabing kung ililibre mo ako, ililibre mo din mga kasama ko? Pabirong tanong ni Sarah, syempre naman  walang gatol na sagot ng binata.

Napagkasunduan nilang sa sa isang cafe na lang sila mag lunch , yung malapit lang sa ABS CBN compound. Umorder lang sila ng sandwich at masayang nagkuwentuhan. Madalas napapatitig na lang si Gerald sa maaliwalas na mukha ni Sarah. Napaka inosente at amo ng mukha nito.  Sana maging magkaibigan talaga kami lihim na hiling ng binata.

Ano ba iniisip mo at napapangiti kang mag isa diyan eh hinde naman nakakatawa yung sinasabi ko saiyo, hampas na naman ni Sarah sa kanya. Hinde naman niya masabi yung tutuong nasa isip nito at baka hinde pa man eh basted na siya. Nagkwentuhan lang sila ng kung ano ano habang naghihintay ng oras para sa guesting nila sa ELive, pumunta na sila sa studio ng malapit na itong mag umpisa.

Naging masaya naman yung guesting nila. Si Luis ang nag interview sa kanila at nung bandang huli ay sinamahan na rin sila ni Nikki. Medyo nabawasan na yung pagka ilang nila sa isat isa at nagkabistuhan na rin na nuong unang kinunan yung first kilig scene nila eh natalsikan ng laway ni Sarah si Gerald dahil sa sobrang lapit nila sa isat isa .

Napansin ni Gerald na super close sina Luis at Sarah. Naiinggit siya sa biruan at turingan ng dalawa sa isat isa. Naisip na naman niya n asana ganoon din si Sarah sa kanya.

Salamat uli Gerald ha. Nag enjoy ako sa lunch at sa company mo. Bakit nga ba hinde mo ako dati kinakausap sa set ng movie natin. Hinde ka naman pala suplado, sunod sunod na tanong ni Sarah. “ Nahihiya ako saiyo eh, si Sarah G ka kaya, “ sagot ni Gerald. Hampas na naman ang inabot niya. Sarah pwede ko bang mahingi number mo? Lakas loob na tanong ni Gerald. Seryoso ka? Nakangiting tanong nito sa kanya. “Oo naman, pwede ba?”  Oo naman, o sulat mo na. At sinabi sa kanya ni Sarah ang cell phone number nito.

Nasa bahay na si Gerald, hinde pa rin makapaniwala na magkasama sila ni Sarah halos maghapon at binigay nito ang number sa kanya. Kitang kita ang kasiyahan nito na napansin tuloy ng mga kasama niya sa bahay. Mukhang naging maganda ang araw mo ah, sambit ng kapatid.  Super saya!! Sumasayaw na sagot ni Gerald. "At last nakuha ko na rin ang  number ni Sarah at naaya ko syang mag lunch kanina" , kwento ni Gerald sa kapatid. " Wow!!!" Congrats Bro, that's a big step. Mababawasan na madalas mong pagkatulala , biro pa  rin ni Ken. Pabirong sinuntok ni Gerald ang kapatid sa dibdib at Masaya na itong nagtuloy sa kwarto nya.

To Love You MoreWhere stories live. Discover now