Chapter 36

9.1K 65 56
                                    

" Pwede mo bang isipin na kung may Mark ka , may Kim naman ako?" Yun ang tumatak sa isip ni Sarah after nilang mag usap ni Gerald sa phone. Masyado nga yata siyang nagiging paranoid . This has to stop. Hinde ako nagiging fair sa kanya. Huminga ng malalim si Sarah at sinabi sa sariling , time to focus on something else. Kailangan talaga, maka move on muna ako baka by that time na wala na ang sakit, mawala na rin ang mga fears and doubts na to. Hinde ako dapat mag demand ng isang bagay na hinde ko din naman kayang ibigay.

Sarah started to type a text message.

Sarah: I realized I am being unfair to you. Enjoy the rest of your trip. You are right, I should know how you feel towards Kim. I remember exactly what I told you about my feelings for Mark. Take care!

Kapapasok pa lang ni Gerald sa room nila ng mabasa niya ang message ni Sarah.

Gerald: Why do I feel more emptiness with this?

Sarah: You should not, matulog ka na, umaga na. Ingat!

Bago sila lumabas ng room nila that day to go to the airport ay sinigurado ni Gerald na makausap si Sam.

Gerald: I am sorry man, I should not talk to you like that yesterday.

Napatingin si Sam sa kanya at naalala ang text sa kanya ni Sarah na sinabing sana hinde masira ang pagiging magkaibigan nila ng dahil sa kanya.

Sam: I understand where you coming from I guess, at nakipag kamay ito kay Gerald. I must admit I am very protective of her but it's not my place to question you.

In NYC, meron silang mga free time na mamasyal at yun ang ginawa ng grupo. Pag wala din lang meet and greet at video shoot ay namamasyal silang magkakasama o kaya ay kasama mga kamag anak at kaibigan na sa US nakatira. One night Piolo treated them all to a nice dinner in celebration of Kim's birthday.

Natuloy din and dinner date nila Gerald at Kim. Dinala ni Gerald si Kim sa isang fine dining restaurant. Masaya silang nagkuwentuhan at nagbalitaan kung ano na bagong nangyayari sa buhay buhay nila. Sinamantala na rin ni Gerald ang pagkakataon para humingi ng paumanhin kay Kim sa mga naging pagkukulang niya dito nuong sila pa. Nagpasalamat siya sa suportang binigay nito nuong panahon na halos lahat ay parang galit sa kanya. Panay ngiti at ok lang yun ang sagot ni Kim. Halatang masaya na rin ang dalaga sa buhay niya ngayon.

Tinanong ni Kim si Gerald kung sino ang misteryosang babae sa buhay ni Gerald. Halata daw ni Kim na may bago ng babae sa buhay nito at pinilit siyang paaminin kung ano ang pangalan. Alam ni Gerald na hinde pa tamang panahon para malaman ni Kim kung sino ito pero inamin niyang there is someone very special sa buhay niya ngayon. At ipinangako niya sa dalaga na isa siya sa unang makakaalam kung sino ito sa tamang panahon. Nangako sila sa isat isa na susuportahan nila ang bawat isa sa kung anuman ang dumating sa buhay nila. They assured each other's support and hope to remain good friends no matter what.

Samatala si Sarah naman ay itinuon ang panahon sa trabaho. Palapit na ng palapit ang launching ng new album niya at may concert din siya with JayR sa Jordan at the end of the month.Rehearsals, recordings, video shoot , at TVC . Kung may libre itong panahon ay sumasama siya sa mga co champions niyang lumabas. Manood ng sine o kaya ay concerts. Iniwasan na niyang tumingin ng balita about Gerald . Ang bagong intriga ay pilit silang pinag aaaway ni Angeline Quinto. Buti na nga lang at tutuong magaan ang loob nila sa isat isa. Hinde man sila kasing close gaya nina Yeng at Shin, hinde naman sila magka away.

Maganda din ang resulta ng movie nila ni Gerald. Ito ang kauna unahang movie ng 2011 na naka more than 100 million sa takilya kaya tuwang tuwa ang Viva at Star Cinema. May balita nga na baka masundan agad ang movie nila.

Sa ASAP, medyo nabawasan na ang tension kahit nagkikita sina Rayver at Sarah. Minsan nagkakasama pa sila on stage pero nakakayanan na ni Sarah ang hinde masyadong maapektuhan. Nagbabatian sila ni Cristine pero iniiwasan na rin ni Sarah na batiin si Rayver. Ayaw na rin niyang mapagsabihan na baka nag hahabol siya dito.

To Love You MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon