Chapter 19

2.3K 107 7
                                    

A/N: Last Chapter. Click niyo po External Link sa Gilid -->

 Sana po ay Suportahan niyo ang Bagong Story na ginagawa ko..

Mahirap at mayaman, po ang Pamagat .

 Enjoy reading! ^_^

----------

 KARA-

 

"Ayiiieh! Kilig na kilig ka naman dahil kayo na ni CJ?" pang-aasar ko kay Aliiyah. nandito kaming Tatlo sa Sala.. Hinihintay namin si Mystee. Ngayon niya kasi kakausapin si Caleb. Sasama nga dapat kami, Pero sabi niya, Kaya niya daw ng mag-isa.

"Heh! Tumigil ka nga Kara!" sigaw niya, Natawa kami ni Michie.

"Asus! Umiibig tala--" hindi natapos ni Michie ang sasabihin niya ng Pumasok si Mystee ng Nakayuko. Napatayo kami at lumapit sa kanya.

"Kamusta? Naniwala ba siya? Ok na ba kayo? Nagkausap ba kayo ng maayos--" naibaba ko ang kamay kong nakahawak sa Braso niya ng Tumingin siya sa'min at Umiling-iling kasunod ng Pagpatak ng Luha niya.

"Ohmygod." sambit ni Michie habang nakatakip ang kamay sa Bibig.

"Mystee.." saad naman ni Aliiyah, Tumulo na din ang Luha namin. Ngayon lang ulit namin siya nakitang Ganito kung umiyak. Ang huli ay nung nalasing siya at nasabi niya sa'min ang Lahat. Sabay-sabay namin siyang Niyakap.

"Dapat...Dapat nakinig nalang ako sa inyo.." saad niya.. Humagulgol siya. "mas masakit pala kapag sa kanya mismo nanggaling na hindi niya ko mahal." 

"Sssshhh..Tahan na.." pagpapatahan ko, nakagat ko ang Labi ko. Di ko mapigilan ang Luha ko.

"Ang sakit eh...Ang sakit-sakit." lumakas ang iyak niya. Patuloy lang kami sa Pagpapatahan sa kanya. nang tumigil siya sa Pag-iyak. Hinatid namin siya sa kwarto niya at hindi kami umalis hanggat hindi siya nakakatulog..

-

 kinabukasan. Nakatayo lang kaming tatlo sa Tapat ng Kwarto ni Mystee. Kanina pa namin siya Kinakatok..Ayaw niya pa din Buksan.. Dinala na ng isang Katulong yung Isang susi at binuksan namin ang Pinto. Pinalabas ko yung Katulong. pagpasok namin, Nadatnan namin si Mystee na nakaupo sa Gilid ng Kama niya habang Nakatingin sa Litrato nila ni Caleb. Umiiyak na naman siya.

"Mystee.. Hindi nalang muna kami papasok. Dito muna kami." saad ko. Umiling siya

"Ayos lang ako. Wag niyo 'ko alalahanin." saad niya. Umangal pa kami, pero gusto niya daw mapag-isa.

Lumipas pa ang ilang Araw, Linggo,at Halos isang Buwan ng nagkukulong sa Kwarto si Mystee. marami na din ang naghahanap sa kanya. sa Tuwing papasok kami sa kwarto niya, palaging ganun ang Nadadatnan namin, Nakaupo siya sa Gilid ng Kama at Nakatingin sa Picture nila. Tinawagan na din namin ang Parents niya.. Nag-aalala na talaga kami sa Kalagayan niya.

at ngayon, Nandito kami sa Cafeteria.

"Nasaan ba talaga si mystee?" tanong ni jacob.

"Nasa Bakasyon nga, Sinama ng Parents niya." pagsisinungaling ko. Araw-araw. Tinatanong nila kung nasaan na si Mystee, at Paulit-ulit din ang Sagot namin na nasa Bakasyon.

 Dumating ang Araw ng Pagdating ng Magulang ni Mystee..

"Tita, Hindi na po kasi talaga namin alam ang Gagawin. isang Buwan na po siyang Ganyan. Tulala lang sa Picture nila." saad ko. Nakaupo kami sa Harap ni Mystee.

Eroplanong PapelWhere stories live. Discover now