Chapter 7

2.4K 105 2
                                    

A/N: Hello! =) Baka after nitong UD ko na ito, Matagalan na ulit. Medyo naghahanda sa Kasal ng Aking Pinsan. Minsan lang ako Maging Abay kaya dapat Paghandaan! =D

 Salamat po sa makakaintindi! ♥

Add nito po pala ako sa FB:: missymimss@yahoo.com

 Follow me on Twitter:: @Jiji_Anne

SALAMAT!

********

 KARA'S pov>

Nakaupo lang ako dito sa Tambayan namin. Katabi ko si Michie at Aliiyah. Si Mystee? Ayun sa sulok. Gumagawa na naman ng Eroplanong Papel -__-

"Girls. Ano tingin niyo kay Jacob?" maya-maya'y tanong ni Michie. napatingin naman ako sa Kanya.

"Tao?" patanong na sagot ko. Hinampas naman niya ako sa Hita -_-

"Haha! Ibig ko sabihin. Sa tingin niyo. Ok siya maging Boy Friend?" nakangiting tanong niya.

"Ok lang. Mukha naman siyang Mabait. Gwapo naman siya. Yun nga lang. Gusto ka ba?" mapang-asar na tanong ni Aliiyah. Oo nga naman, Gusto nga ba siya ni jacob? Napa Pout naman si Michie.

"Ang Ganda-Ganda mo tapos nahihiya kang Umamin sa kanya?" tanong ko. Matagal niya na kasing gusto si Jacob.

"Bakit ako ang Aamin? Hindi ba dapat siya? Kasi siya ang Lalaki" saad niya. napakamot naman ako sa Ulo ko -__-

"Eh, Paano ngang Aamin, Kung wala naman Aaminin sayo? Tsk!" saad ko. Muli siyang napa-Pout.

"Gusto mo, Tulungan ka naming alamin kung may gusto siya sa'yo o wala?" tanong ni Aliiyah. Bigla namang Ngumiti ng malapad si Michie.

"Talaga?" excited na tanong niya.

"Sa isang Kondisyon!" saad ni Aliiyah habang nakataas pa ang Hintuturo.

"Ano? Dali..." sabi ni Michie. Napapailing nalang ako sa Dalawang 'to -__-

"Libre mo ako ng Lunch buong Week." sabi ni Aliiyah.

"HAHA! ayun lang pala eh! sige!" tsk. Napatingin ako kay Mystee. Napaka Lungkot na naman niya. Naalala ko pa nung Una kaming Nagkakilala sa Korea. Nasa Sasakyan ako nun, Gabi na at kagagaling ko lang sa Party. Nakatingin lang ako sa Labas at nahagip siya ng Mata ko. Bumaba ako sa sasakyan at Pinuntahan siya. Nakaupo lang siya sa Tabi ng Fountain at Nakapikit. Pero Umaagos ang Luha. Hindi ko alam, pero Nakaramdam ako ng Awa sa kanya nung Panahong yun. Pakiramdam ko kasi NapakaBigat ng Dinadala niyang Problema. Hindi naman siya Mahirap kaibiganin dahil mabait siya. Nung una, Tinatanong ko kung Bakit siya umiiyak. Pero palagi siyang umiiwas ng Sagot. Kaya hinayaan ko nalang.

 Then, dumating yung Time na nakilala naman namin si Michie at Aliiyah sa isang Party. Dun namin nalaman na Magkakaibigan pala ang mga Parents namin. Nalaman din namin na magkakaSosyo sila sa Negosyo.

 NapagPasyahan naming Umuwi sa Pilipinas at Dito na Mag-aral. Binili ng Magulang namin ang School na 'to para sa'ming Apat.

 Habang tumatagal. Nagiging Malapit kaming apat sa isa't-isa. Tumira na din kami sa iisang bahay. Kapag may Problema ang isa. Dinadamayan namin.

 One time, nag-inuman kaming Apat at Nalasing si Mystee. Dun niya nasabi ang Lahat.

 Wala kaming nagawang Tatlo nun kundi ang Damayan siyang Umiyak. Nakakaawa siya. Napaka Bata niya pa para maranasan ang ganun. Haaaaaaayyss.. Kaya nga Nasasanay nalang kami na ganyan siya. Naiintindihan naman kasi namin siya eh. Mayaman nga siya, Halos lahat ng Gamit nasa kanya na Ata. Pero yung talagang Pinaka Gusto niya, yun pa ang Nawala sa kanya.

"Kara!"

 Nabalik naman ako sa wisyo ng Sigawan ako ni Aliiyah sa Tapat ng Tenga ko -__-

"Aray ha! Bakit ba?" tanong ko.

"Kanina kapa namin tinatawag. Nag Bell na po Mahal na Prinsesa. baka po gusto mo nang Tumayo diyan. Oh baka gusto mong iPabuhat pa kita kay JV?" sarkastikong saad niya. at ano daw?!!

"JV?!!!" mataray na saad ko habang tumatayo.

"Asus.. Kunwari ka pa! Nakita ko kaya sa Cellphone mo yung Puro Stolen Picture niya! HAHAHA!"

O__O ?

"H-hoy! Paano mo nalaman yan ha?!!!" sigaw ko.

"JOKE lang! Umamin ka naman! Hahaha!"

 aish! Masisiraan ako ng bait sa Babaeng 'to! akala niyo ba, yan ang Pinaka tahimik? Naku! Napakadaldal niyan!

"Letse!" sigaw k otapos nilagpasan siya. Tsk! Nabuking pa tuloy!

 Hmp! OO na! Crush ko yung Playboy na yun! ARGH!!

Late na kaming Dumating sa Room, at etong si Aliiyah, tawa padin ng Tawa -__- Hanggang sa makaupo kami, tumatawa padin.

"Hi. JV.. Pffft." sabi ni Aliiyah na nilingon pa talaga si JV. Lakas talaga mang-asar nito! Pinandilatan ko naman siya ng Mata.

"Tulad nga ng sinabi ko. Magkakaroon tayo ng Groupings. sa isang Grupo ay Walo kayo. Pupunta kayo sa Isang Resort at dun mag-iinterview ng mga dayuhan.. Blablabla" saad ng Teacher. OK? ano namang kinalaman nun sa Subject niya? "Ms.Mystee." tawag ng Guro. Tumingin naman si Mystee sa kanya. "Ikaw na Bahala mamili ng Gusto mong Ka-Grupo." saad niya. Tumayo naman si Mystee at may inabot na Papel kay Maam. Tinignan yun ni Maam, at pagkaupo ni Mystee ay binasa niyaito."Ok,Para sa Grupo ni Mystee..sila, Ms.Kara, Ms.Michie, Ms.Aliiyah ,Mr.JV, Mr.Jacob, Mr.CJ, and Mr.Caleb. kayo ang MagkakaGrupo." saad ni maam. Magaling Pumili si Mystee ha? Mehehe. sinabi pa ni Maam ang Ibang MagkakaGrupo. sa Saturday namin Uumpisahan yun. May 2days pa kami para maghanda =)) Nang Lumabas si Maam ay Tumayo si Aliiyah at humarap sa Apat -__-

"May aAngal ba sa inyo sa PagPili sa inyo ni Mystee bilang ka-grupo namin?" Mataray na tanong niya, Sabay-sabay naman na umiling yung Apat. HAHA! "Aba! Dapat lang! masuwerte nga kayo at kayo ang napili ni Mys--hgjlggklh" saad niya, Tinakpan ko kasi ng kamay ko ang bibig niya. masyadong madaldal -__-

"Ingay mo Talaga!. Tsk" saad ko tapos humarap din sa Apat. "Hoy,Kayo." turo ko sa Kanila "sa Friday tayo B-Byahe, Pumunta kayo sa Bahay namin, Ibibigay ko sa inyo ang Address. AT! Wag na wag kayo mag tangka na Ikalat ang Address namin dahil malalagot kayo sa'min. Naiintindihan niyo?" taas kilay kong tanong. Muli silang NapaTango. "Good." saad ko at umiwas na ng Tingin. ABA! Eh kung makatingin kasi si JV akala mo may gusto sa'kin. Mabuti kung ganun! Hihi! Tumingin ako kay Michie. "Oh? May idadagdag ka sa sinabi ko?" tanong ko. Umiling naman siya. Haha! Cute talaga.

"Sure ba kayo na.. Kami ang gusto niyong kagrupo?" tanong ng nasa likod ko, taas kilay ko naman siyang nilingon

"Aba! Aya---w.. Ayaw niyo ba?" tanong ko tapos inayos ko ang Mukha ko, Si JV naman pala yung nagtanong -__-

"Ah, Hehe. Gusto, siyempre." sagot niya. Pangiti-ngiti ka pa diyan! Halikan kit--AY! ANO BA YUNG SINASABI KO!

"Kala ko, ayaw mo eh.." sabi ko tapos umiwas na ng Tingin

 Bigla naman tumayo si Mystee at Tumingin kay... Caleb. Tumitig naman siya kay Mystee. Inabot ni Mystee kay Caleb yung Card namin na Naglalaman ng Aming Address at Phone number.. PHONE NUMBER? wth?!!

"A-ano 'to?" takang tanong ni Caleb

"Itext niyo nalang kami kung Ayaw niyo kaming Kagrupo. Kung gusto niyo naman, Puntahan niyo nalang kami. nandiyan na ang Address at Phone Number namin." sagot ni Mystee. OK, ayan na ang PinakaMahaba niyang Nasabi.. magdiriwang naba kami? Tumalikod naman na siya tapos naglakad na palabas. Tumayo nadin kami at sumunod kay Mystee. Baka magLaslas pa yun, kaya dapat palaging sinusundan. Hihi! Biro lamang!

----------

 JV and KARA at the side ------>>> ♥♥♥♥

Eroplanong PapelWhere stories live. Discover now