Chapter 18

2.1K 94 4
                                    

---

 CALEB-

"Caleb, Mall naman tayo. Igala mo naman ako ditooooo, sige naaa" pangungulit ni Elize. Sabado ngayon, Nandito siya sa Bahay at Siya mismo ang Gumising sa'kin

"Mamaya na Elize, Masyado pang Maaga." sagot ko. Nag-Crossed arms naman siya at nag Pout.

 "Di mo na 'ko mahal! Huhu, I hate You!!" sigaw niya, Napangiti ako..

"Sige na,Sige na. Maliligo lang ako." saad ko, Umaliwalas naman ang Mukha niya at Sinunggaban ako ng Yakap.

"Thank you! I Love You! I Love You!" saad niya.. Nawala ang Ngiti ko.. Bakit Parang hirap na hirap akong Banggitin ang I love you too?

"Hintayin mo lang ako diyan ha?" saad ko at Umakyat na sa kwarto. Inayos ko muna ang mga susootin ko bago ako Dumeretso sa bathroom.. Muli akong Pumikit at Hinayaang Mabasa ng Tubig mula sa Shower ang Buong mukha at Katawan ko.

 Napamulat ako ng May makita akong Imahe ng Isang babae sa Isip ko.. Yung mga ngiting yun, Bakit yung ngiti niya lang ang Nakita ko? Bakit di ko makita ang Mukha niya? pero sigurado ako, Nakita ko na ang Ngiting yun..

 Agad kong tinapos ang Pagligo. Nagbihis ako atsaka bumaba. Naabutan ko si Mama at Elize na nag-uusap at nagtatawanan.

"Ma.." tawag ko ng makalapit ako sa Kanila, Hinalikan ko si Mama sa Pisngi.

"Mag-iingat kayo ha?" saad ni Mama, Tumango lang ako. "Oh siya, Lumakad na kayo at baka gabihin pa kayo. Para na din mas ma-enjoy niyo." Muli kong hinalikan si Mama sa Pisngi. Nakipag Beso naman si Elize kay Mama. Nauna nang Lumabas si Elize dahil napatigil ako ng Hawakan ako ni Mama sa Braso.

"Bakit,Ma?" tanong ko.

"Masaya ka ba Anak?" tanong niya, Kumunot naman ang Noo ko

"Ma--"

"Patawarin mo si Mama kung Halimbawa man na May nagawa akong di maganda sayo anak ha?" muling saad niya. Lalo akong naguluhan

"Ano ba sinasabi mo Ma? Hindi po kita maintidihan." saad ko, Nakita ko naman ang Paglungkot ng Ekspresyon ng Mukha ni Mama.

"Basta Anak, Tandaan mo. Ginawa lang ni mama kung ano yung Alam kong..Mas makabubuti sa'yo." saad niya tapos Umakyat na. Naguguluhan ako. Ano ba ang sinasabi ni Mama? Hindi ko talaga maintindihan.

-

 Kanina pa kami paikot-ikot dito sa Mall. inaaya ko kumain si Elize, pero ayaw niya naman. Kaya hinayaan ko nalang.

"Tignan mo yun ohh! Ang Gandaaaa!" saad niya habang tinuturo yung Puzzle na nakadisplay. Nilapitan namin yun. "Woooow! Ang Ganda,Ganda!" muling saad ni Elize. Napapangiti nalang ako. Maganda nga yung Puzzle. Portrait? Ewan! Basta, Larawan siya ng isang Babaeng Nakasandal sa Puno habang Papalubog ang Araw. Ginawa siyang Puzzle. Magaling ang Pagkakagawa. Naalala ko yung Puzzle na nakadisplay sa Kwarto ko. Saan kaya Pinagawa yun? Saan binili yun?

"Dun naman tayooo!" sabi ni Elize tapos hinila ako.

Lumipas ang Maghapon, Naglaro lang kami, Kumain. Tapos nag-aya ng Umuwi si Elize.

"Grabe! Nag-enjoy ako. next Time ulit ha?" sabi niya ng Maihatid ko siya sa Kanila. Ngumiti ako at Ginulo ang Buhok niya.

"Opo, Next Time Ulit. Sige na. Pumasok kana sa loob." saad ko.. Niyakap niya naman ako ng Mahigpit

Eroplanong PapelTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang