Chapter 1

4.4K 130 2
                                    

A/N: eto na ^__^

 Sana po ay Tulad ng pagsuporta niyo sa Ibang Story ko ay Masuportahan niyo din po ito. Salamat po.

Dedicated Sayo. *^___^* Salamat sa Patuloy na Pagbabasa ng Stories ko <3

---

 Hila-Hila ang aking Maleta. Naglakad ako Papalabas ng Eroplano.

Panibagong Populasyon. Hindi Kasing Sariwa ang Hangin. Hindi tulad ng Inaasahan ko.

Tinanggal ko ang suot kong Salamin at nilibot ang Paningin.

"Hello Philippines" nakangiti kong sabi.. Naglakad ako palabas. Nasaan na ba ang sundo ko? Umupo muna ako atsaka inilabas ang Cellphone ko. Puro mensahe galing kay Lolo.

"Sir.Caleb?" tawag pansin saakin ng isang Matandang lalaki. Tumayo ako at binaba ng Bahagya ang salamin ko. Bakit Parang kilala ko ito? Hindi ko matandaan. "Ako po ang Personal Driver niyo Mula Pagkabata niyo Sir.Caleb." Nakangiting saad niya.

"Simula Pagkabata?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko alam ang sinasabi niya. Nakita ko naman ang tila pagkataranta ng Itsura niya.

"N-naku, W-wag niyo nalang isipin a-ang sinabi ko. Halina po kayo. Kanina pa po kayo inaantay ng Mama mo." agad naman niyang kinuha ang Bagahe ko. Weird.

 Habang nasa byahe ay Hindi ko maiwasang mapaisip. Bakit parang pamilyar sa'kin ang bawat lugar na madadaanan nitong sinasakyan ko? Pero imposible. Ang sabi saakin ni Lolo, ang huling punta ko daw dito sa Pilipinas ay noong Pitong taon ako.

"Nandito na po tayo, Sir.Caleb." saad ng Driver. Tumango lang ako. Hindi ko na siya hinintay na ipag bukas ako ng Pinto. Pagbaba ko ay sumalubong saakin ang mga Nakahilerang Kasambahay.

"Welcome Home, Sir.Caleb" pagbati nila at sabay-sabay na tumungo.

"Babyyyyyy!!!" nangibabaw ang sigaw ng isang babaeng hindi katandaan sa Loob ng Mansiyon. Tinignan ko siyang Pababa ng Hagdan.

"Mama!" tawag ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng Mahigpit.

"Hmmmmm.. Napakalaki na ng Baby ko. Ang gwapo-gwapo at binatang binata kana." saad niya habang tinitignan ang kabuuan ko. Napangiti ako.

"Mama, Last week lang tayo Huling nagkita." Natatawang saad ko.

"Namiss lang kita! halika! Dadalhin kita sa kwarto mo." saad niya at Hinila ako Pataas ng Hagdan. Nilibot ko ang Paningin ko. Napakalaking Bahay. Kung sa iba ay Mansiyon ng Maituturing ito.Huminto kami sa kulay Asul na Pinto. Binuksan ito ni Mama at hinila ako Papasok..

"Pinaayos Namin 'to Bago ka umuwi. Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong ni Mama. Lumakad ako Palibot sa Kwarto. Pagpasok ng Pinto ay May Sofa. T.V. at kung ano-ano pa. Sa dingding Papasok sa Pinakaloob kung nasaan ang Kama ay may nakasabit na Malaking Puzzle. Nakaframe ito. Nilapitan ko ito at tinitigan. Napaka Gandang Puzzle. Isang nakatalikod na nakaupong Lalaki ang Tila pinagmamasdan ang Paglubog ng Araw. Magaling ang nakaisip nito. Dalawang anino ang Nakaupo, isang lalaki at isang....

"Mama, Bakit kulang ng Isang Piraso ito?" Tanong ko kay mama habang nakaturo sa Puzzle, lumapit si Mama at Tinignan ang Puzzle.

"Habang Inaayos namin yan, Talagang hindi namin makita ang isang Piraso na Makakabuo niyang Puzzle na iyan. Sayang naman kung itatapon na lamang namin. Kaya idinisPlay ko nalang kahit kulang. Maganda pa din naman hindi ba?" Nakangiting saad ni Mama habang nakatingin sa Puzzle. Maganda nga, Siguro kung hindi nawala ang Piraso nito ay Mabubuo ang Anino ng nakaupong Lalaki at Babae habang Pinapanuod ang paglubog ng Araw. Kaso ay nawawala ang bahagi kung nasaan ang Babae.

Eroplanong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon