Chapter 9

2.2K 91 0
                                    

A/N: Jacob and Michie, Chapter.

 COMMENT <3

******

 JACOB-

Nagulat talaga kami ng Makita namin si Kara na nakahiga sa Lap ni JV. at mas nagulat kami ng malaman naming SILA na. AT ANG PINAKA NAKAKAGULAT eh yung sinabi ni Kara. Gusto ako ni Michie?

Nakatayo padin ako dito at si Michie naman ay nakatalikod sa'kin. Paano ba 'to? Nawawala ang Pagiging Playboy ko kapag kaharap ko siya!

"*Ehem!*" kunwaring ubo ko. Humarap naman sa'kin si Michie. pero nakayuko. "Ahh..." shit! Nasan na ba dila ko? Tsk! Napakamot ako sa Batok ko. "T-totoo ba?" tanong ko. Hindi siya sumasagot. Medyo lumapit ako sa kanya. "Michie." tawag ko sa kanya. at sa wakas, Tumingin siya sa'kin!

"Ano. Hmm.." panimula niya. Matatawa na ba ako? Ang Cute niya kasi!! "Kainis talaga si Kara!" bulong niya pero dinig ko. Napangiti na naman ako.

"Michie." saad ko tapos hinawakan ko siya sa Magkabilang Balikat. Nagkatinginan kami. Ang pula ng Pisngi niya! "Gusto mo ako?" tanong ko, Umiwas naman siya ng Tingin. Hinawakan ko yung Chin niya at hinarap sa'kin ang Mukha niya. Pero iniiwas niya padin ang tingin niya. "Look at me." saad ko, pero hindi talaga siya tumitingin "Michie. Look at me." madiin na sabi ko. Mukha naman siyang natakot kaya tumingin siya sa'kin. Gusto kong kurutin ang Pisngi niya! "Totoo ba?" muling tanong ko. Napa-Pout naman siya. Ang sarap halikan -__-

"Kung totoo. Hindi mo naman ako magugustuhan diba? Kasi Playboy ka, Marami kang Babae." sagot niya. Bumuntong hininga naman ako.

"Kapag ang Playboy nagmahal. Seryoso at Totoo." saadko. Muli siyang napa-Pout. Hahalikan ko na 'to! "At swerte mo dahil ikaw ang Minahal ko." dugtong ko, Nanlaki naman ang mata niya.

"A-ano?" tanong niya. Pero imbis na sagutin. Niyakap ko nalang siya mula sa Bewang.

"Mahal kita." bulong ko.. Naramdaman ko naman ang Pagyakap niya sa'kin kaya hinigpitan ko ang Yakap ko sa kanya..

"Mahal din kita." sagot niya. Humiwalay ako sa yakap at Hinawakan siya sa Pisngi. Unti-unti kong nilapit ang Mukha ko sa kanya. Magkadikit na ang ilong namin. Pumikit siya. Pipikit na din sana ako ng...

"HOY! MAMAYA NA YAN!" anak ng?!! Wrong timing ka CJ! tsk. Napakamot nalang ako sa Batok ko. Napangiti si Michie.

"Nakangiti ka diyan." saad ko ng nakaPout. Tsk. Nagulat naman ako ng Bigla niya kong hinila at Mabilis na hinalikan sa Labi.

"i Love you Playboy." saad niya. Napangiti ako, Hinawakan ko siya sa kamay at naglakad na kami Papunta saa Hotel. Naabutan naman namin sila dun na Nagtatawanan, Pwera kay Mystee at Caleb. Napatingin naman sila sa'min ng Pumasok kami.

"Ayiiiiiiiiieeehh." pang-aasar ni Aliiyah.

"Tse! Gusto mo sabihin ko sa kanila na gusto mo si C--ghdlhsgh" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng Takpan ni Aliiyah ang Bibig niya

"Manahimik ka Michie. Baka gusto mong i-Acting ko pa dito kung paano ka nagmaka-ghdjhg" Tinakpan naman ni Michie ang Bibig ni Aliiyah.

"Oo na! Tatahimik na!" pagsuko ni Michie. Napatawa nalang kami.

"So, Anong Plano?" tanong ni CJ

"Plano?" tanong ni Kara. "Haha! May gagawa na ng Group Project natin. Kaya nga Pinili ni Mystee na Kayo ang MakaGrupo namin dahil gusto niya na Maging Maayos ang LoveLife namin. Bait niya nuh?" dugtong ni Kara. Napatingin naman kami kay Mystee na Tahimik lang

"Tama! Kaso di nakapag-antay si Kara, kaya kagabi pa lang Umamin na kay JV! atat lang kara? Hahaha!" pang-aasar na naman ni Aliiyah. Binato naman siya ni Kara ng Unan

"Manahimik ka Diyan Aliiyah! Palibhasa, Hindi ka napapansin ni C---BOOGHSH!" Di natapos ni Kara yung sasabihin niya ng Ibatao pabalik ni Aliiyah yung Unan sa kanya at sakto sa mukha niya

"Hoy Kara! Baka gusto mong sabihin ko kay JV kung gaano karaming Pic--BOOGHSH!" Binato ulit pabalik ni Kara yung unan sa Mukha ni Aliiyah. Kaya ang Ending, Nagbatuhan nalang sila ng Unan. Natatawa nalang kaming Boys. Grabe! Di ko akalain na ganito pala sila kasaya kasama. Kapag sa School kasi, Iba ang Dating nila.

 At sino ba naman mag-aakala na Magiging kami ng Babaeng Pinapangarap ko?

"Ibig sabihin, Nandito tayo para mag Enjoy?" tanong ni Caleb

"Tumpak!!!" sigaw ni Aliiyah. Napangiti ako, Hanggang bukas ko makakasama si Michie =) Pero! wala akong binabalak sa kanya ha!! Nirerespeto ko siya!

"Sandali, sandali." saad ni JV. "Kami na ni Kara, Si Jacob at Michie, sila na din. Eh paano kayo?" tanong niya na tinuro si Mystee,Aliiyah, Caleb at CJ. "Mystee. May Boyfriend ka ba?" dugtong na tanong ni JV

 Bigla namang Tuma!himik ang Girls. Bakit kaya? Kita sa mga mata nila ang Biglang lungkot. may tinatago ba sila sa'min?

"Boyfriend?" balik tanong ni Mystee, Ngumiti siya na halatang Pilit. "May Hinihintay ako. At sigurado ako na. Babalik siya" sagot niya tapos tumayo na at dumiretso sa Taas. Ano nangyari sa kanya? Parang sobrang Lungkot niya. Tumayo naman si Aliiyah,Michie at Kara.

"Diyan lang kayo ha?" saad ni Aliiyah tapos sinundan nila si Mystee. Nagkatinginan kaming mga Boys at nagkibit balikat..

"Sa tingin ko, May Nililihim sila." saad ni CJ.

"Asus! Selos! Haha!" pang-aasar ni JV. Kasi naman, Crush niya kasi si Mystee. Pero Crush lang ha?

"Gago!" pabirong saad ni CJ. Napatingin kami kay Caleb na Kanina pa tahimik


"Caleb. May Problema ba?" tanong ko

"Ha? Wala.Wala" sagot niya.

"Pero, mabalik nga tayo kay CJ" saad ni JV "Alam namin na hindi ka talaga kay Mystee InLove eh! Aminin.." mapang-asar na saad ni JV, natawa kami. Kita kasi namin sa Kilos ni CJ eh. Haha! sinasabi niya lang na si Mystee ang Gusto niya para Matakpan ang Tunay na gusto niya. 

 Ilang minuto na din nakakalipas pero wala padin sila Michie. Kaya napag desisyunan naming Sumunod sa kanila. Tumigil kami sa Isang kwarto na medyo nakabukas. Papasok na sana kami.. pero kusang tumigil ang paa namin sa Paglakad..

"Ssssshh. Tahan na.." narinig naming sabi ni Kara.

"Ang sakit-sakit na..." Hindi ko alam pero ng marinig ko ang Boses ni Mystee na halos Pumipiyok na. Napaatras ako. Umiiyak siya.. Umiiyak si Mystee..

Eroplanong PapelWhere stories live. Discover now