Chapter 17

1.9K 89 3
                                    

A/N: Dedicated sayo ^_^

___

 KARA-

"Anong ginagawa mo dito? Bakit di ka pa natutulog?" Tanong ko kay Mystee. Nandito kasi siya sa Garden ng Bahay. Tahimik na nakatingala sa Langit.

"Para siyang bituin. Ang Hirap niya ng Abutin." malungkot na saad niya. Sabi na eh. Siya na naman. "Alam mo ba, Tinanong ko sa kanya kung Mahal niya ba si Elize." Nanlaki ang Mata ko.

"What?! Nahihibang ka na ba? Talagang Gustong-gusto mo saktan yang Sarili mo ano?!" saad ko, Inisnaban ko siya.

"Gusto ko lang naman malaman, Kung may maaalala ba siya.." sagot niya.

"Oh ano? may naalala ba?" sarkastikong tanong ko, Umiling siya

"Pagod na 'ko Kara.." saad niya. Pumatak na naman ang Luha niya. "Ang sakit na talaga. Pagod na 'ko, gusto ko ng sumuko." Niyakap ko siya..

"Sssshhh.. Bakit kasi, Hindi ka nalang sumuko? Please Mystee itigil mo na, Tama na.." saad ko. Humiwalay siya sa Yakap atsaka umiling-iling

"Ayoko..Sabi niya dati, Maghintay ako. Sabi niya Babalikan niya ko, Nangako siya na Ako lang ang mamahalin niya. At pinanghahawakan ko ang Pangakong Yun." saad niya. Napabuntong hininga ako.

"Bumalik na siya diba? Anong napala mo? Ni Amoy mo hindi niya Maalala. Di mo ba nakikita?! May iba na siya! Hindi na ikaw ang Mahal niya! Kinalimutan ka na niya! Masaya na siya sa Iba! Please, Tumigil ka na!" di ko na napigilan ang Sigawan siya. Nakagat ko ang Labi ko. Shit! "Look, I'm sorry..Mystee. Ayoko na kasi nakikita kang ganyan." saad ko. Pinunasan niya ang Luha niya.

"Hayaan niyo na 'ko. Mahal niya ko, Ramdam ko yun, Nakikita ko sa mga mata niya. Isip niya lang naman ang Nakalimot eh.Pero yung Puso niya? Sigurado ako.. Mahal niya ko.." saad niya, Napailing ako.

"Nalimutan ka nga ng Isip niya, sa Tingin mo, Kung Hindi nakalimutan ng Puso niya na Mahal ka niya, Aabutin ng Dalawang taon ang Paghihintay mo?! Mag-isip ka naman! Masyado ka nang Nasasaktan!" saad ko. Muling tumulo ang Luha niya.

"Gusto kong marinig mula mismo sa kanya na hindi niya na 'ko mahal. Gusto kong siya mismo ang magsabi sa'kin na Iba na ang Mahal niya at hindi na ako. Kapag narinig ko yun sa kanya. Saka ako titigil." saad niya. Napabuntong hininga nalang ako. Ano pa ba magagawa ko? Tsk

"Anong balak mo?" tanong ko.. Huminga siya ng Malalim.

"Sasabihin ko na sa kanya ang Lahat." napanganga ako.

"At paano kung Hindi siya maniwala?" muling tanong ko.

"Gagawin ko lahat, Maniwala lang siya." sagot niya.

"At kung Hindi pa din siya Maniwala sa gagawin mo?" tanong ko. Muli siyang Bumuntong hininga.

"Dun na 'ko susuko." sagot niya. Tumayo na siya at pumasok sa Loob ng Bahay. Muli akong napailing. Haaaaaaaayyys..

-

 "Mhie, Ang tahimik mo ata?" tanong ni JV, Nandito kami sa Cafeteria. Breaktime na namin.

"Wala, May iniisip lang ako," sagot ko. Hindi na siya sumagot. "Ah, Dhie." tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

Eroplanong PapelWhere stories live. Discover now