Chapter 13

2K 91 1
                                    

A/N: Katulad po ng sinabi ko.. Mag de-Dedicate po ako sa Mga nagco-Comment! ^_^

 Dedicated sayo! Salamat po sa Patuloy na Pagbabasa <3

*********

 KARA-

 "Ok na ba lahat? Wala na kayong naiwan?" tanong ko ng Makasakay ako sa Van. Tumango lang sila. Umupo ako sa Tabi ni JV. Matapos ng Nangyari kagabi, Hindi na gaanong kumikibo ang Boys. Para bang,Takot sila na may masabing Hindi maganda. Pumasok na din si Mystee habang may Headset sa Ulo. Tsk. Mas lalo siyang naging Cold. Hindi ko naman  masisisi ang Boys, Siguro dala lang ng Curiosity kaya naitanong nila yung Kagabi. Nag-umpisa na Magdrive ni Manong. Tahimik lang kami sa Van. Pinulupot ko ang Braso ko sa Braso ni JV atsaka sumandal sa Balikat niya. Naramdaman ko naman na hinalikan niya ko sa Buhok. Hinawakan ko siya kamay. Tumingala ako sa kanya. "I love you." bulong ko. Humarap siya sa'kin at hinalikan ako sa Noo.

"I love you Too,Mhie." sabi niya ng nakangiti. Ipinikit ko ang mata ko. Malayo pa ang Byahe, Matutulog nalang siguro ako..

--

 Nagising ako ng Maramdaman kong Huminto ang Van. Kinusot-kusot ko ang Mata ko.

"Nasan na tayo?" tanong ko ng makitang kaming Dalawa nalang pala ni JV ang nasa Loob ng Van

"Nandito na, sa inyo." sagot niya. Napabalikwas naman ako.

"Ha?!! Bakit di mo 'ko ginising?" tanong ko. Kinurot naman niya ang iLong ko.

"Ayaw po kitang istorbohin sa Pagtulog." Napangiti naman ako sa sagot niya. =) Hinawakan niya naman ang kamay ko "Halika na." saad niya. Bumaba kami ng Van at pumasok sa Loob ng Bahay, Naabutan namin yung iba na tahimik na nakaupo sa Sofa.

"Nasaan si Mystee?" tanong ko. Tinuro naman ni Aliiyah yung taas. Tsk.

"Di pa ba kayo uuwi?" tanong ko sa Boys. "Gumagabi na kasi, Para makapag Pahinga kayo. Nandiyan naman yung Kotseng ginamit niyo diba?" dugtong ko. Tumango naman sila atsaka tumayo. Nag ba-Bye lang kami sa isa't isa. Nang makaalis sila, Dumiretso kami sa Kwarto ni Mystee.

"Myst.." tawag ko. Nakatayo siya sa Rooftop ng Kwarto niya at Nakatingin sa Papalayong kotse nila JV. Tumayo din kami sa Tabi niya. "Gusto mo ba kumain? Ipaghahanda ka namin." tanong ko. Bumuntong hininga naman siya..

"Hanggang ngayon, Wala pa din pagbabago." sabi niya sa malungkot na boses. "Naiisip ko, Bakit kaya Hindi ko nalang sabihin sa kanya ang Totoo? Siguro, mas Mabuti pa yun diba?" saad niya, Huminga siya ng Malalim kasabay ng Pagtulo ng Luha niya. "Pero, naisip ko din na. Kung sasabihin ko ba ang Totoo, May magbabago kaya? Kapag sinabi ko ba sa Kanya ang Lahat. Maniniwala kaya siya? Gayong, Hindi niya naman ako maalala?" muli siyang Bumuntong hininga,

"Mystee.." saad ko habang hinahagod ang Likod niya.

"Naiinis ako, Nagagalit ako. Bakit sa kanya pa nangyari yun? Bakit kaylangang, ako pa ang makalimutan niya? Mahal niya 'ko diba? Pero bakit, ni Pangalan ko, nakalimutan niya. Bakit...bakit ang Lupit ng Tadhana sa'kin?" muling umagos ang luha niya.. "Mahal na mahal ko siya eh..mahal na mahal ko siya. Hindi ba pwedeng, Bumalik nalang sa Nakaraan, Dun sa Panahon na. Kilala niya pa ako. Dun sa Panahon na. Mahal niya pa 'ko. Dun sa panahon na, Masaya pa kami.. Sana..Bumalik na siya sa'kin kasi.. Konti nalang.." saad niya.. "Konti nalang, susuko na 'ko.." Niyakap ko siya. 

"Shhh. Magiging ayos din ang Lahat.." bulong ko, 

"Ang sakit eh..Ang sakit-sakit na. Ginawa ko na lahat. Pero bakit hindi niya pa din ako maalala? Bakit nung Nakita niya 'ko, wala siyang Reaksyon. Yung isip niya lang ang nakalimot diba? Pero bakit, Pati yata yung Puso niya, Nakalimutan na kung sino ako?" 

"Shh.. Magpahinga kana muna Mystee.." sabi ni Michie.. Inakay naman namin siya papunta sa Kama niya. "Matulog kana,Magpahinga kana. Ok?" Kinumutan siya ni Aliiyah.. Hindi kami umalis sa tabi niya hanggat hindi siya nakakatulog. At nang makita naming Mahimbing na siya, Pinatay na namin ang Ilaw sa kwarto niya bago kami lumabas. Dumiretso kami sa Veranda ng Kwarto ko.

"Nakakaawa siya." saad ni Aliiyah, Napabuntong hininga kami.

"She's so Fragile." saad naman ni Michie.

"Sa tingin niyo, May magagawa tayo?" tanong ni Aliiyah. Sa totoo lang, Hindi ko alam..

"Eh kung, kausapin kaya natin ang Magulang niya, Itanong natin kung baki--"

"No way." pagputol ko sa sinasabi ni Michie

"Pero bakit? Yun nalang ang Nakikita kong paraan! Hindi kaba naaawa kay Mystee?" tanong niya. Tinitigan ko siya.

"Kung gusto talaga ng Magulang niya na Maalala pa si Mystee, Dapat. Matagal na nilang sinabi sa Kanya ang Totoo.. pero ano? Sila mismo na malapit sa kanya, kahit pangalan ni Mystee, hindi nila binabanggit!" saad ko, natigilan naman sila

"Oo nga noh? Ibig sabihin. Ayaw ng Magulang niya na maalala pa niya si Mystee?" tanong ni Aliiyah.

"Ganun na nga." sagot ko. Muli kaming napabuntong hininga.. Tahimik lang kami, hanggang sa Napagpasyahan naming matulog na.

-

 Kinabukasan, Maaga kaming nagising at Pumasok sa School. Konti palang ang Estudyante sa Room pag pasok namin. Tinext ko na din si JV na nandito na kami sa Room.

 Maya-maya pa, Dumating na sila. Hinalikan lang ako ni JV sa Cheeks tapos umupo na siya sa Upuan niya.. 

Nag-umpisa ang Klase.. Patingin-tingin ako kay Mystee. Sobrang tahimik niya talaga.

 Breaktime. Agad kaming Pumunta sa Cafeteria. Tahimik lang kaming Kumakain... Hanggang sa...

"Caleeeeeeeebbbb!!!" sigaw ng isang Babae.. Patakbo siyang Lumapit sa Table namin. Napatayo naman si Caleb. Mabilis na nakalapit ang Babae at SinungGaban nya ng Halik at Yakap si Caleb. "Namiss kita!" saad niya habang nakayakap kay Caleb..

"Elize.." nakangiting sambit ni Caleb at gumanti sa Yakap nung Babae. Tumayo naman sila JV,CJ,at Jacob.

"Caleb, sino siya?" tanong ni CJ. Bumitaw naman sa Yakap si Caleb at humarap sa'min ng Nakangiti.

"Ah, Elize..Sila nga pala yung kinukwento ko sayo dati, Tropa ko. si JV,CJ,at JACOB.." pakilala niya, Nakipag kamay naman yung babae. Tumingin sa'min si Caleb "Sila naman ang Bago kong Friends. Si Kara,Aliiyah,Michie,at Mystee" nakangiting Pagpapakilala niya. "And,Guys. This is ELize Buenafe...My Girlfriend."

WTF? WTH?

Sabay-sabay kaming tatlo nila Aliiyah at Mich na napatingin kay Mystee..

Oh.No..Not now....Agad kong Pinunasan ang Nangingilid na luha ni Mystee..

Damn! Girlfriend?! Stupid Guy!!

Eroplanong PapelWhere stories live. Discover now