Chapter 11

1.9K 94 4
                                    

***

 CALEB-

 Kanina pa ako nakaupo dito. Di mawala sa isip at Pandinig ko ang Narinig kong Pag Hikbi ni Mystee. Napahawak ako sa Dibdib ko.

'Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit Pakiramdam ko. Obligasyon ko na ingatan, Pasayahin, at alagaan siya?'

 Tumayo ako at Napag Desisyunang Pumunta sa Kwarto niya.Pagbukas ko ng Pinto, Nakita ko siyang nakahiga At mahimbing na natutulog. Lumapit ako sa Kanya at Umupo sa Kama.

'Ang Ganda.Napaka-Amo ng Mukha.'

 Hinaplos ko ang Pisngi niya. 'Ano ba ang Mabigat mong Problema? Sabihin mo lang sa'kin, Gagawin ko lahat, matulungan lang kita.'

Napalayo naman ako ng Bigla niyang Idilat ang Mata niya. Napahawak ako sa Batok ko.

"H-hello." alanganing Pagbati ko.

"Nasaan sila?" tanong niya. Umupo siya sa Kama niya saka sumandal

"Naglakad-lakad muna sa labas." sagot ko.

"Bakit di ka sumama sa kanila?"-siya. Umiwas ako ng Tingin

"Wala ka kasing kasama dito." bulong ko. Tumayo naman siya at hinawakan ang Kamay ko.

"Samahan mo 'ko magluto" saad niya. Hinila niya na 'ko papunta sa Kusina. Pagdating dun, Agad niyang hinanda ang Mga kakaylanganin.

"Marunong ka Magluto?" tanong ko. Ngumiti naman siya

"Oo." sagot niya. Umupo muna ako at Pinanuod siya. Magaling siya mag Hiwa, halatang sanay. Maya-maya pa, Isinalang niya na ang Kawali.

"Anong iluluto mo?" tanong ko. Nilagyan niya naman ng Mantika yung Kawali.

"Ginisang Itlog?" alanganing sagot niya. Ginisang itlog? Parang ngayon ko lang narinig yun. Naghiwa siya ng Sibuyas at Kamatis. Hiniwa niya din yung Pulang sili. Pinapanuod ko lang siya Magluto hanggang sa Matapos siya. Niapag niya sa Harap ko yung 'Ginisang Itlog'

 "Tikman mo, Masarap yan." nakangiting saad niya. Kumuha naman ako ng Tinidor at tinikman ang Luto niya.. 'Masarap nga' "Ano?"  tanong niya. Ngumiti naman ako.

"Masarap nga. Saan mo natutunan iluto yan?" tanong ko. Umupo naman siya sa Tabi ko

"Nung Panahong Kilala pa ng Lalaki yung Babae, Tinuruan niyang Magluto yung Babae. Ginisang Itlog ang Tinawag nila dun." saad niya, ahh.. sa Kwento pala ng Dalawang Batang Nag-iibigan niya nakuha Kung paano iluto ito.

"Ano ng nangyari pagkatapos?" tanong ko.

"Mula nung Nawala yung Lalaki, Kapag mag-isa .yung Babae. Palagi niyang Niluluto yung Ginisang Itlog. Iniisip niya na kasama niya lang palagi Yung Lalaki. Pero kahit anong pilit niya. Hindi na talaga siya maalala ng Lalaki." Kawawa naman talaga yung Babae. Tumingin siya sa'kin at Ngumiti. "Kain tayo." saad niya. Tumayo siya at kumuha ng Plato at kanin. Sinimulan naming Kumain.. Malapit na namin Maubos yung Kinakain namin ng Dumating ang Iba

"Ang Daya! Bakit nagsosolo kayo?" pabirong saad ni JV. Lumapit sila sa'min. Umupo si JV,JACOB,at CJ. pero nanatiling nakatayo si Aliiyah,Kara and Michie habang nakatingin sa Ginisang itlog.

"Maupo na kayo." sabi ni JV

"Sino nag luto niyan?" Nagtatakanag Tanong ni Kara habang nakaturo sa Ginisang itlog.

"Si Mystee.." sagot ko. "Ang Sarap nga eh." dugtong ko. Napatingin naman sila kay Mystee. Napailing sila tapos umupo na. Kukunin na sana ni Jacob yung natitirang Ginisang Itlog ng Agawin yun ni Kara,Aliiyah,at Michie. ng sabay-sabay. Pinalo ni Michie yung Kamay ni Jacob na nakahawak sa Lalagyan.

"Hindi 'to pwede sa'yo!" saad niya

"Bakit hindi? Ang Daya!" nakangusong saad niya

"Oo nga! Bakit si Caleb lang ang Pwedeng tumikim niyan?!" dugtong ni JV. Tumayo naman si Aliiyah at Inilagay yung Natitirang Ginisang Itlog sa Pinggan ko.

"Tagal mong Mauntog." bulong niya bago umupo

"Ano yun?" tanong ko. Inisnaban naman nila ako. Tsk. Weird! Inubos ko nalang yung kinakain ko. Nang maubos na Ay Pumunta kami sa Labas at Naglakad-lakad ulit. Pinagmamasadan ko lang si Mystee habang nakatingin sa Papalubog na Araw.

*DUGDUGDUGDUG*

Muli akong napahawak sa Chest ko ng Mabilis na namang kumabog ito. Ano ba talaga 'tong nararamdaman ko?

Pakiramdam ko.. Matagal ko na siyang Kilala. Pakiramdam ko. Matagal ko ng Nakita ang Mga mata niya, Ang Ngiti niya. At ang Mukhan niya.

 Haayys.. Ang Gulo!

------

 HER POV-

'Lolli.. Naalala mo ba nung panahong tinuruan mo ako kung paano magluto ng Ginisang itlog? Kasi ako Hanggang ngayon, sariwa pa din sa Ala-Ala ko ang Lahat..Kaylan ba Babalik yung Dating ikaw? Yung Ikaw na Mahal ako.. Yung Ikaw na Pinoprotektahan ako. At yung Ikaw na Mahal ko.. Please. Bumalik ka na...'

Eroplanong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon