Chapter 2

3K 96 4
                                    

--

 Ito ang unang araw ng Pagpasok ko sa Unibersidad na ito. Tama nga sila, marami nga ang Magaganda dito.

 Nakaupo lang kami sa Parking Lot. Mula dito ay Kita namin ang Gate ng University, kung kaya naman lahat ng pumapasok ay Nakikita namin.

 Tuwang-tuwa naman si JV at Jacob sa mga nakikita nilang Chics. Si CJ naman ay Nakatuon lang ang Paningin sa Gate. Ano ba ang ginagawa namin dito.

Maya-Maya, Napatayo ang Tatlo at sabay-sabay inayos ang Mga sarili. Nakatuon ang Paningin nila sa Gate kaya naman tumayo na din ako At nakitingin. May isang Napakagarang sasakyan ang Pumasok sa University, Dumaan sa harap namin atsaka nagPark sa Di kalayuan. Sinundan naming apat ng tingin iyon. At bakas ang Excitement sa mga itsura nila. Maya-maya pa'y may bumabang Medyo katandaan na Lalaki at binuksan ang Pinto ng Kotse.

 Isa-isang Lumabas ang. WOW. nagsesexyhan at nag-gagandahang Babae sa Kotse. Nakakaagaw atensiyon sila. Ang lalakas ng dating nila. Nag-uusap-usap pa sila na hindi naman namin Marinig. Maya-maya, Naglakad na sila Palapit sa'min. Saamin?!!

Patuloy lang sila sa paglalakad.. At ng malapit na sila sa'min ay tumigil sila. Mas magaganda sila sa Malapitan.

"Hi There, JV." nakangiting bati ng isang babae. Eto na siguro ang tinutukoy na gusto ni JV.

"Hello." nakangiting sagot ni JV -__-

 Napukaw naman ng Pansin ko ang isang babaeng nakatungo at may Earphone sa Tenga. Bigla niyang Tinanggal ang earphone at inangat ang Paningin. Nagtama ang Mata namin. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Binawi niya din agad ang tingin niya sa'kin at Tumingin sa mga kasama niya.

"Let's go." malamig na saad niya. Nanguna siya sa Paglalakad at sumunod naman ang Mga kaibigan niya. Halos humahawi ang mga estudyante kapag dadaan sila. Sino ang babaeng yun? Bakit parang nakita ko na siya dati.

"Huy! Nainlove kana kay Mystee,ano?" saad ni Jacob. Napatingin naman ako sa kanila

"Sila na ba yung kinukwento niyo sa'kin?" tanong ko. nakangiti namang tumango-tango si JV

"Grrrr. Binati ako ni Kara! Shit!" Tuwang-tuwa na saad ni JV. 

"Ganda talaga ni Mystee. Pero mas maganda si Michie."saad naman ni Jacob. Si CJ naman eh nakatingin lang sa dinaanan nung Apat.

"Sino yung Mystee dun?" tanong ko.

"Yung Nag-ayang Umalis." sagot naman CJ. "Ganda niya talaga." dugtong pa niya. Tsk. Aminado ako. Magaganda nga sila. Pero kakaiba ang Aura nung si Mystee. Napaka Cold ng bawat Tingin at pananalita niya. Walang Ekspresyon ang Mukha. at higit sa lahat. Nang magtama ang paningin  namin ay nakita ko ang Lungkot na bumabalot sa mata niya.

"Sundan na natin sila." nakangiting saad ni Jacob at nanguna sa Paglalakad. Bawat madaanan namin ay panay ang tilian. Tsk.

"OhMyGod! Siya ba yung Transferee?"-1

"Oo! Siya nga ata! Yung sinasabi nilang Magta-transfer dito na kaibigan nila CJ!"2

"Kyaaahhh!Ang gwapo niya grabe!"3

"Ang ga-gwapo nilaaaaa! iiiiihhh."4

 Napapailing nalang ako. Ganito pala dito. Sikat kung sikat.

Tumigil kami sa Isang Nakasarado ng Pinto. Binuksan iyon ni Jacob at tilian agad ang bumungad sa'min. Pero natahimik din sila ng suwayin sila ng Guro na nasa Harapan.

"Ikaw ba ang Transferee?" tanong niya sa'kin.. Tumango naman ako. Yung tatlo ay umupo na sa Likod ng mga babae kanina. Muli akong napatingin kay Mystee at laking gulat ko ng Nakatingin siya sakin. Muli siyang umiwas ng tingin..

"Magpakilala ka na." saad ng Guro. Ngumiti naman ako.

"annyeonghaseyo chingudeul," nakangiting bati ko at Tumungo. "I'm Caleb Young. Hope we can be Friends." saad ko. Pinaupo na ako ng Guro at tumabi ako kay CJ.

 Nasa Harap ni CJ si Mystee. Ang nasa harap ko naman ay yung..Di ko kilala. Sa harap naman ni JV ay yung Kara, at sa harap ni Jacob ay yung Michie.

Nag-umpisa ang Klase sa Pagpapakilala.. Pero ng Turn na nila mystee ay nilagpasan sila ng Guro. Bakit ganun?

Matapos ng Pagpapakilala ay may sinabi lang na kung ano-ano. Hindi ako makapag focus dahil napapatingin ako kay Mystee.. Ibang Klase . May Guro sa Harap, pero may nakasalpak na earphone sa Tenga niya? Eto namang nasa Harap ko, nagbabasa ng Komiks? tsk. Yung isa naman Hawak ang Cellphone at Nagpipipindot. at yung isa nag lalagay ng kung ano sa Kuko. WTH? wala naman atang pakealam ang Guro dahil hindi niya pinagsasabihan ang apat na ito. Tsk. Akala ko ba'y matitino ang mga ito base sa kwento ng Mga kaibigan ko? At  bakit ba ako nangengealam? Tsk.

 Natapos ang Unang Subject ng ganun lang. Nagtayuan ang iba at yung iba ay nanatiling nakaupo. yung Apat na babae namang nakaupo sa Tapat namin ay Parang walang pakialam.

 Maya-Maya pa. May lumapit na isang Lalaki kay Mystee.. si Mystee na walang pakialam.

"Mystee." nakangiting saad nung lalaki. "Para sa'yo. Welcome Gift ko ngayong pasukan." Nakangiti muling saad nito. Tinignan ko kung ano yung ibinibigay. Isang Nakabox na Chocolates at isang Rose. Akala ko ay tatanggihan niya ito ngunit laking gulat ko ng Abutin niya ito.

"Salamat." malamig na tonong saad nito. Lalong lumapad ang ngiti ng Lalaki tapos ay kumaripas ng takbo. Tumayo si Mystee at Inayos ang sarili habang nakaharap sa'min. Hinawi niya ang Buhok niya pakanan tapos nag-unat. SA HARAP NAMIN! dinampot niya ang Chocolate at Inumpisahang lantakan ito. At hindi lang yun! Namahagi pa siya sa buong kaklase namin! Maging kami ay inalok niya! Mabait naman pala. Kaya siguro madami ang may gusto sa kanya.

 nang maubos ang Chocolate ay inilagay niya naman ang Bulaklak sa loob ng Bag niya. Kinuha niya ang Cellphone niya at may kung sinong tinawagan.

 Maya-maya pa. Humihingal na dumating yung kaninang matandang lalaki at may dalang Bottled Water atsaka inabot kay Mystee

"Salamat,Manong." Saad nito. Agad din namang umalis yung matanda. At teka nga? Bakit ba iniisa-isa ko pa ang bawat kilos niya? Tsk. Agaw atensiyon kasi talaga siya kahit wala naman siyang ginagawa.

 Uminom siya ng Tubig ng NAKAHARAP parin sa'min. tapos ay pinunasan ng Panyo ang Bibig niya. Napatingin siya SAAMIN na nakatulala sa kanya!

"Gusto niyo?" pag-alok niya ng TUBIG na ININUMAN niya na. Mabilis na tumayo si CJ at nakangiting inabot ang Tubig na inaalok ni Mystee.

"Salamat." saad ni CJ. Nakangiti siya habang nakatitig sa ininuman ni Mystee. Tsk. Lakas ng Tama nito.

Maya-maya pa ay may Nag-announce na Wala daw klase dahil may biglaang Meeting Ang Faculty. Ngeee? First day palang ah. Wala na kaming nagawa, tumayo na kaming apat at sabay-sabay kaming napatingin kay CJ ng Uminom ito sa Tubig ni Mystee. Matapos siyang uminom ay nakaniti siyang Tumingi sa'min

"Indirect Kiss." Nakangiting saad niya. Tsk .Napapailing nalang ako sa lalaking 'to. Lakas ng Tama.. Lalabas na sana kami ng maunahan kami ng Apat na babae. Pumagilid nalang kami para makadaan sila. Muling nagtama ang Paningin namin ni Mystee. at nakita ko na naman ang Lungkot sa mata niya..

 Marahil ay may Pinoproblema siya.

nagtuloy na ulit kami sa Paglalakad.. Napapailing nalang talaga ako. Firstday palang, wala na agad klase? Tsk.

Dumiretso na 'ko pauwi at agad na nahiga. Pagpikit ko ng mata ko ay Malungkot na mata ni Mystee ang nakita ko..

Ano ba ang meron sayo? tsk...

Eroplanong PapelWhere stories live. Discover now