Chapter 10

1.9K 89 1
                                    

A/N: CJ and Aliiyah. Chapter.

***

 CJ>

Matapos namin marinig ang Pag-iyak ni Mystee, Dahan-dahan kaming Umalis at bumalik sa inuupuan namin kanina. Tahimik lang kami, Ano nangyayari kay Mystee? Kaya ba tahimik siya dahil may PinoProblema siya?

 Napatingin naman kami sa Hagdan ng Magkakasunod na bumababa si Aliiyah,Kara,and Michie.

"Tahimik niyo ata?" tanong ni Kara pagkaupo sa Tabi ni JV.

"Oo nga, May Problema?" dugtong na tanong ni Michie pagkaupo sa Tabi ni Jacob

"Haaaaaayyy, Buhay.." saad naman ni Aliiyah ng Tumabi siya ... sa'kin. Ok! Bigla akong nailang. Umayos ako ng Upo.

"Nasaan si Mystee?" Tanong ni Caleb. Nagkatinginan naman silang tatlo.

"Natutulog. Napagod daw siya sa Byahe." iwas tingin na sagot ni Kara.

"May Problema ba siya?" deretsang Tanong ni Jacob. Pero hindi sumagot yung tatlo.

"Sino yung Hinihintay niya?" Tanong ni JV. Lalong natigilan si Kara,Aliiyah,at Michie. "Meron ba kayong,Hindi sinasabi sa'min?" muling tanong ni JV. Bumuntong hininga naman si Kara.

"Wala ah! Ano naman ililihim namin sa inyo?" sagot niya. Napatingin siya kay Caleb. "Tsaka, yung Hinihintay niya? Wala lang yun. Hehe" saad niya. Meron talaga silang di sinasabi sa'min. Oo nga't hindi kami ganun ka-Close. Pero Kaibigan na din ang turingan namin. Tsk. Hindi nalang namin silala pipilitin.

"Halika na kayo! Maglakad-lakad muna tayo!" pag-aaya ni Aliiyah sabay Tayo. Tumayo na din kami. Pero naiwang nakaupo si Caleb.

"Hindi ka sasama?" tanong ko.

"Hindi na. Walang kasama dito si Mystee." sagot niya. Nag ok nalang kami. Naglakad-lakad lang kami.

"Private Resort ba ito?" tanong ko, wala kasi kami makitang ibang Tao.

"Yup." sagot ni Aliiyah. Umupo kami sa Buhanginan. Nakatanaw lang kami sa Dagat. Layo-layo nga eh. sa Kabilang dulo si JV at Kara. sa Kabila naman si Michie at Jacob. at ako? Katabi ko si Liiyah -___- Hindi naman sa Ayaw ko siyang katabi. Errr.. Kinakabahan lang ako!

"Sweet nila nuh?" saad niya, Nakatingin siya kay JV at Kara na nakahiga sa Buhangin at nakaunan si Kara sa Braso ni JV. "Bagay na Bagay talaga sila." dugtong niya.

"Oo nga." sagot ko.

"Matagal ng May gusto si Kara kay JV. alam niya din na Gusto siya ni JV. kaso, Hinintay niya yung pagkakataon na umamin sa kanya si JV, kaso Matatapos na ang HS, hindi pa din umaamin yang kaibigan mo. Kaya naman, si Mystee na ang gumawa ng Paraan. At eto nga, Naging sila na. Hehe." saad niya. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanya. Ang Ganda niya.

"Ikaw?" tanong ko

"Ha? Anong ako?" nagtatakang tanong niya. Umiwas ako ng Tingin

"Sino gusto mo? si Caleb ba?" tanong ko. Natigilan naman siya. Sa totoo lang, Naiilang akong kausapin siya. Nahihiya ako!

"Caleb? Hahaha! Naku! Hindi pwede! Off Limit na yun." saad niya. Muli akong napatingin sa kanya

"Pano mo naman nasabi? Wala naman Girl Friend yun." saad ko.

"Basta! Bawal nang Pumatol sa Pagmamay-ari ng Kaibigan." sagot niya. Lalo akong naguluhan. Tsk!

"Kung ganun..Sinong Gusto mo?" tanong ko. Sana AKO! ay ano ba yan!

"Secret." sagot niya tapos tumayo na siya. Napakamot ako sa Batok ko

 'Torpe!' saad ko sa sarili ko. Tsk! Kainis! Kainis!

Eroplanong PapelWhere stories live. Discover now