Chapter 4

2.6K 106 11
                                    

A/N:: I-PUSH NATIN 'TO! =D

 May naiisip na naman akong Story para sa KATHNIEL ^________^

 Pero bago yun. Eto muna.

Enjoy!

--------

 *EEEEEENGK*

Pag bukas ng Pinto sa Rooftop.

Halos dalawang linggo na ako dito, pero parang hindi ko nae-enjoy. Lumapit ako sa Railings at Tumanaw sa ibaba..

Ang hangin dito.. napaka presko.!

"Wala bang nagsabi sa'yo na bawal pumunta dito?" Napatingin ako sa Nagsalita

"S-sorry,," sabi ko

"Wala bang nagsabi sa'yo na. Teritoryo ko 'to?" malamig pading sabi niya.. Napayuko at inumpisahang maglakad palabas.. Hmp, sungit "Saan ka pupunta?" napatigil ako

"Sabi mo, teritoryo mo 'to" sabi ko, gulo nito ah

"May sinabi ba akong umalis ka?" tanong niya. Oo nga ano. wala naman siyang sinabi na umalis ako "Upo ka." sabi niya.. eh isa lang naman upuan dito. saan ako uupo? Lumapit nalang ulit ako sa Railings at tumingala tulad ng Pagtingala niya..

"Narinig mo na ba yung kwento ng Dalawang Bata na nag-iibigan pero nagkahiwalay?" maya-maya'y tanong niya. Napatingin ako sa kanya Pero nakatingala padin siya sa Langit

"H-hindi p-pa." sagot ko. Bumuntong hininga siya

"Merong Isang batang babae at Batang lalaki ang Palaging magkasama. kahit saan sila magpunta ay magkasama sila. Masaya yung Babae kapag kasama niya yung Lalaki. Halos hindi na sila mapagHiwalay. Nangako sila sa isa't-isa, na kapag nag dalaga at nag binata sila ay magiging sila. Sabi nung Batang lalaki sa Batang babae, Kapag tumuntong siya ng 18, liligawan niya na yung babae.Pero dahil bata pa sila ay Maraming taon pa ang hihintayin nila. Sobra silang Inlove sa isa't-isa na Halos pati ang kasal ay Pinagpa-Planuhan na nila." kwento niya. Di ko namalayan na nakaupo nakaupo na pala ako sa sahig malapit sa Kanya.

"Anong nangyari?" tanong ko. Muli siyang bumuntong hininga.

"16 yung lalaki at 15 yung babae. Konting taon nalang at Pwede ng Maging sila. Hanggang sa isang Araw, kinaylangan nung Lalaki na Pumunta sa Ibang bansa. Sobrang nalungkot yung Babae. Halos araw-araw ay umiiyak siya. Nang nasa Airport na sila para ihatid yung lalaki. Nangako yung Lalaki dun sa Babae na babalik siya. Pangako niya na babalik siya at Ipagpapatuloy nila ang Pangarap nila." dugtong niya. Napatingin ako sa kanya, hindi ko mabasa ang Ekspresyon ng Mukha niya. "Lumipas ang isang taon at wala ng komunikasyon ang Dalawa. Wala ng balita ang Babae sa Lalaki. Hanggang isang Araw, nakatanggap siya ng Balita na ikinagunaw ng Mundo niya."

"Anong balita?" muling tanong ko..

"Balita na nakapagpabago ng Lahat, Balita na Nagwasak ng Pangarap na binuo nila. Balita na NakapagPadurog sa Puso ng babae. Ang pinakamasakit na Balita na hanggang ngayon ay hindi niya matanggap.. Nawalan ng ala-ala ang lalaki,at sa kasamaang palad. Yung babae lang ang hindi niya matandaan.at ang sabi,malabo na daw na Matandaan pa siya nung Lalaki." malungkot na sabi niya. Napayuko ako.. Napaklungkot nga.

"Eh.. nasaan na yung Babae ngayon?" tanong ko, tumingin siya sa'kin

"Nasa Maliit,makipot,masikip,at Napaka dilim na kwarto. Hindi niya Mahanap ang Daan Palabas, Hindi niya alam kung Paano siyang Makkatakas sa Silid na yun. Patuoy lang siyang Umiiyak. Nakakulong siya sa Silid ng Nakaraan. Nabubuhay siya sa Nakaraan at Hindi niya matanggap na Ganun ang sinapit nila ng lalaking Minamahal niya. Hindi niya alam kung paanong kakawala. Hindi niya alam kung paanong muli magsimula. Hanggang sa isang Araw. Nasilaw siya sa isang liwanag. Liwanag na nanggagaling sa kasalukuyan." Muli siyang tumingala sa Langit "Dahan dahan siyang naglakad at sinundan ang Liwanag. Papalapit ng Papalapit hanggang sa tuluyan siyang masilaw. nagising nalang siya isang araw na Matatag ang loob. Nangako siya sa Sarili niya na kahit anong mangyari, hindi siya susuko. Gagawin niya ang lahat Upang muli siyang maalala ng Lalaking mahal niya. Ipapaalala niya sa lalaki ang Lahat ng Masasayang pinagsamahan nila." muli siyang tumingin sa'kin ng deretso "Lahat..Gagawin niya, Para bumalik ang ala-ala niya At muling ipagpatuloy ang Naudlot nilang Pag-ibig....." napatulala ako sa kanya..

"The End na ba?" tanong ko..

"The End? Nag-uumpisa palang ang Istorya. Inuumpisahan palang ng Babae ang istorya nila.Nang madapa siya ay Muli siyang Bumangon.At sa tingin ko, Inuumpisahan na ng Babae kung paano siyang Makikilalang muli ng Lalaking mahal niya." saad niya. Muli kaming natahimik..

"Ano bang Pamagat ng Kwento na yun? Parang di ko alam yun. saan ba nabibili ang libro nun?" tanong ko..

"Limited lang yun, Tanging ako at ang Mga kaibigan ko lang ang Nakakaalam at meron nun" sagot niya.. Sayang naman. Bibili sana ako. Maya-maya, tumayo siya.

"Let's go." saad niya

"Ha?" tanong ko ng nagtataka

"Umpisa na ng Class, Late na tayo." sabi niya at nauna ng Lumabas.. Oo nga pala -__-

 Nauuna siyang maglakad. Nasa tapat na kami ng Room at binuksan niya na ang Pinto. Natahimik ang Lahat. Nag deretso lang siya sa Paglalakad kaya sumunod na din ako.. Pagkaupo ay agad akong tinanong ni CJ

"Saan kayo galing? Bakit kasama mo siya? Hoy! sinusulot mo ba si Mystee sa'kin ha?"

"Loko! Nagkasabay lang kami," pagsisinungaling ko. Ayoko na kasing Magkwento pa

"Siguraduhin mo lang ha!"-CJ, d ko na siya sinagot. Hanggang ngayon ay napapaisip ako sa Kinuwento niya.

"Alam niyo ba yung Kwento ng Dalawang Batang Nag-iibigan pero Nagkahiwalay?" tanong ko sa tatlo. Napatingin naman sila sa'kin at laking gulat ko ng Napatingin din sa'kin yung Tatlong kaibigan ni Mystee.

"Dalawang Batang nag-iibigan pero nagkahiwalay?" tanong nung isa. Tumango-tango ako tapos napatingin sila kay Mystee

"Wag mong ikukwento yun kahit kanino" seryosong sabi nung isa

"Bakit?" tanong ko..

"Mamalasin ka!" sagot nilang tatlo tapos umayos na ng upo.. Problema nila?

"Huy! Kwento naman diyan!" sabi ni JV at Jacob

"Ayoko ngang Malasin!" sabi ko at Napanguso naman sila..

 Kung ganun, Mamalasin si Mystee kasi naikwento niya sa'kin yun?

Haiiiiss.. Pero Kawawa talaga yung babae sa kwentong yun.

Sana dumating yung araw na Matandaan na siya ng Lalaking Mahal niya..

Napahawak ako sa Dibdib ko ng makaramdam ako ng Kirot...

ano 'tong nararamdaman ko? Para akong nalulungkot at gusto kong umiyak...

Ang sakit.....

-----------

 HER POV>>>

Muli akong pumunta sa Rooftop. Humawak ako sa Railings at Muling Pumikit.

'Naalala mo pa ba? Nangako tayo sa isa't-isa, na kapag dumating tayo sa Tamang edad. Magiging tayo na. Kaso, Matutupad pa kaya 'yon? Gayong kahit ano mang Masasayang ala-ala nating magkasama ay Hindi mo maalala.. Masakit man isipin, Kaylangan ko nalang tanggapin.'

Dumilat ako atsaka tumingin sa Papalubog ng Araw... Ngumiti ako at saka huminga ng Malalim..

Di ako susuko.. Gagawin ko lahat. Malala mo lang ulit ako.

---------------

 A/N: Magulo naba? Naguguluhan din ako. HAHA! LOVEYOU GUYS! salamat sa pagsuporta! ♥

Eroplanong PapelWhere stories live. Discover now