Chapter 16

2K 87 5
                                    

A/N: Last 4 Chapters.. Epilogue po ang Chapter 20.

Dedicated sayoooo ^_^

________

   CALEB-

"Ano 'to?" tanong ko kay Mystee ng Inabot niya sa'kin yung Isang Papel.

"Upo ka." saad niya. Nandito kami ngayon sa Rooftop. Naisipan ko kasi Tumambay dito, Tapos naabutan ko siyang Nakaupo dito. Umupo ako sa Tabi niya. "Gayahin mo 'ko" saad niya, Naglabas siya ng isa pang papel. Tiniklop niya ito. Tiniklop ulit, at Tiniklop, Hanggang sa maghugis Eroplano ito.

"Ang galing." saad ko. Bahagya siyang Ngumiti

"Nasundan mo ba?" tanong niya, Umiling ako. Muli siyang ngumiti at Hinawakan ang Kamay ko. Nakaramdam na naman ako ng Kakaibang kaba. parang may Kuryenteng Dumaloy ng Hawakan niya ang Kamay ko. "Ganito yan. Ititiklop mo muna..." Patuloy lang siya sa Pagsasalita habang Hawak ang Kamay ko, Nah! sa Papel siya nakahawak. Nakatulala lang ako sa Kanya. Lalo siyang Gumaganda kapag Tinititigan siya. "Ayan. Tapos na." nakangiting saad niya, Napatingin ako sa Papel na hawak ko. Hugis Eroplano na nga.

"Saan mo natutunan 'to?" tanong ko. Bigla siyang Tumayo at Humawak sa Railings. Sinundan ko siya. Nakatingin lang siya sa Malayo. 

"Nung Nagkakilala ang Babae at Lalaki, Tinuruan ng Lalaki yung Babae kung Paano gumawa ng Eroplanong Papel." saad niya. Tumingin siya sa'kin. "Paano ko natutunan? Hmm, Hindi ko din alam eh. Basta nalang ako Natuto." nakangiting saad niya. Katahimikan, Yan ang Bumalot sa'min matapos niyang sabihin yun. Nakatingin lang kami sa Malayo. Kakaiba itong pakiramdam ko, May nararamdaman akong kakaibang saya sa Loob ko, Masaya ako na kasama ko siya. Hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko, Matagal na naming Ginagawa ang Ganito, Yung Magkasama habang Nakatingin sa Malayo.

"Caleb." napatingin ako sa Kanya ng Tawagin niya ko.

"Hmm?" sagot ko.

"Mahal mo ba si Elize?" tanong niya. Napakunot ang Noo ko. Bakit niya naman itatanong kung Mahal ko si Elize?

"Bakit?"

"Mahal mo ba siya?" pag-uulit niya ng Tanong. Bumuntong hininga ako.

"Oo. Mahal ko siya." sagot ko, pero bakit may kumirot sa Puso ko? ano ba 'tong nararamdaman ko?

 "Paano mo siya Natutunang Mahalin?" tanong niya. Inalala ko naman yung Panahon na Nangulit saakin si Elize. Napangiti ako.

"Nagkakilala kasi kami, Dahil sa Lolo niya, Masungit ako nun at suplado. Hindi ko alam, Basta Feeling ko nun ayoko sa Mga Babae, Feeling ko may nagmamay-ari sa'kin." saad ko, Muli akong napangiti. "pero, Hindi siya Tumigil. Araw-araw, Minu-minuto. Kinukulit niya ko. Pinagkakalat niya pa na Boyfriend niya ko,Minsan pa, Nakakaaway niya yung Mga babaeng May Gusto sa'kin. Nagalit ako nun, Hindi dahil sa Nakipag-away siya,Kundi dahil sa Nasugatan siya." Tumingin ako sa kanya, Tahimik lang siyang NakikiniG. "Simula nun, Nasanay na 'ko na palagi siyang nasa Tabi ko, Nagising nalang ako isang araw na Pinoprotektahan ko na siya. Na Mahal ko na siya." pagpapatuloy ko. "At simula nun, Minahal at Minamahal ko na siya...Hanggang ngayon." Nakita ko ang Pagpikit niya. "Mystee, Ok ka lang?" tanong ko, Huminga siya ng Malalim.

"Paano kung, may Ibang babae ka nang Minamahal,Bago mo pa makilala si Elize?" tanong niya. Hindi ko alam, pero, Bigla akong kinabahan. Dumilat siya at tumingin sa'kin. "Paano kung, Yung baabeng yun, Hinihintay ka pa din, Hanggang ngayon?" Muling tanong niya. Muli siyang Bumuntong hininga. "Sino pipiliin mo? Yung Babaeng Minamahal mo ngayon, O yung baabeng Minamahal mo noon?" Nakatulala lang ako sa kanya. Magkatitigan lang kami sa Mata. Maya-maya, Ngumiti siya, Ngiting Pilit. Umiwas siya ng Tingin. "Bakit ko ba tinatanong yun? Malamang, Mas pipiliin mo yung Mahal mo ngayon diba?" saad niya. Sa totoo lang, Napaisip ako sa Sinabi niya. Paano nga kung May isang Babaeng Naghihintay sa'kin? Paano nga kaya kung May isang babaeng patuloy akong Minamahal. Paano kung, Mahal ko padin yung babaeng yun hanggang ngayon. sino nga ba ang Pipiliin ko? "Halika na.." maya-maya'y saad niya. Napatingin ako sa Relos ko. Baka ma-late kami. "Wag mo nalang isipin yung sinabi at tinanong ko ha? Baka kasi isipin mo ng isipin yun eh." saad niya at nauna ng Maglakad.

 Lumipas ang Maghapon. Hindi na kami nagkausap ni Mystee, Naging Tahimik na naman siya.

Uwian na..At naglalakad kami ng Sabay-sabay Patungo sa Parking Lot. Napatingin ako kay Mystee.. May Headset na naman.

"Aliiyah, Kaylan mo ba balak sagutin si CJ?" tanong ni JV.

"Anong sagutin? May sinabi ba 'kong sasagutin ko siya? Ang tinanong niya lang naman Kung pwede ba manligaw, Hindi niya naman tinanong kung pwede ba Maging GirlFriend." sagot naman si Aliiyah

"Oo nga naman! Ang Hina mo kasi,CJ! haha!" pang-aasar naman ni Jacob. Nagtawanan sila.

"Can You Be My Girlfriend?" tanong naman ni CJ kay Aliiyah, Napatigil kaming Lahat.

"AYIIIIIIIIIIIIIIEHH!" tili ni Elize,Kara,at michie

"Oh ayan, Tinanong kana. Ano isasagot mo?" Mapang-asar na tanong ni Jacob.  Bigla namang namula ang Pisngi ni Aliiyah kaya lalo siyang Kinantyaw nila Kara.

"Tumigil nga kayo!" sigaw ni Aliiyah..

"Yiiiiieh! Pakipot! Haha!" saad ni Kara, Patuloy lang kami sa Tawanan, Ng biglang magsalita si Mystee.

"Sagutin mo na. Uunahan kita, sige." saad niya ng Nakangiti. Natulala kami.. Nakikisabay na siya sa Asaran.. Napangiti ako lalo ng Tumingin siya sa'kin.

"Sige, CJ, kay Mystee ka nalang. Tutal. Ayaw naman sayo ni Aliiya--"

"OO na! Sige na!" sigaw ni Aliiyah, Napatingin kami sa Kanya, Sobrang Pula na ng Mukha niya.

"Anong, OO na?" nakangising Tanong ni CJ. Nag Pout naman si Aliiyah tapos umiwas ng Tingin

"OO na! Sinasagot na kita! Yaaaaaaah! Nakakahiya!!" saad niya tapos nagtatakbo na papunta sa Kotse nila. Napanganga nalang kami. Tapos...

"HAHAHAHAHAHA!!!" sabay-sabay na tawanan namin..

"Ayiiieh, Kayo naaaa" pang-aasar naman ni Michie kay CJ, Ngumiti naman si CJ tapos sinundan si Aliiyah.. Nagkatawanan na kami atsaka ipinagpatuloy ang Paglalakad. Muli akong Tumingin kay Mystee. Malungkot na naman ang Mga mata niya...

 'Sana...sana Bumalik na yung Lalaking Hinihintay niya...'

Eroplanong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon