Epilogue

156K 4.8K 977
                                    

EPILOGUE

NAPANGITI si Czarina nang makita si Bari sa may dalampasigan. Sapo ang malaking tiyan sa isang kamay, itinaas naman niya ang isa para kawayan ang asawa.

Hindi pa sila nagpapakasal ulit pero para kay Czarina, asawa niya pa rin ito.

"Bari!"

Tumingala ito at sumilay ang ngiti nang makita siya. Agad na umakyat ito sa batong hagdan, palapit sa kanya.

"You're here..." nangingislap ang mga matang wika nito.

"Puwede pa naman daw akong bumiyahe sabi ng OB ko." Umangat ang kamay niya sa buhok nito at hinaplos iyon. "Sinamahan na naman ako ng mga pinsan mo."

Magmula nang iwan muna ni Bari ang trabaho at nagpasyang manatili muna sa Tierra Fe para magpagaling ay naging palagian na rin ang pagpunta niya roon. Sabi ng doktor nito ay iyon ang pinakamabuting gawin ni Bari. Malayo sa stress at bigat ng trabaho. Malayo sa polusyon at ingay ng lungsod. Habang sinusubukan ang iba't ibang gamot para kay Bari, makabubuting nasa maganda at tahimik itong paligid katulad ng Tierra Fe.

Czarina is already six months pregnant by the way. Tatlong buwan na lang at makikita na nila ang baby nila ni Bari! Sa susunod na buwan pa sana luluwas ng Bukidnon si Bari para matutukan ang huling trimester niya, pero sabik lang talaga siyang laging makita ito kahit malinaw naman sa kanila ang set-up muna nila.

Pagkatapos niyang manganak ay magpapakasal sila at sa Tierra Fe na maninirahan. Luluwas-luwas na lang sila ng Davao City kapag kailangan magpa-check up ni Bari at ng magiging baby nila.

"Hindi ka ba nahirapan sa biyahe?"

Naikot niya ang mga mata. "Hindi! Alam mo, feeling ko masasabunutan na 'ko ng mga asawa ng mga pinsan mo."

Grabe ang pag-aalaga ng pitong lalaki sa kanya! Kapag nasa Maynila siya ay todo asikaso ang mga ito. Lahat ng kailangan niya ay binibigay. Kanina rin sa biyahe ay tanong ng tanong ang mga ito kung anong kailangan niya, kung anong nararamdaman niya. Para tuloy may pitong tatay ang baby niya!

"Tinakot mo na naman ba mga pinsan mo? Para silang may kasamang buntis na reyna sa tuwing kasama ko sila."

Hindi na talaga siya magtataka kapag bigla siyang sinabutan ni Sapphire, ni Haley, o ng lahat na, except Crystal Jane. Banal ang huli.

Feeling ni Czarina, siya ang pumalit sa trono ni Agatha sa uri nang pag-aalagang natatanggap niya sa mga Andersons.

Umangat ang gilid ng labi nito. "You are my queen. And you are very pregnant with our baby."

Napangiti siya at yumakap sa braso nito. "I missed you."

Hinaplos nito ang tiyan niya. "Do you have a name for our son?"

Last week lang nila nalaman na lalaki ang baby nila!

"Elijah Francis."

Napangiti si Bari. "That's wonderful."

"Siyempre! Ako ang naka-isip, eh!"

Natawa ito at hinalikan siya sa sentido. "Pumasok na tayo sa loob."

Hinawakan nito ang kamay niya at pinaghugpong ang mga daliri nila. Todo alalay ito habang naglalakad sila papunta sa bahay nito. Nasa bungad pa lang sila ng pinto ay dinig na nila kaagad ang ingay ng mga pinsan nito.

Mama Bella came too. Nang makita nito ang anak ay sinugod nito iyon ng yakap.

"You lost weight," nag-aalalang sabi ni Mama Bella sa anak.

Ngumiti lang si Bari at niyakap ulit ang ina. Mama Bella wanted to live with him in Tierra Fe. But she's leading the company that Bari left.

"Anong pinagkakaabalahan mo dito, anak?"

Hold Me More (More Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon