Chapter Sixteen

71.4K 2.7K 172
                                    

CHAPTER SIXTEEN

KAHIT PAPAANO ay nasanay na rin si Czarina sa mga tao sa Tierra Fe makalipas ang dalawang linggo niyang pananatili roon. May agad siyang nakasundo sa palengke, sa palaisdaan, at kung saan-saan pa.

Malapit na rin niya yatang makabisado ang pangalan ng lahat ng bata doon na lagi niyang nakakalaro sa dalampasigan araw-araw.

Masaya naman pala ang buhay na ganoon. She hated provincial life. Kaya nga ayaw niyang nagbabakasyon sa Bukidnon. But Tierra Fe is different. The island life is more than what she expected. Tama nga ang psychiatrist ni Czarina, kailangan niya rin ng new environment, somehow, it relaxes her.

Kusang bumabalik ang mga bagong ideya sa kuwentong puwede niyang isulat. Lumayo din siya sa lahat ng social media sites. Pati sa cellphone niya. It's off all the time. Hindi niya na nga ata nahawakan iyon mula nang natanggap niya nang hindi babalik si Bari agad dahil sa dami nang trabaho nito.

Wala na rin siyang balita kay Johann. Ngunit sana... sana ay maayos lang ito at nakita na nito ang email niya.

"Ate Czarina, bakit hindi pa po bumabalik si Kuya Bari?"

"Marami kasi siyang trabaho," sagot niya kay Monchie. Nakasalampak siya sa buhanginan kasama ang ilang mga bata. Gumagawa sila ng necklace gamit ang mga maliliit na seashells na napulot nila.

"Kailan po siya babalik?" tanong pa ulit nito.

"Hindi ko din alam..." Binaba niya ang ginagawa nang matapos iyon. Pero araw-araw ay naghihintay si Czarina sa may daungan ng yate. Ngunit wala. Naghihintay siya ng tawag mula kay Bari pero wala rin. Talaga naman!

Wala talaga siguro itong planong bumalik. At sigurado naman si Czarina na hinding-hindi siya hahanapin ni Johann. Oh, well. She brought this upon herself. Wala naman siyang karapatang mainis kay Bari sa pagiging malamig nito. She asked for that before.

But... they kissed, right? Also here in Tierra Fe while the moon, the stars, and the waves were watching. Doon niya nga napagtanto rin na si Bari pa rin talaga. But maybe it's too late. Napagod na siguro ito sa pagpaparamdam sa kanya. Hindi na ba siya gusto ni Bari?

Kung kailan naman kapag lumandi ito ay kaya niyang landiin pabalik! Damn.

"Nako, ate! Masisira niyo po ang kabibe," sabi ni Sam nang makitang halos mabasag niya ang maliit na kabibe sa pagkuyom ng mga kamay niya.

Agad niyang binitawan iyon. "Oh, I'm s-sorry..." Napabuga siya ng hangin at napatingin sa kalangitan. The sun is starting to set. Kahit papaano ay napangiti siya nang makitang pababa ang araw sa dagat.

She always watch that everyday for the last two weeks. At hindi nakakasawa. Paganda pa ng paganda sa mga paningin niya. If Czarina would write it, she can generate a hundred different sentences to describe how much a sunset can start darkness but still reveals a beauty.

Tinawag na ang mga bata ng mga magulang nito para umuwi. Nagpaalam na rin si Czarina kanina Monchie at Sam para makauwi na ang mga ito.

"Anong gagawin mo bukas, ate? Gusto mong ipasyal ka namin sa may cave pool?"

"Talaga? May cave pool dito?"

"Opo! Laging pinupuntahan ng mga turista sa Tierra Fe ang Gugma cave pool. Maganda doon, ate! Malamig ang tubig."

"Bakit ngayon niyo lang sinabi? Sige, bukas. Samahan niyo 'ko doon."

Dumating si Mang Pen at sumakay na si Czarina nang tricycle na maghahatid sa kanya pabalik sa bahay ni Bari.

Hold Me More (More Trilogy #2)Where stories live. Discover now