Chapter Seven

91K 3.1K 961
                                    

CHAPTER SEVEN

"NO. Discard that idea."

Napalabi si Czarina. "Ano na namang mali?" Kanina pa ayaw tanggapin ni Bari ang mga ideya niya para sa pinsan nitong si Gideon.

"Kinausap ko si Kuya Reeve. I asked him about Haley. She's young. Kailangan ng direct realization. Because young people now are lazy to think about implied ideas. Dapat straight to the point."

Umiling ito. Nakakunot noo. "Discard that. Baka mabulilyaso pa ang plano ni Gideon na magkabalikan sila ni Haley."

Napabuga siya ng hangin at sinara ang laptop. "You know what? I'll just go. I think we're not in the mood to talk about this right now."

Nanatiling kunot ang noo nito habang pinapaikot-ikot ang fountain pen sa kamay. Inayos niya ang mga gamit. After zipping her laptop bag, she left his office.

Hindi na nagsalita si Bari. Hindi siya tinawag ulit o pinabalik man lang. This is a very bad day. Na-late siyang nagising dahil napuyat siya kagabi. She finished the whole wedding video, damn it.

Pagdating niya sa parking lot ay natapilok pa siya. Bumigay ang isang takong ng sapatos niya! Talaga naman! Bad day! Bad daaaaay!

Hinubad niya ang mga sapatos at binitbit na lang iyon hanggang sa makarating siya sa kotse. Alam niya ay may slippers siyang dala pero...

"Where's my key?" Kinapa niya ang mga bulsa ng pantalon at pati ang laptop bag ay hinalungkat niya. Ngunit wala! Naiwan niya pa yata sa office ni Bari! Ngayon, kailangan niyang bumalik doon nang nakayapak?

Napasandal na lang siya sa kotse at tumunganga sandali. Czarina found a way to calm her nerves. She'll be still and stare into space for about five minutes. After that, she can think critically again.

"Iniisip mo bang bumaba sana mag-isa ang susi mo?"

Napapitlag siya at napalingon agad. "Bari!"

Inangat nito ang susi ng kotse niya. She exhaled. "Thank you, Bari..."

Ito na mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse para sa kanya. Pagkapasok niya sa driver's seat ay saka nito binigay ang susi sa kanya.

"I'm sorry about earlier," he softly said. "I think you're right. We're not in the mood."

Hindi siya makatingin rito. She started the engine. "I'll just rethink again about our plans for your cousin. Hindi pa naman sila nagkakabalikan kaya mas mabuti pang hintayin na lang natin."

Tumango ito. Nilagay nito ang isang kamay sa bulsa ng pantalon. "Drive safely."

"I will." Sinara na nito ang pinto niya.

Pero hindi niya magawang paandarin ang sasakyan. She watched Bari return inside his office. But he stopped. He looked back. Hindi alam ni Czarina kung bakit siya napangiti na lang bigla. Lumabas siya ng kotse at kinawayan ito.

"Do you want to grab some coffee?" she initiated.

Tumingin ito sa relos—a different kind of watch. Hindi na iyong niregalo niya rito. "I guess I can spare a couple of sips."

Lumapit ulit ito at sumakay sa passenger's seat. Bumalik na rin agad siya sa driver's seat at saka pa lang niya nagawang paandarin ang kotse.

There was an awkward silence inside the car.

"Woke up at the wrong side of the bed?" she broke the silence.

Hold Me More (More Trilogy #2)Where stories live. Discover now