Chapter Twenty-Four

95.7K 3.8K 680
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

NAGISING si Czarina sa loob ng pamilyar na mga bisig. Solido at mainit.

Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. How she missed being inside Bari's arms. Pero bakit kasabay nang pakiramdam na iyon ay sumasakit ang puso niya? Ganito na lang ba sila ni Bari?

"Good morning," he whispered, his voice raspy from sleep.

Tiningala niya ito ay kahit gustong-gusto niyang ngumiti ay hindi niya magawa. Iniwas niya na lamang ulit ang tingin rito at sinubsob ang mukha sa dibdib nito. She heard him sighed.

"I wanted to explain what have happened yester—"

"Don't," saway niya rito. Pumikit siya nang mariin at mas siniksik lang ang sarili rito. "Don't talk. Just hug me."

Mas humigpit ang yakap nito sa kanya. How their love this great can be so complicated?

Katahimikan ang pumagitan sa kanila. Parehas silang mga gising ngunit walang gustong bumangon. She inhaled Bari's scent. Hindi naman ito amoy ibang babae. Obviously, he slept in her room. Her smell is all over him.

Hinaplos niya ang dibdib nito. "Hindi porket gusto kong nasasaktan, sasaktan mo na 'ko." Inalis niya ang butones ng polo nito. "Bad ka."

Hindi ito umimik at pinanood lang ang ginagawa niya. Nang maalis niya ang lahat ng butones nito ay nilapat niya ang mga kamay sa hubad nitong dibdib at mas dinama ang init doon. Mas siniksik niya ang katawan at sinubsob naman ang mukha sa leeg nito. Bari slowly breathe. Hinaplos haplos nito ang kanyang buhok at braso.

Maybe they were too old for words. Maybe it's not explanations or talks that can make them reconcile.

It takes just one single touch for them to reconnect again. Maybe, this is the magic of their love—a love that's too complex, it was close to a love that can never be. A love too strong yet breaks. A love so great, it fails.

Czarina slept again with a heavy heart. Pagkagising niya, wala na si Bari sa tabi niya. Tanghali na kaya bumangon na rin siya. She took a shower and fixed herself. Pagkababa niya ay wala ang mga magulang dahil nagsimba daw ang mga ito. Mag-isang kumain si Czarina.

Hindi siya lumabas ng bahay. Nagkulong siya sa kuwarto at nagsulat. Writing has been her escape from the shits of these world. Whether it was paid or not, she writes because in her world... she's a normal human being.

Kinabukasan, lumabas lang siya para sa therapy niya. Kinuwento niya kay Dra. Alicante ang ginawa niya kay Vivien at kung paano siyang nasiyahan doon na gusto niyang ulit-ulitin sa oras na makita niyang muli ang babae.

"Intense emotion like jealousy can really trigger one's patience and rationality. Mas makakabuting lumayo ka muna sa mga bagay na nagbibigay sa'yo ng mga ganitong emosyon, Czarina." Nagsulat ang doktor sa monitoring sheet. "Dadagdagan 'ko ang number of days ng therapy mo. Come here thrice a week now. Can you do that?"

Tumango si Czarina at pagkatapos ay nag-proceed na sila sa formal therapy. She felt a little bit better after.

"You know, hija, you become what you think," sabi pa ng doktora. "If you kept on thinking that you'll never get better, you will never get better. Don't let one mistake define your whole being."

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. She does not know anymore. Basta itutuloy lang niya ang therapy. Whether this will take her whole lifetime. Maybe a normal life and romance is not for her.

Hold Me More (More Trilogy #2)Where stories live. Discover now