Chapter Twenty-Two

107K 3.7K 721
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

IT WAS in the middle of the year 2010 when Czarina realized that she wanted Bari back in her life.

            "Wala ka niyon sa bahay niyo. May business trip ka daw sabi ni Mama Bella." Pinaglalaruan ni Czarina ang mga daliri niya habang nagkukuwento kay Bari. "Sabi ko sa kanya, gusto ko sanang makipag-usap sa'yo. She guessed right away that I... I want you back. Pero pinigilan niya muna ako. Sabi niya sa'kin, pag-isipan kong mabuti kung iyon ba talaga ang gusto ko o nadadala lang ako sa emosyon ko. Iyon din ang oras na sinabi sa'kin ni Mama Bella na magpatingin daw ako sa psychologist or psychiatrist. Dahil baka may mali sa'kin..."

            "Nagpatingin ka ba kaagad?" he asked softly.

            Umiling siya. "Nagalit ako kay Mama Bella kasi parang hindi ko matanggap na pinapalabas niyang may problema ako sa utak. Which is true pala. But I denied it for years. Nalaman ko lang rin ng March or April this year, Bari." Napalunok siya. "Ngayon ko lang tinanggap. At gusto kong gumaling. I've been under therapy since then."

            "And how were you doing?"

            "Sabi ni Dra. Alicante, may improvement daw ako. I need to continue doing this for a year or two. Depende sa kung paano ako makiki-cooperate." Unti-unti siyang nag-angat ng tingin dito. "Noong nagalit ako noon kay Mama Bella, sinabi niya rin sa'kin na hindi niya 'ko hahayaan na makipagbalikan sa'yo dahil b-baka masaktan na naman kita... S-She told me that... that..." Naiyak na naman siya. "You got your second heart attack w-when I left you."

            Napabuntong-hininga ito at napasandal sa upuan ng kotse.  "It was a mild attack," anito na tila hindi big deal iyon para dito.

            "I almost killed you!"

            "I don't die just like that," wika nito sa mahinahong tinig. "I was hurt too much, Maria Clara. I've been avoiding feeling too much. Dahil bawal sa'kin pero kapag ikaw, everything I feel is too much."

            Naiyak siyang lalo imbes na kiligin pa. "See? I'm right from the very start that I'm no good for you."

            "It's not because of you. I just let myself to be too emotional when it comes to you. I have a choice to always hold up my guard. But I chose not to. I've been very careful as I drink my maintenance." Niliko nito ang sasakyan at sa isang saglit ay nakapasok na sila sa loob ng village na tinitirhan niya. "I missed this place."

            "Huwag mong ibahin ang usapan." Now, she's grumpy. "May multivitamins ka pang nalalaman noon! Kung hindi ko lang ni-research na kapag heart-shaped medicines pala ay para sa mga may problema sa puso, hindi ko pa malalaman!" Sabay hampas niya sa braso nito. "Matagal ko nang gustong harapin ka tungkol sa sakit mo! Lalo na nang huminto ka na daw sa pag-inom ng gamot!"

            Huminto na ang Hummer sa mismong tapat ng bahay niya. "Can we not talk about that? I promised you that I'll take my medicines, again."

            Pinunasan niya na ang mga luha. "Okay..." Napasinghot siya." B-Bakit hindi mo sinasabi sa'kin ang tungkol sa sakit mo sa puso?"

            "When we got married, I was finding the right time. Ang plano ko ay kapag umabot na tayo na kalahating taon na kasal at saka sasabihin sa'yo iyon."

            Ngunit hindi sila umabot ng kalahating taon. "B-Bakit hindi sa umpisa pa lang?"

            Nagkibit-balikat ito. "We were in the hype of happiness. I can't spoil that. Isa pa ay hindi naman malala ang sakit ko sa puso. I thought it was irrelevant at that moment."

Hold Me More (More Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon