Chapter One

130K 4.1K 589
                                    

CHAPTER ONE

January 2014.

TINATAMAD na bumangon si Czarina sa kama. Kailangan niya pa ng tulog ngunit kailangan niya ring bumangon para maging productive ang araw niya ngayon.

            "Clara, nakahanda na ang panligo mo."

            Nagkusot siya ng mata. She's already twenty-seven but her Yaya Salome is still present. "Thanks, Yaya."

            "Maligo ka na. Baka mahuli ka pa sa lakad mo."

            Half-awaked, she climbed down her bed. Para siyang zombie na naglalakad papasok sa sariling banyo. Naghuhubad na siya ng nightdress nang tumunog ang cellphone niya sa labas.

            When the blue night is over my face, on the dark side of the world and space... When I'm all alone with the stars above... you are the one I love...

            Yes. Her ringtone is Bari's favorite song. Because it became her favorite, too.

            "Yaya Salome, can you hand me my phone?"

            Mabilis namang inabot sa kanya ng matandang tagapangalaga ang aparato. Naghihikab na sinagot niya iyon.

            "H-Hello?" inaantok pang wika niya. Tinanggal niya na ang underwear.

            "Good morning, Maria Clara."

            Kakaibang kilabot pa rin ang hated ng malalim na boses nito. "Bari?" She stepped inside the bath tub. Dahan-dahan siyang umupo sa maligamgam na tubig.

            "Are you awake or not fully?"

            "I... am," sabay hikab. "Naliligo na ako."

            "Good. I'll be expecting you in my house after two hours."

            In his house, meaning, his house with Tita Bella, where Bari grew up. Hindi na sa dati nilang condo. Hindi na sa katabi nilang bahay. Magsisimula na sila sa kakaiba nitong trip sa buhay—to give epic happy endings to his cousins.

            "Okay..." inaantok pa ring wika niya. Nakapikit na ulit ang dalawa niyang mga mata.

            "Czarina."

            Hindi niya alam kung bakit nanayo ang balahibo niya sa batok pagkatawag nito. "Yes?"

            "Move, dear."

            Bigla siyang napadilat. "What the?!" Paano nito nalaman na hindi siya kumikilos? Natakpan niya ang ang hubad na dibdib. "What the hell, Bari? Paano mo nalamang...? May CCTV ka bang nilagay sa bathroom ko?!"

            Gising na gising na ang buong diwa niya dahil doon. Paano nga kaya kung mayroon?! Kasundo pa rin ni Bari ang lahat ng tao sa bahay nila. Baka pinagtulungan na siya!

            He chuckled. "So, you're not moving? I see. Gawain mo rin iyan noon. Gigising ka ng maaga pero hindi kikilos kahit nasa banyo."

            Kumalma siya doon at napabuga ng hangin. "Right. Akala ko naman kasi!" She switched the phone to speaker mode. Pinatong niya iyon sa gilid ng tub. Then, she started to scrub her body. "Puyat ako. May tinapos akong manuscript para umabot sa release ngayong buwan."

            "Of course. Finish your bath. I'll see you later."

            Natapos na ang tawag at gising na gising na nga ang diwa ni Czarina. Pagkatapos ng kalahating oras ay nakalabas na siya ng banyo at mabilis na nagsuot ng long-sleeved white dress. Mula nang maghiwalay sila ni Bari, she just started to be obsessed with white dresses. Iyong may manggas, minsan sleeveless. Ngunit ang pinakamarami ay ang mga long-sleeved ones.

Hold Me More (More Trilogy #2)Where stories live. Discover now