Chapter Twenty-One

91.7K 3.9K 706
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

TAHIMIK lang si Czarina nang magkita sila ni Bari, tatlong araw bago ang kaarawan ni Johann.

"Sapphire and her cousins were in-charge of the wedding preparations. While Charlie and Reynald were distracting Johann. I believe we can also, pull this off." Inikot-ikot ni Bari ang fountain pen nito gamit ang isang kamay habang nakatingin sa isang papel.

Tumango lang siya bilang pagsang-ayon. Pagkuwa'y napayuko siya at pinaglaruan ang strap ng shoulder bag niya.

"You're quiet," pansin ni Bari kaagad. "May problema ba?"

Kahit ilang araw na mula nang malaman niya ang katangahang nagawa sa email ay hindi pa rin alam ni Czarina kung paano bang kakausapin ng mahusay si Bari. He's acting like he knows nothing. And she's acting like she knows nothing, also.

Ngunit alam naman niyang hindi tanga si Bari katulad niya. Siguro sa mga oras na iyon ay naisip na nitong nakita na niya ang pagkakamaling nagawa.

She sighed and just shook her head. "Wala namang problema. Puyat lang ako kagabi dahil sa pagsusulat. May tinatapos kasi akong nobela. Panghabol lang bago matapos ang taon." Kahit na sinabi niya na kay Kyle na hindi muna siya magpapasa ng mga nobela ngayong taon ay humirit pa rin ang lalaki kaya naman pumayag na lang rin siya. Okay na rin, para ma-distract siya kahit papaano sa maling pagpapadala niya ng email.

Kahit kailan talaga, palpak siya.

"Haley and Gideon will be at Johann's birthday wedding. Gusto kong doon na natin gawin ang plano natin sa kanila."

"Kung ganoon, totoo nga ang nakita ko noon sa mall? Nagkabalikan na sila?"

Tumango si Bari. "Hindi ko alam kung kailan. Itinatago nila katulad nina Ramses at Crystal Jane ang pagbabalikan nila." Tumayo ito at may kinuhang folder pagkatapos ay inabot sa kanya. "Speaking of Ramses, here's his profile. Kasama ang kay Crystal Jane. Go ahead and study it, too. Hindi ko inaasahang sabay pang magkakabalikan ang mga iyon."

"October pa ang birthday ni Gideon so I supposed, doon mo sila ipapakasal ni Haley?" Binuksan niya ang folder na binigay nito at pumungad ang basic informations ng abogadong pinsan nito. "Oh, November ang birthday ni Ramses. Eh di, magkasunod?"

"And Reynald will be in December."

"Ang dami mo namang ipapakasal na pinsan! Sa isang taon ay..." Binilang niya sa daliri ang mga naging at magiging misyon nila. "Dylan, Johann, Gideon, Ramses, Reynald... Lima! Limang kasal sa isang taon!"

At si Bari lahat ang gumagastos. Walang mapaglagyan ng pera ang asawa!

"If we were lucky by next year, Charlie and River will be celebrating their birthday in the same day. Kung magtatagumpay ay mabilis nating matatapos ito." Umupo ito nang bahagya sa gilid ng lamesa nito. "Also lucky for you, we can have our annulment by next year."

Hindi na lang siya umimik at kunwaring binabasa na ang profile ni Attorney Ramses Gabriel Anderson Avilla.

"Czarina."

Napaangat siya ng tingin dito. "Yes?"

Nakatingin ito nang mataman sa kanya. "You don't look fine to me."

"Maayos lang ako." Nginitian niya pa ito. "Puyat nga lang." Tumayo na siya dahil may therapy session pa siya. "Tatawagan kita kapag tapos ko nang pag-aralan ito at kapag may naisip akong plano. Pagkatapos, balitaan mo na lang rin ako kung paano natin ma-e-execute ang plano natin kanina Haley."

Hold Me More (More Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon