Chapter Four

88.6K 3.4K 662
                                    

CHAPTER FOUR


TO: Johann Anderson

Johann, I hate to cancel our date on Sunday but something came up. I won't be available on that day. I'm so sorry. :(

Napabuntong-hininga si Czarina bago i-send ang text message. Gusto niya pa naman sanang makita at makasama si Johann. Napapagaan kasi ng lalaki ang pakiramdam niya. But...

Lihim siyang napatingin kay Bari na nagmamaneho habang nakatiim-bagang.

After his kiss, he got angrier. Nanahimik na lang si Czarina at hinayaan lang ito. Hindi magandang sabayan ang taong galit.

Napatingin siya sa phone nang tumunog iyon.

From: Johann Anderson

Ah. Ayos lang! Naiintindihan ko. Siguro, sa susunod na lang. :) Pero simba pa rin tayo?

To: Johann Anderson

Yes, of course. Magsimba muna tayo bago ako pumunta sa kailangan kong puntahan.

From: Johann Anderson

Yun! Sige. See you! :D

Itinago niya na ang phone at baka mapansin pa ni Bari na napapangiti siya habang ka-text si Johann. Ayaw niya nang lalo itong magalit.

Tahimik pa rin sa buong sasakyan. And they were stuck in traffic. Napahawak siya sa labi. Medyo makirot ang ibabang labi. Nakagat iyon ni Bari. Or... kinagat talaga nito?

His kiss was like punishing her earlier. Not giving her a chance to kiss back. Napalabi siya. She planned to kiss him back! Goodness, she's twisted!

Aayaw siya pero gusto rin niya? Jeez, she still doesn't know what she wants! Pero nang hiwalay naman sila ay nalagpasan niya na iyon. Pero ngayong bumalik ito, nawawala na naman siya. She heavily sighed. Napatingin na lang siya sa labas ng bintana kung saan ang mga kotse ay mahabang nakahilera, nakahinto dahil sa hindi gumagalaw na traffic.

"I'm sorry," he quietly said.

Napatingin siya rito. "I-It's okay... I think I made you mad. I'm sorry, too. I just thought you already approved of me dating Johann. Pumayag ka na rin kasing makipag-date sa iba..."

"Don't let him kiss you."

Napakurap siya. "H-Ha?"

"Don't let Johann kiss you. Date him but don't let him kiss you."

Napakamot siya sa pisngi. "Hindi naman niya 'ko hahalikan. Kasi sabi niya kapag kasal na lang daw kami, doon niya 'ko hahalikan."

Tila kumalma na ito. Yet he was expressionless. "I see."

"Pero hindi naman niya 'ko mapapakasalan hanggang sa kasal tayo."

"He doesn't even know that you're married."

Napangiwi siya. "Sasabihin ko rin naman. Naghihintay lang ako ng pagkakataon."

Natahimik muli sila.

"I'm really sorry for being insensitive," panghihingi niya nang tawad. "I think we shouldn't be talking about this."

Humugot ito ng hininga. "I'm sorry for... biting your lip."

Napahawak siya sa ibabang labi at napatingin sa labas ng bintana. Nag-init ang magkabila niyang pisngi. Hindi niya na alam kung ano pang sasabihin.

"May iba ka pa bang pupuntahan ngayon?" tanong nito. "Ihahatid kita."

"W-Wala naman. Magsusulat lang siguro ako sa coffee shop o sa bahay. May mga hinahabol kasi akong deadlines." She sighed. "Ikaw? Wala ka bang trabaho?"

Hold Me More (More Trilogy #2)Where stories live. Discover now