Chapter Ten

86.9K 3.6K 890
                                    

CHAPTER TEN

TALAGA pa lang natutulog si Bari! Nagigising lang ito sa tuwing kailangan nilang lumipat ng mga sasakyan papuntang Tierra Fe.

Pagkalapag ng eroplano sa Davao ay agad silang sinundo ng isang limousine. Pagkatapos ay bumiyahe lang sila ng kalahating oras papunta sa isang port. From there, a big yacht named "Santino" took them to Tierra Fe. Isang napakaliit lang na isla ang Tierra Fe na lalagpas sa Samal Island. Wala sa mapa dahil hindi naman pansinin. After an hour, nakadaong na sila. It was too dark so she was not able to appreciate the islet.

"Bari, we're here," panggigising niya rito for the nth time.

Maybe he's just trying to sleep lightly. Mabilis itong nagising at luminga. Tumikhim ito at nauna nang lumabas ng yate.

"Follow me," anito sa medyo magaspang pang tono dahil bagong gising for the nth time.

Masunurin naman si Czarina. Medyo napahikab siya nang yumakap sa kanya ang pinaghalong lamig at alat na dala ng simoy ng hangin. She can hear the aggressive waves. Pahatinggabi na pala.

"Saan tayo tutuloy? Do you have a rest house here?" tanong niya kay Bari.

Tila kusang gumagalaw ang mga katawan nila para sa kanila. Unang bumaba si Bari ng hagdanan. Then he offered his hand, tinanggap niya iyon at inalalayan siya nito pababa ng yate.

"Good ebning, Ser!" masayang bati ng isang matandang lalaki na kasingtaas lang ni Czarina. Payat at nakapangsuot ng shorts at long-sleeves na damit. "Kumusta po kayo?"

Bari kindly smiled to the old man. "Maayos naman. Kayo dito? Kumusta?"

"Maraming huling isda, Ser! Kahit may bagyo ay nakakahuli pa rin. Laging naghihimala sa isla na ito."

"Mabuti iyan. Kumusta ang asawa mo?"

Nasa buhanginan na sila pero hindi pa rin binibitawan ni Bari ang kamay niya. Si Czarina na lang ang kusang humila niyon nang tumingon doon ang matandang lalaki.

"Mang Pen, si Czarina."

"Nobya mo, Ser?"

Misteryosong ngumiti si Bari at sandaling sumulyap sa kanya bago sumagot kay Mang Pen. "Kaibigan ko."

Nakahinga siya nang maluwag. Nginitian niya ang matanda. "Magandang gabi po, Mang Pen." She extended her hand.

Pinahid ng matanda ang mga kamay nito sa suot na damit at saka inabit ang kamay niya. "Maligayang pagdating po sa Tierra Fe, Ma'am Czarina! Mag-enjoy lang po kayo. Masaya pong kasama si Ser Bari. Masaya po dito sa Tierra Fe!"

"Salamat po."

Maya-maya ay giniya na sila ni Mang Pen sa isang parang tricycle.

"Kasya ba tayo diyan?" bulong niya kay Bari.

Kinuha ni Mang Pen ang bagpacks nila ni Bari at nilagay sa ibabaw ng tricyle.

"I think so. If not..." Binalingan siya ni Bari. "Mabait ba 'kong kaibigan kapag kinandong kita?"

Natawa siyang bigla at hinampas ito sa braso. "Kanina ka pa, ha!"

He looked away and hid his smile. "I'm just being a good friend here."

Pumasok na siya sa loob ng tricycle habang si Bari ay sumakay na lang sa likos ni Mang Pen sa motor. She can't imagine that Bari can ride a small tricycle! The king just rode a tricycle. Amazing.

Hold Me More (More Trilogy #2)Where stories live. Discover now