chapter 41

34.1K 874 25
                                    


Hindi ako mapakali ng gabing iyun lalo na nang mag iwan siya ng salita bago umalis.

Babawiin kita sa kanya, sigurado yan.

Para akong teenager na nililigawan ng kanyang crush, hindi ko pinagdaanan ang ganito noon, para ka pala talagang nakikiliti na ewan. Noon ay naiinis ako kay Monique kapag may katextmate siya, palagi ko siyang binabara yun pala ay nakakabaliw talaga, nangingiti ka kahit mag isa.

Hindi ko mapigil ang tambol ng aking puso. Iniisip niyang may relasyon kami ni Santi. Magagamit ko ang taong yun pero bakit pa? Why play games? Bahala nalang siyang tumuklas.

Kinabukasan ay haggard ang feeling ko, ang sakit ng mga mata ko. Maaga sina Santi at Angel, nandoon din ang parents ni Jallin.

"Good morning po." Bati ko sa mga ito. May yakap na Barbie doll na naka carton pa si Angel at may minion stuffed toy si Gelo. I'm sure galing iyun sa dalawang matanda.

Tinatanggal na ng nurse ang dextrose ni Gelo dahil ididischarge na siya ngayong araw.

"Good morning iha, hindi ka ba nakatulog ng maayos? Mukha kang puyat."

Myghad, kapansin pansin pala.

"Hmm, okay lang po excited lang po akong iuwi na si Gelo." Saad ko.

Ngumisi lang ito at tumango.

"Aasikasuhin ko sana ang release papers ni Gelo kaso inunahan nako ng lover boy mo." Bulong sa akin ni Santi.

"Anong lover boy pinagsasabi mo?"
Painosenti Kong sabi, alam ko naman kung sino e.

"Hmmm,baka mag isa nalang akong babalik ng Japan niyan. Pursigido e, binantaan pa ako kanina." Sabi niya.

"What?"

"Let's play, Le. Tutal mukhang akala niya may relasyon tayo, para masiguro natin hindi na mauulit yung dati. So you can fully trust him, ano sa tingin mo?"

Naisip ko din yun, pero ayoko ng laro baka kasi mauwi na naman sa hindi ka aya ayang sitwasyon.

"Tigilan mo nga yan, natutu na ako. Wala mabuting naidudulot ang mga pagpapanggap at pagtatago ng katutuhanan. Kung ano man ang plano niya tingnan natin, tantyain natin."

"If I know naghihintay ka lang."

"Ano naman ngayon."

"When love rules..." Tinalikuran niya ako at kinausap ang mga bodyguards. Napabuntong hininga na lamang ako.

Hindi nagtagal ay dumating si Jallin kasama ang doctor ni Gelo. Nagbilin ito ng mga does and don'ts at nag iwan ng reseta. Si Jallin ang tumanggap noon at ibinulsa niya. Pwede na kaming umuwi, niready na ng yaya ni Gelo ang mga nadalang gamit.

"Iha, pwede ba kaming sumama sa bahay ninyo? Gusto lang naming malaman kung saan para makadalaw kami minsan." Sabi ng mom ni Jallin.

I look up to  Santi, syempre hindi naman akin yung bahay, kailangan ko ng pirmiso niya.

"Of course Tita! As long as you want." He said.

"Oh, thank you iho." Madaramang sabi ng mom ni Jallin.

Napangiti ako, I mouthed thanks to him at napabaling sa matalim na titig ni Jallin. Is he jealous?

I Don't think so.

Nag convoy sila sa amin pauwi sa mansion ni Santi, sabi niya kanina ay may kunting salo salo pa welcome niya Kay Gelo.

Sa gate pa lang ay makikita mo na ang mga bantings at balloons, akala ko ba salo salo lang bakit parang party yata.

"Ganito ba talaga kayo magsalo salo ha?" Tanong ko Kay Santi na hawak si Gelo sa front seat, kami naman ni Angel sa likod. Ang mga bodyguards ay sa van na nakasunod kasama ang dalawang yaya.

"Let's spoil this little one, kasi magaling na siya." Kiniliti niya ang bata kaya humagikhik ito.

Pasalamat nalang kami at walang tinira ang dengue virus sa katawan niya dahil na agapan ito, kasi kung hindi ay hanggang ngayon hindi pa kami makakalabas ng ospital. Idagdag pa ang mga espesyalistang mga doctor na gumamot sa kanya mula sa pamilya ni Jallin at Santi.

Nagsilinyahan ang mga kasambahay at bodyguards nang pumasok ang mga sasakyan sa bakuran nina Santi, lahat may dalang balloons na may mukha ng minions.

Bumaba na kami ng ma park ang kotse ng driver.

"Welcome home Angelo!!!!"
Sabay sabay nilang hiyaw at kinaway kaway ang mga hawak na balloons.

Gelo is so amaze Kaya pumalakpak ito at naglilikot na upang makuha ang balloons.

"Naku ang gwapo parin ng Gelo namin..." Sabi ni Ada na mayordoma ni Santi.

"Pwera usog po manang Ada." Saway ko dito.

Pumasok na kami, sumabay si Angel sa kanyang tatay, Lolo at Lola. Naririnig ko siyang nagyabang sa kanyang silid doon sa Japan at kinumpara dito sa guestroom na tinutuluyan niya.

"Pero mas maganda doon sa pinaparenovate ni nanay na bahay nina Lolo at Lola, she let me decide the interior of my room, it's awesome lola." Pagmamayabang niya. Siya nga ang pina decide ko sa interior design. Sabi kasi noong na hire Kong interior designer ay pwede niyang paglaruan ang imaginations ni Angel, Kaya ayun nagkasundo silang dalawa.

Most of the foods were finger foods, kasi may mga batang naging bisita. Mga kalapit bahay na nakilala si Gelo dahil nilalabas pala minsan.

Naging maingay ang bahay sa araw na iyun, may naglalaro at nagtatakbuhan. Nandoon din ang mga yaya nila kaya nakasundo din sa mga kasambahay ni Santi. Si Angel ay mas close sa grandparents niya, doon siya palage nag lalambing.

Sinusubuan naman ni Jallin ni Gelo ng pagkain,he seem so fond of him. Bawat subo niya ay tumatawa si Gelo. Ang ganda nilang tingnan, nakakataba ng puso.

Ang mag ama ko.

I never imagined this scenario, ang saya pala. I feel complete.

Siniko ako ni Monique.

"Bakit hindi ka kumakain?" Hindi ko inalis ang tingin ko sa dalawa kaya sinundan niya ito.

"Kaya pala... Nakakabusog nga naman ang tanawin na iyan." Pabiro niya akong binangga. "So anong plano niyo? Building a family together?" Seryusong sabi niya.

Tiningnan ko siya ng blanko, sabi ni Jallin Mahal niya ako sapat na ba iyun para tanggapin siya at bumuo ng pamilya kasama siya?ganoon ba kadali yun?

But I feel really awkward. Handa na ba ako? Parang ang aga naman yata.

Iniba ni Monique ang topic, it went to the business and on. Iniwan din niya ako ng may tumawag sa kanya kaya tiningnan ko ang gawi nila Jallin pero wala na sila doon kaya naglakbay ang mata ko sa paligid pero hindi ko sila makita.

"Looking for someone?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot nito sa gilid ko.

Sabay lumundag ang puso ko sa gulat.

"Ahm....ano hinanap ko lang si Gelo."
Pagdadahilan ko.

"Ah, nandoon kay Dad. Hiniram niya muna."
Sagot niya.

Tumango nalang ako at tiningnan ang dala niyang pagkain.

"Dinalhan Kita, pansin ko kasing hindi ka pa kumakain."

Inilahad niya sa akin ang plato na may pagkain.

"Ahm...ikaw? Kumain ka na?" Hindi mapirmi yung kabog ng dibdib ko, I tried very hard to stay calm.

"Pwedeng sumalo nalang? Para tipid hugasin?" Mapaglarong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi na nagpalaglag lalo ng puso ko. Nangamatis yung pisngi ko sa sinabi niya. Kailan pa siya naging concern sa mga hugasin?

Nakakainis ang mga banat mo Jallin! Ginagawa mo akong Teenager.

Sinaway ko siya ngunit hindi nagpapigil, sumubo talaga sa dala niyang plato na hawak ko na ngayon. His mood is so light, nagbiro pa nga siya ng hindi naman niya gawain dati.




❤8.20.17

Leora The Stripper [COMPLETED]Where stories live. Discover now