chapter 37

33.2K 849 17
                                    

Leora

Nagkaroon kami ng pagkakataong mag usap pero sa rooftop lang ng ospital. Hindi naman siya naghayag kung saan kami mag uusap Kaya ako na ang nagsabi ditong sa rooftop nalang. Ayaw ko din na malayo Kay Gelo,baka may mangyaring hindi inaasahan. Tulog naman si Gelo at dumating si Monique upang bumisita Kaya sila ni Santi ang naroon sa silid ,naiwan. Si Angel ay hiniram ng parents ni Jallin kaya lang ay pinasamahan ko ng dalawang bodyguards and I alert them to report if there's something happens. Hindi naman sa Wala akong tiwala sa parents ni Jallin, gusto ko lang makasiguro. His mom is so nice, hindi ko nga inakala na kakausapin niya ako, humingi ito ng tawad. Kahit pa iginiit niyang siya ang dahilan ng lahat ay okay na ito, nangyari na ang nangyari pasalamat nalang ako at nalampasan ko yun ng safe and mga anak ko. Sila lang naman ang mas importante.

Kinakabahan ako, may mga idea na ako sa pwede naming pag usapan pero hindi parin ako mapakali. Kanina pa nagtatambol itong puso ko paakyat pa lang kami. I know I need to face him, nagkaalaman na at siguro ay tungkol lang ito sa mga bata.  Ilang Gabi narin itong laman ng isip ko, alam kung hihingi na siya ng oras para sa mga bata.

Ayokong maging selfish, Angel seems so fond with her father and grandparents hindi ko pwedeng ipagdamot yun. Matagal akong naulila at naranasan ko ang magkaroon ng pamilya, sobrang saya noon at kontento ayaw Kong ipagkait iyun sa mga anak ko basta ba walang maging problema.

We're sitting the opposite side at may metrong layo. He choose these distance, nauna lang naman akong umupo bago siya.

Papalubog na araw Kaya hindi na mainit ang sinag ng nito. Tumingin ako doon at hinintay siyang magsalita. Ang unti unting paglamig ng hangin ay hindi man lang pumapawi sa init ng aking nadarama, feeling ko nasa paanan ko lang ang mga baga ng apoy. Hindi ako komportable, sobrang concious ko nga ngunit pilit ko parin itong tinatago.

"Babalik ba kayong Japan kapag na discharge na si Gelo?" Basag niya sa katahimikan namin.

Napatingin ako sa kanya, ang kanyang pagod na mga mata ay nakatingin sa akin. Pareho kaming walang tamang pahinga. Uuwi lang ako upang maligo at babalik agad, ganoon din siya natutulog din kaming parang mga manok, mataas na ang tatlong oras kung makakaidlip man.

"Oo, ilang araw narin nakaliban si Angel sa eskwela. Now that Gelo is recovering, kung papayagan na kami ng doctor na ibyahe siya ay tutulak kami agad at doon nalang magpatuloy sa kanyang medications."

Sagot ko.

Kinapa ko yung takot at galit ko sa kanya ngunit kalmado ako. Ang akala ko noon kapag nagkita kaming muli ay puro panghuhusga at kababaan ang kanyang isusumbat sa akin lalo na at kasama ko si Santi pero hindi. Ang amo niya, walang bakas ng kasungitan at kagaspangan.

I saw sadness in his eyes at alam ko kung bakit.

"Can I visit them?" Parang piniga ang puso ko sa hina at pait ng kanyang boses.

Tinatanya ko siya, mula ng malaman niya ang tungkol sa mga bata ay hindi siya masyadong naglalapit sa mga ito kahit na nakikita ko namang gustong gusto niyang makihalubilo dito. Nakikipag usap naman siya kahit papaano pero para bang may pumipigil sa kanya.

Tumango lamang ako. Kumislap ang kanyang mga mata. I can't really read him, ang hirap kasi, buti noong Kay gaspang ng ugali niya alam ko na agad yung tumatakbo sa utak niya. Kamunduhan at panghuhusga. Kung naging mabuti man siya noong nagkasama kami ay iba parin sa ngayong kaharap ko.

"Kumusta kana?" He asked.

Ang araw ay hindi na namin nakita ngunit nandoon parin ang liwanag. Unti unti ding dumami ang mga taong naroon, kumakain at nag uusap usap.

"Okay naman, mas mabuti keysa dati." Gusto kong magmayabang sa kanya na matayog na ako ngayon, na hindi ko na kailangan pang ipagbili ang sarili ko para lang makayaanan ang mga pangangailangan.

"Kita ko nga..." Mapakla itong tumawa bahagya.

Napakunot noo ako, anong ibig niyang sabihin.

"Masaya kana sa kanya, at ang mga bata ay gustong gusto si Santi." Hindi siya tumingin sa akin sa pagkasabi niyang iyun.

"Santi is a good man. He helped me up, he educate me and he protects us." I said.

"Yeah..."

Wala akong maidugtong pa dahil ang mga sulyap niya ay may libo libong idea at gustong maisatinig Kaya nagtaka ako sa nais niyang pag uusap namin.

Pansin kong balisa siya, bakit ba kasi hindi nalang siya magsasalita? Mag uusap nga kami diba?

"Ahm..." Dinig ko sa kanya kaya tiningnan ko siya. Nagkatinginan kami, I feel a warm hand touches my heart.

"I know why didn't you tell me about them... but somehow... Naisip mo bang ipakilala sila sa akin?"

Natulos ako sa tanong niya. Napaisip ako, hindi kami nagtago at walang dahilan upang tumakas... Lumayo lang kami. Oo nasaktan ako ng sobra pero hindi ko rin naman kasi pinlano na itago sila,what for? Siguro I'm just waiting for the right time at ayaw ko ding maghabol. I know I feel bitter but my children comes first before my mine.

"Hindi ko rin naisip yan, hindi naman kami nagtago, lumayo lang kami. Masakit man sa akin pero sinabi ko parin ang tungkol sayo Kay Angel, every kids must know about their father kahit hindi ka niya makikilala personally. Hindi ko lang talaga inasahan na sa ganito tayo magkikitang muli. Hindi ko ipagdamot ang mga bata pero hindi ko rin sila ibibigay sayo, sila lang meron ako Jallin."

He lift his hand para mahawakan sana ako pero binawi din niya agad.

"God knows how I wanted to be their father but they are also my living conscience. Bawat ngiti sa kanilang mga labi ay punyal saking puso, I just can't forgive myself for abandoning them." His voice cracked,his eyes were bloodshot.

"Hindi mo sila inabandona, kami ang umalis."

"And I very know why... I'm very sorry Yura... I'm sorry."
He heartily said.

Napabuntong hininga ako. Sa gulo ng isip ko dati at sa sakit ng nararamdaman ko, ayaw ko na siyang makita pa pero, may pero talaga. It's not just me,may mga batang involved dito. Siguro kung ako lang ay lumalim pa yung galit ko pero hindi e, before my feelings I have to think about my kids. Inosente sila at wala silang kinalaman sa amin ni Jallin. Hindi ko din pwedeng sabihing masama ang kanilang ama, who knows sa akin lang siya ganoon at mabuti pala siya sa mga bata hindi ko ipagkakait yun.

"You can be a father to them, huwag mo lang silang paasahin sa mga bagay na baka hindi naman magkakatotoo. I want to give everything to my children at Isa na iyun ay ang hayaan silang makilala ka."

"What do you mean?"

Nagkibit balikat ako. Alam ko naman na mag aasawa din siya balang araw at gusto kong ihanda ang mga bata doon. Baka kasi mapaasa ang mga bata at in the end masasaktan ang mga ito dahil may iba ang kanilang ama.

"I will do things to catch up. I want to learn more about them. Lalo na si Angel, we can hang out through music."

Hindi niya gets ang ibig Kong sabihin pero sige, ako nalang ang gagawa noon.

Our talk went more on the kids, naging komportable din ako eventually kasi parang nawala yung takot ko sa kanya. Kinwento ko sa kanya ang mga gusto niyang malaman he is more interested Kay Angel, syempre baby pa naman si Gelo.

Ibang iba siya keysa noon, siguro nga ay nabago siya nang babaeng dini date niya ngayon. Napangiti ako ng pait. I am not really for him.

Teka bakit ko ba naisip yun. Erase,erase!

"Pero teka! Alam ba ng girlfriend mo ang tungkol sa mga bata? Baka magulat siya." Sabi ko.

Napa kunot ang noo niya at sandaling nag isip.

"Wala naman akong girlfriend ah..."












❤8.14.17

Leora The Stripper [COMPLETED]Where stories live. Discover now