chapter 1

54.7K 1.1K 19
                                    


Spg

Ang bawat indayog ko sabay sa musikang nakakaantok at mapang akit ay hiyawan naman ng mga kalalakihan ang kapalit nito. May nagpipigil at ang iba'y walanghiyang sumisigaw talaga.

"Ang sakit mo sa puson, puta!"

"Touch yourself,baby!"
At hiyawan ulit.

Ang ibang may ka table ay mas lalong pinanggigilan ang aking mga kasamahan ko at binabastos na talaga,halos huhubaran na talaga ito. Pero syempre hindi pwede, kung gusto mong e take out ang mga katulad namin ay hindi pwede hanggang himas lang.

Suot ko ang tinatawag nilang see through na damit at walang kahit na anong saplot sa loob nito.

"Akin ka pagkatapos mo diyan, puta!"

Mas lalo ko pa silang pinaglalaway, ibinuka ko ang aking mga hita at bahagyang umupo sa intablado, para namang nabilaukan ang lahat ng lalaking nandoon sa ginawa ko.

Sige maglaway kayo mga asong ulol, hanggang tingin lang kayo sa putang ito.

"Ang sarap kainin tol! Mapula pa!"

Habang nasa intablado ako sumasayaw ng malaswang sayaw ay ibang tao ako. Isinantabi ko si Leora at ako si Lala.

Si Lala ay walanghiya,puta at walang dignidad sa sarili. Tatlong taon na ako sa trabahong ito, una ay hindi ko masikmura pero kapalit naman nito ay buhay kaya nilulunok ko na pride na meron nalang sana ako.

Mas pinag igihan ko pa ang pang gagago sa kanila, naglaro ako sa pole at pina painggit sa pole na nandoon.

"Ang swerte ng posting iyan, lechi!! Ahhh, ang sakit!"

Nakakatuwang tignan ang mga gagong manyak na to, sige manigas pa kayo lalo hanggat mag mukha kayong baliw sa paglalaway sa katawan ko.

May iilan ang naghagis ng pera sa akin at pinupulot ko naman ito habang hinahalikan sila sa hangin at kinikindatan. Ang mga gago naman ay walangyang hinahawakan ang kanila at inimwestra sa akin.

In your dreams!

Pagkatapos ng sayaw ay agad akong dumiritso sa backstage at binalot ang aking sarili ng roba.

"Ang hayop mo talaga Lala, tingnan mo ang mga lalaki sa labas tuloy laway na naman." Sabi ni Gina at humalakhak ito.

"Hayaan mo silang mabaliw, hanggang tingin lang sila." Madiin kong sabi at tinungga ang alak na nandoon.

"Lala, nandito si Mr.Pineda....hmmm tiba tiba kana naman ngayon." Sumungaw doon sa pintuan.

"Sige lalabas na ako." Na excite akong makitang muli si Mr.Pineda, isang beses lang kasi itong dumadaan sa club namin at noong isang linggo ay hindi ito pumunta.

Binilang ko ang nakuha kong pera sa pagsasayaw at umabot ito ng apat na libo. Napangiti ako, makakabili na ako nito ng gamot na branded at hindi generic kaya hindi na ako sasayaw muli mamaya.

Minsan kasi kapag kinapus ako sa mga tip ay dalawang beses akong sasayaw sa entablado, kahit pa iba naman ang sweldo namin sa nakukuha naming tip.

Habang papalapit ako sa mesa ni Mr.Pineda ay nakita ko itong umiling iling at tinawanan ko lang. Nakapagbihis na ako ng mas matinong damit.

"Hindi ka talaga bahay sa lugar na ito."
Agad nitong sabi pagkaupo ko doon sa opposite na upuan sa kanya.

"Ayan kana naman, hayaan mo na kasi. Ito lang talaga ang alam ko." Sagot ko dito.

"Mag aral ka."
Ang kulubot nitong noo ay mas lalong nalukot sa sinabi niya.

"Tanda,paulit ulit nalang ba tayo? Pwede bang magkwentuhan nalang tayo? Teka, bakit wala ka dito last week?" Maarte kong sabi.

Tumawa ito at umiling. "Ang tapang mo talaga...by the way hindi ako nakadalaw dito dahil umuwi yung anak ko galing Canada at hindi maganda ang pag uwi niya." Tumungga ito sa alak na nasa kanyang baso.

"Si Eunice? Pumunta pala siyang Canada? Wow ang saya naman."
Masaya kong sabi dito.

"Hindi si Eunice, si Jallin ang panganay ko."

Nawala ang ngiti sa labi ko. May pa pala ito bukod Kay Eunice na naekwento niya sa akin minsan.

"Talaga? Bakit hindi mo naekwento?"

Umiling ito."hindi kasi mabuti ang pakikitungo namin sa isa't isa mula pa noon...so ikaw kumusta naman yung offer ko sayo? Napag isipan mo na ba?"

Nag offer ito sa akin na kung hindi ko tatanggapin ang pag aaral ay magtatrabaho ako sa kompanya nila.

"Tanda, wala akong pinag aralan. Hindi ko alam ang mga gawain diyan." Nakanguso kong sabi dito.

Sa pagkakaalam ko ay mayroon itong call center. Ano naman ang alam ko sa mga makabago ngayon? Ultimo piso net ang hina ko umintindi.

"Tuturuan ka naman, ako ang bahala sayo."

Ang presko talaga ng matandang ito pero kahit ganito siya never kaming lumabas nito at hindi niya ako kailanman hinawakan kaya Suki ko ito dito sa club kasi ang laki din bumigay ng tip kahit pa nagkukwentuhan lang kami.

Palagi lang itong nanghihinayang sa akin. Ano ba ang magagawa ko? Ultimo grade one ay hindi ako nakapag aral dahil sa mga gahaman kong kamag anak. Kung hindi pa ako nakatakas sa kanila ano pa kaya ang ginawa nila sa akin.

Matapos ang aming mahigit dalawang oras na kwentuhan ay nagpaalam na ito.
Sumabay na ako sa kanya palabas dahil aalis na din naman ako.

"Bye Tanda!" Pangluluko ko sa kanya, naiirita naman talaga ito kapag tinawag na tanda pero nasanay narin ito sa akin.

"Loko ka talaga! Sige alis na ako,ang tigas ng ulo mo." Hindi kasi talaga ako pumayag sa gusto nito na magtatrabaho ako sa kompanya niya.

Medyo nahirapan ito sa kanyang paglagay ng seatbelt dahil sa laki ng tiyan niya kaya pinagtawanan ko.

"Mag zumba ka kasi para naman lumiit yang tiyan mo." Kantyaw ko dito.

"Namumuro kana ha!" Sigaw nito na lalong nagpatawa sa akin.

"Loko lang." Sabi ko.

Umiling lang ito at pinasibad na ang sasakyan.

Inayos ko ang jacket na suot ko, ala una na ng madaling araw. Hindi naman kalayuan ang boarding house namin dito, mga dalawang kanto lang.

Naisip kong malaking oportunidad ang alay sa akin ni Mr.Pineda, hindi naman kasi ako habang buhay na sasayaw,malalaos din ako pero isa akong mang mang. Ano ang magagawa ko sa kompanya niya? Kahihiyan?

Paano-

May humablot sa aking braso at padarag niya akong isinandal sa pader na nadaanan ko. Bigla akong kinabahan kaya napapikit ako ng mariin sa takot. Kilala naman ako sa lahat ng tambay dito ah, sino ang mapangahas na taong ito?

Hinawakan niya ang aking baba ng pagkadiin,ginapos na talaga ako ng takot, ang lakas niya.

"Ikaw pala ang kinababaliwan ng tatay ko!!" Isang matigas at galit na boses ang nagpamulat sa akin, isang nag aapoy na mga mata ng pamilyar na lalaki.

Ang takot ko ay napalitan ng galit!



❤5.18.2017

Leora The Stripper [COMPLETED]Where stories live. Discover now