chapter 32

30K 732 21
                                    

Sa buong pagtatanghal ng grupo ni Angel at ang batikang singer na si Andrea Bocelli ay balisa ako. Knowing Jallin is just around ay para akong​ naiihi o constipated, although naapreciate ko naman ang performance ng anak ko ay hindi parin ako mapirmi. Panay ang sulyap ko kung saan saan hoping to see Jallin in the nearest ngunit bigo ako kaya nagdalawang isip din ako kung siya ba talaga iyung nakita ko o na malikmata lang ako.

When Angel and her team exited the stage after nilang palakpakan ay sumunod agad ako sa backstage, sumunod naman si Santi sa akin.

"Nanay!! Tito!!" Ang laki ng ngisi ng anak ko kaya ay napawi ang kaba kong kanina ko pa pinipigilan.

I hug her so tight and kiss her forehead, ganoon din ang ginawa ni Santi.

"We're so proud of you Angelina..." Halos magkasabay naming sabi ni Santi kaya napatawa din kami.

At the early age may nakamit na siyang pangarap na hindi ko noon nakuha. I promise to myself na ano man ang wala  ako noon ay pipilitin kong punan iyun ngayon Kay Angel at pati narin kay Gelo.

"Nanay,maya maya po ay tutulak kaming Shangri la hotel, doon daw po ang Victory party gaganapin." Sabi nito. Bigla ko na naman naalala si Jallin. Paano kung nandito nga siya at matatagalan kami? I'm sure kung nandito siya sinusundan na niya kami ngayon.

Sa kaba ko ngayon para akong puganting pinaghahanap ng batas dahil kailangan kong maging maingat, shit! Nakakaloka.

"Of course, we promised you naman diba. We will wait for you at the lobby, hindi ka naman magtatagal diba?" Nakangiting sabi ni Santi dito habang pinasadahan niya ng haplos ang aking likod para makalma ako, siguro napansin na niyang kinakabahan na ako.

Inayos na ng yaya ni Angel ang kanyang mga gamit at nakapag bihis narin siya ng mas komportableng bistida.

"Nanay, CR muna ako." Paalam niya.

"Sasamahan na Kita." Pagprisinta ko, malayo pa naman ang restroom sa backstage.

"Nanay, thank you talaga ha na pumayag kang sumama ako sa concert ni Mr.Bocelli. ang sarap po talaga sa pakiramdam na makapag perform sa maraming tao... Sana someday nanay, ako naman po mag perform mag isa."
Sabi nito habang nasa loob siya ng cubicle, naghihintay lang ako sa may salamin at nagretouch narin.

"It's not impossible,anak. Basta galingan mo lang nandito lang si nanay nakasuporta sayo." Sagot ko naman.

Bigla ay bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Jallin. Naestatwa ako lalo na ng palapit ito sa akin. Naisip ko agad si Angel kaya dali dali akong humarang sa cubicle na lulan siya.

"Anak, huwag kang lumabas!" Sabi ko dito.

"Nanay, bakit?"

"Basta! Huwag kang lumabas nang hindi ko sinasabi, takpan mo yang tainga mo!!" May pagkataranta kong sabi dito.

Nakatitig lamang ito sa akin ng may pagod na mga mata.

"Nanay, bakit? Natatakot na ako." May himig itong iiyak na.

"Yura, please... I just wanna see her." Pagsusumamo nito.

"Wag kang lalapit sa kin, sisigaw ako!" Pagbabanta ko dito, I'm feeling hopeless now that we're stuck here in the rest room. Natatakot na ako ngunit tinatagan ko lang.

He stop midstep.

"Please, I just want my daughter."

Kumalabog ang puso ko ng nabasag ang kanyang boses, sumikip bigla yung puso ko. I never heard him like this before.

"Nanay!!" Angel cried.

Napalingon ako sa pintuan ng cubicle.

"Yura, let's talk. Just give me a minute.... I've changed, ano man ang pagkakilala mo sa akin noon binago ko yun para lang maging karapat dapat sa inyu ng anak natin."  I can hear the sincerity in his voice and the tears that is about to fall.

Wearing a black polo na nakatupi sa kanyang suko, at magulong buhok. Pagod ang mga mata na tila ba ay ilang araw na walang tulog.

So matagal na niyang alam ang tungkol Kay Angel, pero bakit hindi siya sumunod sa amin? Bakit hinintay pa niyang umuwi kaming Pilipinas? At kung hindi man hindi rin ba siya magpupursiging makita kami? Bakit ngayon lang? Dahil ba nakakaguilty ang makita ako? May iba na nga siya diba? Monique saw him with the same woman many times, I think his serious about her pero bakit pa niya kami pinag aaksayahan ng panahon?

"Sinabi ko naman sayo diba? Hindi mo anak si Angel!" Giit ko sa kanya.

"Dahil lang yun sa sinabi diba? I'm sorry... I didn't meant it." His voice cracked at yumuko ito. Malayong malayo sa napakatatag at halimaw na Jallin na kilala ko. Para itong si Jallin noong hindi ito galit, may dalawa ba siyang katauhan? Kasi ganito din siya dati noong wala kaming problema, ngunit mas lalo akong natatakot dahil alam kong anytime ay magpapakita ang isang Jallin na kilala ko. Iyung walang puso at kaluluwa. Yung Kaya ka niyang tirisin kahit hindi kumukurap.

"Please,lumayo ka sa akin. Natatakot na yung anak ko,pakiusap palabasin mo na kami."pagmamakaawa ko sa kanya ng hindi parin tumitigil sa pag iyak si Angel sa loob, natakot akong mahirapan itong huminga dahil sa takot at nasa isang maliit na espasyo ito.

Tumingin siya sa akin na mapupungay ang mga mata. Please huwag yan ang ipakita mo, nasasaktan ako.

"Gusto kong bumawi, Yura. Ano man ang ginawa ko sayo dati, pinagsisihan ko yun...kung gusto mo akong saktan gawin mo! Suntukin, hampasin ng kung ano gawin mo, maibsan ko man lang yung sakit na naidulot ko sayo... please, I beg you." Yumukod ito at hinawakan ang aking mga binti. Humagolgol siya doon.

Isang Sean Jallin Pineda, successfull business man, ruthless and cold hearted man, lumuhod sa harapan ko at humagolgol.

Hindi ako makapaniwala, totoo ba ito o isang palabas lamang upang bumigay ako.

"Jallin, please!! Hindi pwedeng magtagal ang anak ko sa loob, maawa ka." Ngayon ay nagmakaawa na din ako sa kanya. Humihina na kasi ang iyak ni Angel, at natatakot na talaga ako.

"Angel! Anak!!" Kumakatok ako na ako sa cubicle niya.

"Nanay!!" Iyak niya.

"Jallin please..."

Nagmadali siyang humiwalay sa akin at pinunasan ang kanyang mga luha. Dali dali kong kinatok ang cubicle.

"Angel buksan mo!! Angel" hindi ko na maipaliwanag ang kaba at takot na nag uunahan sa akin. Namumutil na yung pawis ko sa noo. Bumukas naman ang pinto at nakita ko agad si Angel na hawak ang kanyang dibdib. Agad ko siyang dinaluhan at pinaypayan gamit  ang aking mga kamay, ngunit namumutla parin ito.

Jallin grab her to me at pinangko niya si Angel.

"Let's get her to the hospital!" Sabi nito.

Hindi na ako nagprotesta at sumunod na lamang dito dahil kinakabahan na ako. Nasalubong namin si Santi na sobrang kunot ang noo at may dalawa pang bodyguards.

"What happened, Le?" Sinabayan niya kami sa pagmamadaling makalabas ng gusali.

"Nahihirapan siyang​ huminga, Santi." Umiiyak ko ng sabi. Nagpatiuna agad si Santi upang masundan namin siya, agad niya kaming pinagbuksan sa kotse niya at walang sabi sabing pumasok doon si Jallin at sumunod na kami.

Panay sulyap si Santi sa akin gamit ang salamin, pinaypayan ko parin si Angel. Although concious naman siya ay hindi ito nagsasalita kaya mas lalo akong natatakot.

Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa emergency room ng pinakamalapit na ospital.




















❤8.6.17

Leora The Stripper [COMPLETED]Where stories live. Discover now