chapter 22

32.1K 871 17
                                    

Padating namin sa hotel na pagdarausan ng ball ay nalula ako sa mga reporters at camera man na sumalubong sa amin.

Nahiya ako dahil malaking tao pala talaga ang kasama ko. Ang daming tanong sa kanya ngunit iilan lang ang sinagutan niya.

"May we know who's your date tonight Mr.Pineda, she's very pretty for sure she's from the elite families."

Kinabahan ako sa tanong na iyun ng isang babaeng reporter. Sumulyap ako Kay Jallin upang nalaman ang sagot niya.

"I don't share what's mine, so I'll keep her private. Thanks..."

Iyun lang at hinigit na niya ako papasok sa hall. Nalito ako sa sagot niya,hindi straight kaya hindi rin ako sigurado. Sa kanya raw ako pero hindi niya ako pinangalanan ibig sabihin hindi parin kami okay.

Nahiya ako sa aking nakikita. Lahat ay puro elegante, mula sa mga tao hanggang sa mga palamuti at table settings. Kahit ang mga waiter ay nakauniporming amerikana.

Ang mga babae ay napakapoise kung makikipag usap. Nang pumasok kami ay hindi kami nakaligtas sa mga mata ng mga naroon kaya napayuko ako.

"Hey, are you okay?" Hinawakan niya ako sa bewang at mas nilapit sa kanya.

"Nakakahiya, alam mo naman kung ano lang ako diba? Hindi ako sanay sa ganito."

Minsan na nga akong nakapunta sa mga ganitong event kapag nag eescort kami pero hindi ganito ka elegante at engrande.

"They wouldn't know. Just stay close to me."
Pagpapanatag niya sa akin. He lead me to a four sitter round table. Kami pa lang naman ang nandito kaya medyo kumalma ako. My eyes scan the people around the place and it's making me a trashed. Nanliit ako sa sarili ko, hindi ako dapat nandito paano kung may magtanong uli Kay Jallin o di Kaya may makakilala sa akin at mapahiya siya? Hindi ko maatim  yun ako pa ang sisira sa kanya.

"Hi Sean! How are you?" A gorgeous lady​ approach him.

"I'm good Yvette." He just glanced and turned to me smiling.

"Your so rude talaga, I'm still talking to you." Maarting sabi nito at kumapit sa braso ni Jallin.

"Yvette, can't you see? I have my date." He's pissed and shove her hands off him. Nagulat ako doon, he is not a gentleman.

I remember how he treats me way back. Akala ko sa akin lang siya ganoon dahil nga may atraso ako sa kanya pero iyun pala talaga siya.

Umirap ang babae at umalis.

"Bakit mo yun ginawa?"

"Hayaan mo na yun, you don't know that woman."

"Kahit na..."

"Please,let's not argue about her." He seems really pissed talking that woman kaya hindi na ako nagsalita pa.

The party went on, may mga nakikipag usap sa kanya na pormal na mga persona, mapa babae man o lalake at hindi ko maintindihan ang mga topics nila. Basta ang alam ko their talking about business.

Buti at marunong ako mag English dahil sa kagagawan ni Monique at nang hindi ako napahiya kapag may kumausap sa akin yun nga lang ay babarahin agad ni Jallin. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako dahil pinapadali niya sa akin lahat dahil hindi naman ako makarelate sa mga taong ito pero para bang pinagbabawalan niya akong makipag usap sa mga taong kabilang sa mundo niya, should I consider it as an insult? Pero pipiliin ko nalang na wag, I'm still on his side at coconsider ko nalang iyun na ayaw niya akong mastress sa mga taong hindi naman ako sanay.

I excuse myself to the bathroom pero sumama parin siya, he never leaves my side all the way. Iniwan ko siya sa labas ng banyo, syempre ano naman gagawin niya sa loob. Hindi naman ako umihi nagretouch lang at tsaka chinick yung cellphone ko at baka may mensahi galing kay Monique. May limang Missed​ call nga galing sa kanya at isang message.

Leora The Stripper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon