chapter 7

32.6K 901 40
                                    


Wala kaming imikan sa kanyang sasakyan ngunit ramdam ko ang kanyang paninitig sa akin. Kinakabahan man akong kasama ang lalaking ito ngunit hindi parin ito malalamangan sa ang pag alala ko Kay Angel.

Pilit Kong pinpatigas ang aking puso ngunit sa tuwing naiisip ko si Angel ay lumalambot ang ito.

Anak, kasama ko ang walang puso mong ama. Hindi ko alam Kung bakit pa ako sumama sa kanya Kung gayong pwede namang hindi. Sa lahat ba naman ng pagkukulang niya sayo ay hindi ko na dapat ito pagbayaran pa. Ngunit sumama parin ako at nagpadala sa kahayupan niya. Kailangan Kong tibayan ang loob ko dahil hindi ko alam Kung hanggang kailan ako sa ganitong sitwasyon.

Huminto kami sa isang sikat na maternity hospital. Siguro dito na nga niya ako ipapacheck up. Kinakabahan ako, hindi sa baka may makuha silang Kung ano sa akin kunde sa presensya ng lalaking kasama ko.

Sa club lahat kami doon ay weekly chinicheck, kahit dancer lang ako ay hindi ako nakaligtas sa higpit ng pamamahala doon. Tinuturukan din ako ng contraceptive. Kaya malinis kaming lahat sa club na yun dahil sobra din kaming nag ingat.

"Jallin!" Salubong sa amin ng mid thirties na babae,siya yata ang doctor dahil naka puting lab gown ito. Hindi ko alam pero may malisya ang tingin ko sa ngiti nitong nakatitig Kay Jallin.

"Sam..." Tipid na ngiti naman ang isinagot nito.

"So, ito na ba siya?" Tanong nito na nakataasang isang kilay sa akin.

"Yeah, I expect your expertise on these. I want her clean as possible." Siryusong sabi nito.

Umupo kami doon at may kinuhang folder.

She asked my information.

"Leora Mitch Legaspi... 24... September x,19xx..." Marami pa silang tinanong lalo na sa health history ko. Syempre hindi ko sinabing nagbuntis na ako,hindi naman siguro yun malalaman.

"When did is your last intercourse?"
Napanganga ako sa tanong nito. Kailangan ba talaga ito?

Nagkatinginan kami ni Jallin at tumiim ang bagang nito.

"Ahm,ah...matagal na."
Nanlamig na yung kamay ko.

"Exact date?" Pangungulit nito.

Ganon? Humigpit ang kamao ko.

"Hindi ko matandaan." Malamig Kong sabi.
Ayoko ko ng balikan ang panahong binaboy niya ako, it was six years ago.

"Okay," parang nahinuha naman ng doctora na hindi ko sasabihin ay hindi na siya nangulit.

Nakita Kong ang dilim ng tingin ni Jallin sa akin, buti nalang at dinala ako ng doctora sa isa pang silid upang soon e check ng nakahubad. Lahat ng maseselang parte sa akin ay hindi nakaligtas sa kanya, hindi naman ako nahiya. Talaga ngang hindi na ako nahihiyang humarap ng hubad sa ibang tao dahil nakasanayan ko na ito pero hindi naman sa public place,ibang usapan na yun. 

Kinuhanan ako ng mga samples at Kung ano ano pa. Ang daming ginawa nila sa katawan ko upang masigurong malinis nga ako, kulang nalang ay katayin nila ako.

"Nagbuntis kaba?"
Tumahip ang kaba bigla sa dibdib ko.

"Paano...mo..naman..nasabi?"
Kinakabahan Kong tanong.

"I saw tiny stretch marks on your lower stomach, although it is normal....or  Are you?"

Expert nga siya,hindi naman kasi ito nakita sa Paulit ulit kong pag papacheck up dati.

"No!"

"Okay."

Inabot ako ng lagpas tanghali sa ginawang check up sa akin. Ang ibang results ay mamaya pa daw malalaman.

Printing nakaupo naman si Jallin doon sa sofa at busy sa kanyang  laptop na nakakandong sa kanya. Siguro doon niya ginawa ang trabaho niya. Tumalima ito ng mapansin niyang lumabas na kami ng silid.

Itiniklop niya agad ang laptop at tumayo.

"So?"

Malanding ngumiti ang doctora at umupo sa kanyang silya.

"So far... she's​ so clean, let's wait for her tests."

Tumango naman si Jallin at kinuha ang inabot sa kanyang folder. Bakit kailangan pa niyang makita yun e sinabi na naman ng doctora​.

Napa iling nalang ako.

"We're going out for lunch, babalikan nalang namin ang results at ang shots." Sabi nito.

"Oh,about the shots. Hindi pa siya pwede kasi naturukan na siya, it's until next month."
Sabi ng doctora.

Dumilim ang kanyang mukha ng lumingon ito sa akin. Hmmp, alam ko Kung ano ang nasa isip niya. Na nakikipagsiping ako sa Kani kaninong lalaki Kaya ako tinuturukan.

I wanna explain pero hindi rin naman siya maniniwala for sure.

Tahimik kaming kumain sa pinaka malapit na restaurant. Ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.

Minsan minsan ay nagtetext kami ni Monique, nangungumusta ako sa lagay ng anak. At ganoon din siya s akin.

Bumalik kaming ospital upang kunin ang results at wala akong nakitang bakas sa kanyang mukha.

Sa pagkakaalam ko ay okay ang mga results ko, wala akong sakit at hindi ako madumi.

"Next month will be your shots schedule, babalik tayo dito." Sabi nito ng nasa kotse na kami.

"Hindi ko na kailangan ang shots na yan, hindi na naman ako nagtatrabaho sa club." Sagot ko ng hindi nakatingin dito.

Napahinto siya sa pag pa andar ng kotse.
"If you don't need it, I need it. I don't like pulling​, and I don't like the idea of you carrying my child. Your not the type of woman whom I wanted to be my child's mother..." Di makatingin niyang sabi.

Parang hiniwa ang puso ko sa sinabi niya, ayaw niya akong magdala ng anak niya. Dahil ba ganito lang ako? Isang stripper? Bakit wala ba akong karapatan maging Ina? Kung ganoon bakit dumating si Angel sa buhay ko?

Ang sakit ng sinabi niya,habang hindi magkanda ugaga akong nagtrabaho para Kay Angel ito ang sasabihin niya. Ang sarap niyang bigwasin, pagkakalmutin,suntukun hanggang sa maibuhos ko lahat ng hinanakit ko sa kanya.

Wala Kang Alam!!!

Kumuyom ang aking kamao, alam Kong blanko ang aking ekspresyon ngunit para akong pinapatay sa loob ko. Kahit kailan hayop ka talaga.

Hinding hindi mo makikilala si Angel, pinapangako ko yan. Hayop ka!









❤6.19.17

Leora The Stripper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon