chapter 28

31.8K 858 17
                                    


"Ang sexy mo na uli Yura,buti nakinig ka doon sa kaibigan mo na magpapayat? Kahit maganda ka parin naman noong tumaba ka mas mataray parin kapag super sexy. Parang walang anak!" Gigil na sabi ni aling Belen na nanilbihan din doon sa amin sa Japan ng ilang buwan. Nanganak din kasi yung anak niya kaya kailangan niyang e assist dahil walang asawa.

"Naku! Maraming salamat po,aling Belen. Ganoon na ba talaga ako kataba mula ng pinanganak ko si Gelo?" Nahiya naman ako, nagmukha yata akong baboy noon. Iniisip ko kasing ina na ako sa dalawang bata kaya hindi na ako dapat pa nagpapaganda dahil priority ko yung mga bata,but Santi pushed​ me, that I can be beautiful even a mother of two. Kaya nag enroll ako sa pole dancing class.

"Naku iha, bumagay naman sayo ang pagiging ina, pero mas may igaganda ka pa talaga Kaya bakit hindi."

Nagtawanan nalang kami.

Nagpakain ako sa looban, hindi ko dinala si Gelo kasi may allergy yun sa alikabok e mausok dito sa looban dahil sa mga sigarilyo at nagtitinda ng inihaw kaya hindi ko na pinilit. Nandoon naman si Santi. Si Angel ay kalaro na ang mga kaibigang naiwan. May ibinigay din siyang mga laruan para dito.

Around lunch ay nagpaalam na kami dahil may kasal pa akong dadaluhan mamyang hapon. Magpapasalon pa ako bago magready.

Malungkot na nagpaalam si Angel sa mga kaibigan. Syempre ngayon niya lang ulit ito nakikita ngunit kailangan din niyang umattend ng rehearsal nila para bukas ng gabi sa concert ni Andrea Bocelli.

Inihatid ko nalang si Angel sa rehearsal studio kung saan sila mag eensayo. Iniwan ko sa kanya ang kanyang yaya at dalawang bodyguards ni Santi at mahigpit na binilin na walang makakapit Kay Angel bukod sa staff doon.

Nagpasalon muna ako bago umuwi sa bahay ni Santi para magbihis. Naabutan ko siyang nilalaro si Gelo sa kanyang rubber pool.

"Hi! Bakit hindi kapa nagready?" Sabi ko sa kanya at lumapit sa kanila.

"Nanay!!" Nagtatalon na si Gelo ng makita ako.

"Hello, baby! Ang sarap ng ligo mo no!" Pinisil ko ang namunula nitong pisgi at humagikhik naman.

"Ikaw lang hinintay ko, akala ko kasi matatagalan ka." Sagot niya. Lumapit ang yaya ni Gelo na may dalang tuwalya.

"Ganoon ba, sige na. Bihis kana, aasikasuhin ko muna si Gelo saka ako magbibihis.

"Okay.." he said saka tumalikod.

"Halika na baby, tama na yan baka sipunin kapa." Kinuha ko ang towel sa yaya nya at binalot sa malambot niyang katawan.

Humagikhik uli ito at humalik sa akin,tuloy nabasa yung pisngi ko.

"Naku, ang sweet talaga ng baby ko." Nilikumus ko nalang ito ng halik sa leeg,ito yung pinakakiliti niya. Pumasok na kami sa bahay at binihisan ko siya saka pinadede, nakatulog naman agad ito siguro napagod sa kaliligo.

Dumeritso na ako sa kwarto upang makapagbihis at magmake up. Forte ko ito, syempre nagtrabaho akong club at kailangan doon ang make up at pananamit.

Within an hour ay kumatok na si Santi sa kwarto ko. Bumukas ang pinto at pumasok ito. He look at me  from head to toe.

"Gorgeous as always." He smiles.

"Yeah, pero kahit kailan hindi mo ako matingnan bilang babae... Ano ka ba Santi!"
Naiinis kung sabi dito. Kung madidiktahan lang ang puso pipilitin kong si Santi nalang sana e ang  kaso lalaki naman yung gusto.

Natatawa itong yumuko. Lumapit ito at hinawakan yung mukha ko ng kanyang malaking kamay.

"Hindi tayo talo." Sinabi niya ng nakatingin sa aking mga mata.

Leora The Stripper [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon