chapter 33

30.3K 814 16
                                    


' I held her, she's in my arms. It is so unexplainable, I never thought being so happy hurt so bad. Para akong batong unti unting nalulusaw. The way she stares at me, nadudurog ako.'    Jallin

_______________________(-)_____________________


Leora

Bumalik sa akin ang alala noon bago pa napaopera  si Angel. I prayed so hard na sana ay hindi ito tulad ng dati. Lahat na yata ng santo tinawag ko na and all I can do is cry.

Kanina pa ako inaalu ni Santi, habang hindi kami pinapasok sa emergency room. Kanina pa din siya nagtatapon ng matatalim na tingin Kay Jallin.

Jallin is just standing near the emergency room's door, pilit na sumisilip kung ano ang nangyayari sa loob. Minsan ay sumusulyap siya sa akin na may pag aalinlangan sa kanyang mga mata. I saw him talk to his phone kanina, hindi ko lang siguro kung sino ang kausap niya pero may pag alala ito habang nagsasalita.

I calm myself, wala namang magagawa ang pag iyak ko kaya inayus ko yung mukha ko at umupo ng tuwid. I know my daughter, she is strong. Marami pa siyang pangarap kaya hindi ito ang hahadlang sa kanya.

"What really is happened, Le?" Seryusong tanong ni Santi. Ngayon pa lang niya ako makakausap ng matino.

"We stuck in the restroom." I lie partly. Na stuck naman talaga kami pero dahil iyun Kay Jallin at hindi kung anong abirya sa restroom, ayoko ko lang ng kumusyon. Knowing Santi, Mahal na mahal niyan si Angel. Siya palage nag e-spoil dito.

Nakita kong tumingin sa aking direksyon si Jallin, alam kong narinig niya ang sinabi ko kaya ito tumingin sa akin, he knows what really happened.

"I'll call the  staff of that center! Hindi sila dapat nagpabaya!" Galit nitong sabi sabay kuha ng kanyang cellphone.

"No! No! no!... Nakalabas na naman kami e, ayaw ko ng kahit anong intindihin, nagpanic lang kami kaya ganoon... Nag alala lang ako Kay Angel, you Know she can't stay in a close space for minutes, nagpanic pa ako."  Alam Kong nagtatahi na ako ng kasinungalingan, pero hindi ko rin alam kung bakit kailangan kong pagtakpan si Jallin, siguro malaking gulo kong ang totoo ang sasabihin ko nasa ospital pa naman kami.

Angel can't stay in a close small space. Nalaman namin ito noong na stucked kami sa elevator sa isang mall, nag shutdown kasi at medyo natagalan sa pagrecover ang kanilang generator. Nanghina at nahirapan si Angel sa paghinga at natatakot. Sabi ng doctor ay may phobia daw ito, siguro ay may kinalaman din ito sa kanyang pagka coma ng mahigit isang buwan at madali din tataas ang kanyang nerbyus. Kaya hanggat kaya namin ay hindi namin ini stress ito at ang kanyang kwarto't banyo ang pinakamalaki sa bahay, hindi rin namin ito nilolock para mas madali siyang makalabas in times of trouble.

"Le, dapat maging alerto sila... And what that man doing here? Bakit siya ang may hawak kay Angel?" Mahina nitong sabi ngunit nakatoon ang mga mata Kay Jallin na ngayon ay sumisilip na naman sa pintuan ng emergency room.

"Siya ang sumira ng pintuan." Sabi ko Ng hindi siya tinitingnan. Last na talaga, hindi nalang ako iimik kung may katanungan pa siya.

And thank God ay hindi na ito nagtanong pa. Bumukas naman ang pinto ng emergency room at lumabas doon ang doctor na sumaklolo Kay Angel. Agad kami lumapit dito, agad namang nagtanong si Jallin.

"How is she?" Halos hawakan na niya ang doctor.

Nabigla naman ang doctor kaya medyo lumayo ito. Tumingin uto sa akin at bahagyang tumango.

"Your daughter is safe... Na stress lang siya kaya nahirapan siyang huminga, may phobia pala ang anak niyo. Pero okay na siya, tumaas lang yung nerbyus niya pero okay na siya. Sinaksakan lang namin siya ng oxygen para makapagrelax at mahabol niya ang kanyang paghinga... You can see her now, but I'll suggest na dito muna siya ng ilang oras pa." Paliwanag ng doctor. Nakahinga din kaming lahat sa sinabi niya. Thank God ay walang masamang nangyari sa kanya.

Nakita Kong pumikit at tumingala si Jallin at parang hinalikan ang kanyang kamao. What's that?

Pumasok agad ako sa sa silid, may mga sinabi pa ang doctor ngunit hinayaan ko si Santi na harapin ito, kabisado naman niya ang history ni Angel.

Angel sleeping peacefully, may oxygen sa kanyang ilong, pantay na rin ang kanyang paghinga at hindi na ito maputla.

"Bagay sa kanya ang kanyang pangalan..."

Napaigtad ako sa boses ni Jallin, sumunod pala ito sa akin. Nilingon ko siya only to see his teary eyes, nanlambot yung tuhod ko'ng tiningnan siyang matamang nakatutok kay Angel. Sinundan ko din ang kanyang tingin.

"She's my Angel..." Mahina kong sabi.

"I'm sorry... I know I don't deserve her but damn, when I knew about her muntik na akong mabaliw. Ang sama sama kong tao."
His shoulder is now shaking, he's crying.

Matagal na niyang alam ang tungkol kay Angel, pero bakit ngayon lang siya?

"Ilang beses ko kayong pinahanap pero ilang beses din akong nabigo. Siguro nga wala akong karapatan sa inyo but God knows how I've been noong nawala ka, Yura. Nawasak yung mundo ko ngunit ikaw pa din ang hinahanap ko." I'm stunned, hindi ko inakala iyung marinig mula sa kanya. Totoo ba ang sinasabi niya? Mukha namang totoo kasi umiiyak siya pero hindi lang talaga ako makapaniwala.

Katahimikan ang pumagitna sa amin sandali.

"Bakit?"

Iyun lamang ang pamabasag ko dahil na o-awkward na ako. Tumingin siya sa kin at parang tumagos iyun patungo sa kaluluwa ko. He really know how to catch me.

"I don't know... When you left me, I lost myself. Kinailangan ko pa ng psychiatrist upang mabalik ako sa katinuan. You took parts of me, I regain my mind but not my heart... You took it for the second time." He heartily said. His eyes were all me.

Second time?

Nagkatinginan​ kami ng para bang kung may bibitaw man ay hindi na muling makakita pa.  Parang piniga yung puso ngunit ang gulo naman ng utak ko. I need time to process all of these. At huli ako ang bumigay, hindi ko kinaya ang bigat ng kanyang mga tingin, na para bang Kay Dani niyang gustong Sabihin ngunit hindi malaman kung ano ang uunahin kaya sa tingin niya dinaan.

Biglang bumukas ang pintuan Kaya napalayo ako sa kanya at lumingon. Santi entered and followed by the old man  who I never seen for quite a while at ang dahilan kung bakit ako nasaktan ni Jallin.

"Le, kilala mo daw siya."






❤8.7.17
Di ko na naedith nagmamadali ako, sorry.hihi

Leora The Stripper [COMPLETED]Where stories live. Discover now