chapter 8

33.4K 869 14
                                    


Hinatid niya ako sa bahay na hindi ako umiimik. Nagbilin ito na susunduin niya ako bukas ng umaga, sa kanya ako titira.

"Starting tomorrow you'll be living at my place. Don't packed any things of yours. We'll buy.

Sobrang ma pride. Tinggan natin kung hanggang kailan yan pride mo Pineda. Hanggang ngayon nag ngingitngit parin ang kalooban ko sa kanya, para na rin niyang deniny si Angel. Abot hanggang langit ang poot ko sayo Jallin.

Agad akong pumunta kay Angel sa ospital. Hindi pumasok si Monique dahil wala daw magbabantay kay Angel. Nagpaalam ako sa kanya na kay Jallin na ako titira simula bukas, dalaw dalawin ko nalang araw araw ang anak ko. Gagawa ako ng alibi kapag bibisita ako.

Plano Kong ipahinto nalang muna si Monique sa kanyang trabaho upang mabantayan si Angel habang wala ako, siguro naman hindi ako magtatagal Kay Jallin. Kung gusto niyang gawing empiyerno ang buhay ko pwes makikipaglaro ako sayo. Hindi man ako eksperto nito, may natutunan din naman​ ako sa pagtatrabaho ko sa club.

Yung iba kong mga kasamahan, binabahay din sila ngunit ilang buwan lang babalik rin sa trabahong iyun. Kaya sige,pagsawaan mo ako tutal yun ka naman kahit noon.

Hindi ako natulog ng gabing iyun,binabantayan ko lang si Angel. Para lang siyang natutulog kung wala ang oxygen na nakasaksak sa kanya. Ang ganda ng anak ko, at napamalas niya na magkaroon ng salbahing ama.

Kung makikilala ka kaya niya? Magbabago Kaya ang tatay mo? Pero sobrang sakit ng ginawa niya anak. Sa sakit noon ay hindi ko matanggap na siya ang tatay mo. Paano nabubuhay ang isang katulad niya? Kasing hayop siya ng tiyahin at tiyuhin ko.

Buti nalang anak at hindi mo siya kamukha. Siguro dahil galit ako sa kanya noong pinagbubuntis kita.

Angel, bantayan mo si nanay ha. Ginagawa ko ito para sayo, dahil gusto ka pang makasama ni nanay ng matagal kaya magpagaling ka anak.

Naghire ako ng private nurse para matutukan talaga si Angel at nang may katuwang si Monique sa pagbabantay sa kanya. Hindi pa kasi ako sigurado kung paano ako makakadalaw sa kanya.

Tanghali ng sunduin ako ni Jallin sa hospital, nagtanong ito kung bakit doon niya ako sinundo ngunit hindi ko na siya sinagot.

Nagpunta kaming mall at binilhan niya ako ng mga damit, bag, sapatos, accessories at make ups. Sanay na sanay yata ito dahil hindi naman ako umiimik sa lahat ng pinagbibili niya. Kadalasan ay ang manager ng mga boutique ang pipili ng mga gamit para sa akin.

"Wala po yata sa mood si ma'am,sir....LQ?"
Feeling close na komento ng isang sales Lady sa isang shoe boutique na pinasukan namin.

Hindi sumagot si Jallin at tiningnan lang ang babae kaya nahiya ito at nagpaalam nalang. Tumingin naman siya sa direksyon ko kaya nagtama ang aming paningin.

"May gusto ka pang bilhin?" Pormal na tanong nito.

"Araw-araw ba akong lalabas? Puro pang gala yang binili mo e." Pormal ko ding sagot sa kanya.

Lahat yata ng matitipuhan niya at babagay naman sa akin ay kinukuha niya. Sa make up naman ay doon na ako pumili baka kasi magmukha akong clown kung iba ang pipili noon sa akin. For years ay natuto akong magmake up ayon sa mga okasyon, minsan kasi ay kinukuha kaming eskort ng mga politiko o mga mayayamang walang mga asawa o di Kaya ay hiwalay.

Minsan na akong nadalo sa isang charity event kasama ang isang politiko, Grand ball ng mga matatandang mayaman, birthday ng malalaking tao at kahit sa isang stag party. But of course, it's only for show malinaw iyun sa aarkila sa amin,hindi kami pwedeng euwi at lalong hindi kami pwedeng bastusin kung ayaw naman namin. At sa lahat ng niarkila sa amin ay ako ang pinakamababa ang rate, kasi hindi talaga ako pumapayag sa sinasabi nilang beyond service. Pagkatapos ng event ay uuwi agad ako, either ihahatid nila ako o kahit ako na mismo ang uuwi kapag nadedehado sa mga manyak na kustomer.

Pumasok kami sa isang department store at pinapapili niya ako ng mga comfy clothes at pantulog. Sa bahay ay hindi ako nag na-nighties pero ngayon ay susubukan ko. Kumaha ako ng ilan nito. Mga Lacy undergarments, at mga pang gym. Mahirap lang kami pero required sa amin trabaho ang mag gym twice a week Kaya nasanay na ako, I'm sure mayaman naman siya kaya may gym yun kung wala e mag eenroll ako kung saan meron.

Nalibang na ako sa pamimili ng mga damit at gamit. Tutal iniisip naman niya na pera lang ang habol ng mga katulad namin sa kanya kaya tutuhanin ko na. Kailangan kong gamitin si Lala kapag siya ang kaharap ko. Ang walanghiyang si Lala.

Nanlaki ang mga mata ko nang ma suma na ito sa counter,laglag panga pa. Hindi ko naman inakala na ang mamahal pala ng mga nakuha ko.

"Paki delivery nalang..."
Yan ang palage niyang sinasabi pagkatapos nitong magbayad at may ibinibigay na card.

Ang yaman.

"Let's go, I'm starving. It's already 3pm at hindi pa tayo kumakain." Sabi nito at hinatak na ako.

Dinala niya ako sa isang Italian restaurant at parang suki yata siya dito dahil kilala siya ng mga staff.

We ate in silence at napansin kong nakatutuk lang siya sa pasta na kinakain. Gutom na talaga siya.

Hindi ako mahilig sa pasta kaya ang tagal kong natapos dahil pinipilit ko pa itong lunukin. Para kasi sa akin ay the best parin ang lutong bahay. Kung restaurant man kami kakain ay Japanese foods ang gusto ko. Paborito namin iyun ng mga magulang ko dati ayun sa naalala ko.

"Don't you like the food?" He asked.

"Oo, hindi ako mahilig sa pasta."
Sagot ko naman.

"Sana sinabi mo."

"Nagtanong ka ba? Hindi naman diba?"

Napahinto ito sa turan ko, bakit inakala mo ba na magiging gentle ako sayo dahil may naibigay kang malaking pera sa akin? Well mali ka.

Let's play fire in hell Mr. Jallin Penida the great!












❤6.24.17

Leora The Stripper [COMPLETED]Where stories live. Discover now