chapter 2

39.6K 1K 18
                                    


Halos hindi ako makahinga sa pagkasakal niya sa akin, sinusubukan kong tanggalin ang kamay niya sa leeg ko dahil kinakapos na talaga ako ng hangin.

Nakita kong nagulat itong makatingin sa mukha ko kaya hindi ito makagalaw. Wala na akong ibang choice kundi ang tirahin ang pinakamasilan niyang pagkalalaki.

"Ugh!" Napaimpit ito sa ginawa ko at nasapo niya ang kanyang kaibigan.

Napahagilap ako ng hangin agad nang nabitawan niya ako,napahawak ako sa aking leeg at naubo ng Paulit ulit.

"Tulong!" Halos pabulong kong sabi dahil wala pa akong mahagilap na boses sa tindi ng pagkasakal niya sa akin. Nang mapansin kung hindi parin ito nakabawi ay tumakas na ako, ngunit nakaioang hakbang pa ako ay nahablot na nito ang buhok ko.

"Where are you going ha? Escaping? You can't run from me,bitch!" May mga din nitong sabi.

Niyapos ako ng takot. This man is huge, at wala akong panama dito. Pinulupot nito ang isang braso sa akin locking my two arms.

"Bitawan mo'ko!" Buong lakas ko itong tinanggal ngunit ni katiting ay hindi ito natibag.

"Nagmamakaawa ka pa sa akin dati na wag kang galawin yun pala ginawa mo ring negosyo ang katawan mo! At talagang pati tatay ko hindi mo pinalampas. Ngayon sino ang baboy sa ating dalawa?" May galit na sabi nito.

Hindi ko napigil ang luha ko, ang alala noon ay parang kahapon lang. Kailanman ay hindi ko ginusto ang trabahong ito, sabi nga nila 'left with no choice' pero hindi ko binibinta ang katawan ko sa mga hudas na mga manyak na yun. Oo, sumasayaw ako pero hanggang doon lang yun at ginagawa ko ito dahil may nanganagilangan ng higit pa sa pangangailangan ko. Kung ako lang sana ay mas gustuhin kong mamulot ng bote sa daan at ibebenta ngunit masyadong mahal ang kailangan ni Angel na kahit sa pagpapakababa ko sa club na yun ay kinakapos parin minsan.

"Wala kang alam!!"

"Meron! Sinira mo ang mga magulang ko!" Mas lalo niyang diniinan ang pagkahawak sa buhok ko.

Physical pain? Wala lang yun sa pinagdadaanan ko na halos mawala na ako sa katinuan kaya kahit bugbugin pa niya ako ngayon ay kakayanin ko yun.

"Matagal ng sira ang relasyon ng mga magulang mo!" Pagtatapang tapangan ko.

"Shut up, slut!"

Slut.

Araw araw kong naririnig iyan pero bakit ang sakit nang siya ang may sabi. Patuloy sa pag agos ang aking mga luha, bakit ang sakit sakit ng puso ko? Sanay na ako sa mga akusasyong ito. Bakit ako lumalambot? Hindi pwede ito,kung Hindi rin naman dahil sa kanya ay hindi ako mapipilitan sa trabahong ito. I must hate him.

"Bitawan mo ako kung ayaw mong magtawag ako ng mga tambay dito."
May din kong sabi.

"Wow,mas matapang kana ngayon? Bakit ano bang ipinangako ng ama ko sayo?huh?" Mas humigpit ang hawak nito sa akin.

"Wala kana don kaya bitawan mo ako."

"E kung ayaw ko huh? Ang mga tulad mong panira ng pamilya ay hindi pinapakinggan." Matigas nitong sabi.

Ayako ng magtagal pa sa kamay ng lalaking ito kaya pumito ako ng buong lakas.

"Anong ginagawa mo?"

Di nagtagal ay may lumabas sa kanikanilang bahay na mga kalalakihan at may dala dalang mga tubo,kahoy at batuta. Yung pagpito ko ay sinyales iyun na may nangangailangan na taga dito sa amin ng tulong kaya expected na may dala silang mga ganoon.

"Lala!" Sigaw ng barakong boses.

"Diego,tulong!" Pagmamakaawa ko dito.
Ito ang pinaka siga dito sa looban at wala itong sinasanto lalo na't dayo.

Skwater nga ang lugar namin pero respetado namin ang bawat isa,walang talo talo at lalong walang dapat maagrabyado.

"Pare, bitawan mo si Lala. Hindi siya katulad ng ibang taga club na mailalabas mo, humanap kana lang ng iba." Sabi ni Diego sa mahinahong pakikiusap, isang beses lang itong ganito sa pangalawang buka ng bibig nito ay iba na ang maririnig mo.

"Nag tawag ka pa talaga ng back up,huh. Bakit anong kapalit nito? Ikakama mo silang lahat?" Bulong nito sa akin.

"Walang kang pakealam kaya bitawan mo na ako kung ayaw mong lumabas ditong lumpo." Matigas kong sabi dito.

Agad lumuwag ang pagkahawak nito sa akin ngunit hindi niya ako binitawan ng tuluyan. "Maybe its your luck this time,but next time I'll make sure you will going fall on my bare hands,helpless." Pagbabanta nito sa akin. Saka pa ako nito binitawan ng tuluyan.

"Pasensya na!" Hinging paumanhin nito sa mga tambay sa amin at umatras na.
Agad naman akong nilapitan ni Diego.

"Oki kana?" Tanong nito sa akin nang makalapit,ang iba ay nagsibalikan na sa kanilang mga bahay.

Hinimas himas ko ang mga marka ng kamay ng anak ni Mr.Pineda,namamaga na ito.

"Okay na ako, maraming salamat Diego."
Saad ko dito.

"Walang problema, kilala mo ba ang gagong yun?"

Umiling agad ako."hindi e."

Tumango lang ito at hinatid na ako sa apartment namin." Salamat uli Diego. "

Tumango lang ito at umalis na. Ang maganda sa lugar na ito ay hindi mapanghusga ang mga tao kahit pa gaano kababang klasi ang trabaho mo ay rerespituhin ka nila. Ibang iba sa mga taong may kaya nga pero kung makapanghusga ay parang alam nila ang mga pinagdadaanan naming mga mahihirap.

I went straight to my room, alam ko kasing tulog mantika na Monique.

At doon natutulog ng mahimbing ang aking anghel.

Lumapit ako dito at inayos ang kumot nito. Buti at umayos na ang lagay nito, sana huwag na itong atakihin.

"Gagawin ko ang lahat para sa iyo Angel hanggang sa gumaling ka, kahit pa ang kumain ng mga insulto mula mga taong mapanghusga."

I kiss her forehead bago ako pumasok sa banyo upang maglinis ng katawan.



❤6.1.17

Leora The Stripper [COMPLETED]Where stories live. Discover now