chapter 19

32.5K 820 11
                                    


Nang umuwi kami ni Tay Bobong ay nagulat ako sa maleta sa aming silid, agad akong bumalik sa baba upang magtanong.

"Nay, bakit may maleta sa kwarto?"
Pambungad ko Kay nay Susing sa kusina na naghahanda ng hapunan.

Nakangiti itong lumingon sa akin.

"Tumawag si sir Jallin na ihanda ko raw yung damit mo at sa kanya ng mga tatlong araw. Babyahe yata kayo iha!" Nakangisi niyang sabi.

"Sa tingin mo nay, sa ibang bansa kaya?" Singit ni Mikay.

"Hindi ko alam." Sagot ni nanay Susing.

Napaigtad ako ng may pumulupot mula sa aking bewang payakap sa aking tiyan. Nakita kong tumalikod ang dalawa at naghagikhikan.

"Hi!" A husky voice and a kiss to my cheeks.

"Hello..." My heart jump so high na parang ang hirap tuloy huminga. Ayokong masanay please, wag ganito Jallin baka mahirapan akong iwan ka.

Pinaharap niya ako at siniil ng halik.
"We're going to tagaytay after dinner." His eyes were sparkling na para bang ang liwanag ko at nag reflect dito.

"Bakit?" Nalilito kong sabi.

"I have clients there and I want to bring you because I won't be around for days at ayaw kitang iwan dito." Sabi niya.

"Baka nakaisturbo lang ako doon."
Gusto ko mang sumama ay naalala ko si Angel, kapag ilang araw kami doon ibig sabihin ilang araw ko din itong hindi makikita.

"Nah, that's fine. We'll enjoy there, I'll make sure of that." Sabi niya at hinigit ako patungo sa aking pwesto sa malaking dining table na nasa kanan niya. Handa na pala ang lamesa.

After dinner ay naligo lang kami at tumuloy na sa biyahe.

"You can sleep, medyo malayo ang biyahe." Sabi niya ng makalayo na kami sa bahay.

"Paano yan wala kang rilyebo?"
Kung mahaba ang biyahe paniguradong aantukin ito lalo pa at gabi na, pinapatulog pa niya ako.

"Okay lang,nandyan ka naman." Nakangiting sabi niya at sumulyap sa akin bago tumutok sa daan.

"Hindi na ako matutulog, baka madisgrasya pa tayo. Lilibangin nalang Kita para hindi ka antukin."

"Really? How?"

Napaisip ako, paano nga ba?
"Ahm, hindi ko alam. Ano bang pwedeng gawin sa biyahe?"

Wala akong maisip e, kung open lang sana kami sa isa't isa ay ikukwento ko sa kanya si Angel pero hindi e.

"Magkwento kana lang." Sabi niya.

"Ano na naman ikukwento ko?"

"Your childhood."

Napatitig ako sa kanya, ayokong ikwento ang mala impiyerno kong buhay dati. Ayokong balikan. Umiwas ako at bumaling sa labas ng bintana.

"Ikaw nalang, hindi maganda yung kabataan ko e." Matabang kong sabi.

Hindi siya nagsalita ngunit ramdam ko ang paninitig niya. Ginagap niya ang kamay ko sa aking hita kaya napatingin ako doon.

May portable pala siyang dala kaya nanood nalang kami doon ng comedy para hindi kami antukin. Nag stop over kami sa isang 24 hour store at bumili ng chichirya at nagpatuloy narin.

Madaling araw na kami ng makarating sa isang hotel sa tagaytay. Hindi ko naaapreciate ang view kasi nga ay madilim pa ngunit ang ganda ng mga ilaw nila.

"Are you sleepy?" Tanong niya habang naghuhubad ng damit matapos niyang ilagay yung gamit namin sa aparador doon.

"Medyo, bakit." Nawala marahil yung antok ko sa ganda ng mga ilaw kanina.

Leora The Stripper [COMPLETED]Where stories live. Discover now