Chapter 43

643 89 10
                                    

(Kelvin Keith Sartre on the side)




Hillary POV

"Sorry na. Hindi naman namin sinasadya eh. Patawarin mo na kami," pakiusap ko sa kausap kong si Steve. Magkasama sila ngayon ni Harley na nakikinig sa usapan namin ng kapatid niya.

"Okay. Susunod kami dyan. Gagamitin namin ang private plane ni Dad," mabuti naman kung ganun. Mas mapapadali ang pagdating nila. Alam kong kailangan sila ngayon ni Dharille.

"Mga ilang oras ba ang byahe galing dyan papunta dito? Please hurry. Dharille needs you," I take a look on Dharille. She's not yet awake. Oh my.

"Mga 12 hours siguro, andyan na kami. Please take care of our Princess," tugon sa akin ni Steve. Halata sa boses niya ang pag-aalala. Kahit ako, nag-aalala rin sa nangyari.

"Tss. Sorry? Paano na lang kung hindi siya nakaligtas sa lason na yun? Walang kwenta! Akala ko ba pina---ASDFGHKSNWUWN," singit ni Harley sa usapan. Alam kong malaki ang kasalanan ko dahil hindi ko nabantayan ng maigi si Dharille. Pero ginawa ko naman ang makakaya ko para protektahan siya ah? Ang sakit naman niyang magsalita, "[...Ano ba! Bakit mo ba tinakpan ang bibig ko? Psh...]," inis na sabi ni Harley kay Steve.

"[...Ang ingay mo kasi. Dun ka na nga! Sabat ka ng sabat, hindi ka naman kinakausap. Dumikit pa ang laway mo sa palad ko. Kadiri...]," rinig kong sabi ni Steve kay Harley.

Galit sa amin ni Drake si Harley. Kahit sobrang cold niyan kay Dharille, alam ko naman na sobra rin siya kung mag-alala. Hindi lang talaga siya showy. Syempre, mahal na mahal nila ang bunso nila.

"[...Hoy! Mabango yan! Kahit amuyin mo pa. Psh...]," sagot naman ni Harley kay Steve. Rinig ko pa rin ang boses niya. Ang lakas kasi eh. I remained silent.

"[...Mund halten!...]," Sigaw ni Steve kay Harley. Hello? Nakalimutan na ata nilang kausap nila ako. Tsk. (Mund halten - Keep your mouth shut)

"[...Fein!...]" Sabi naman ni Harley at nakarinig ako ng kalabog ng pinto. Umalis na siguro, "Ahm, Hillary, are you still there?" Steve asked me. (Fein - Fine)

"Yeah. Pasensya na. About sa nangyari. Hindi na talaga mauulit" Paghingi ko ng paumanhin. Kung nagmadali lang sana kami, hindi sana mangyayari yun kay Dharille.

"Talagang hindi na mauulit kasi kayo ang malalagot sa akin pag nagkataon!" Harley shouted at me. Feeling ko, matatanggal na ang tenga ko sa lakas ng boses niya.

Hindi ko naman siya magawang sisihin kasi tama naman siya. Hayyy. Akala ko nakaalis na siya. Ang sakit sa tenga. Huhuhu.

"[...Dun ka na nga sabi! Ayusin mo na yang mga gamit mo at nang makaalis na tayo! Singit ka pa ng singit, nakakarindi na yang boses mo!...]" aray naman sa ingay ng dalawang to! Sana naman hindi nila nilalapit ang bibig nila sa telepono. Ang sakit sa eardrums. Huhuhu, "Wag mo na lang pansinin yun Hillary. Sige na. Magpahinga ka na. Pakisabi kay Shoti, salamat. Salamat din sayo," pinatay na niya ang tawag. Sinulyapan ko ulit ang natutulog na si Dharille na halos dalawang oras na ang nakakalipas.



Tumayo na ako sa inuupuan ko. Bumaba ako at tumungo sa kitchen para kumuha ng maiinom.

Naabutan ko si Brian na kumakain ng blue berry cheese cake. Napansin niya naman ako at pinaupo sa tabi niya para saluhan siya sa pagkain.

Nilingon niya ako at nagsalita, "How is she?" he asked me while swallowing his food. I stared at his cold and dark eyes before answering.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon