Chapter 39

690 95 11
                                    

 (Drake Kendrick Heather on the side --->>)



I'm here na sa airport para sunduin ang pinsan ko na gwapo. At last! Magkikita na ulit kami pagkatapos ng mahabang panahon. Hahahaha. Ang drama ko naman.

Ilang minuto na rin akong naghihintay sa kanya. Mukhang hindi pa bumababa ang eroplano kaya nagpunta muna ako ng cafeteria para kumain.

Fudge! Ang sakit pa rin ng binti ko. Badtrip ka Dharille! Hays.



Nag-order lang ako ng strawberry cheese cake at isang pineapple juice. Hindi na kasi ako nakapag-breakfast gawa ng ginamot ko muna ang sugat ko kaya wala na akong oras para kumain. Tsss.

Kung alam ko lang na nadelay naman pala ang flight ng pinsan kong gwapo eh di kumain na lang muna sana ako sa bahay.



Tinawagan ko ang maid sa bahay para gisingin si Dharille dahil alam kong tulog pa yun hanggang ngayon.

Ayoko ngang gisingin yun. Baka mamaya eh may lumipad na namang kunai sa kabilang binti ko. Naku! Kawawa naman ako pagnagkataon.

Ang sakit pa rin ng pagkakabaon dito eh. Hanep. Dagdag peklat na naman sa katawan ko. Hanep talagang buhay to.

Kahit naiinis ako sa ginawa niya dahil sinugatan niya ang napakaganda kong binti ay hindi ko pa rin magawang maghiganti sa kanya. Hindi ako pwedeng magalit sa kanya dahil ako ang malilintikan ng mga kapatid niya.

Hayy. Ako kasi ang nagsisilbing guardian niya eh. Ako ang pinagkatiwalaang magbantay sa kanya. At isa yun sa rason kung bakit ako nandito sa Germany.

Guardian nga ako pero mas malakas pa sa akin ang binabantayan ko. Anong klaseng guardian yun? Huhuhuhu. Kailangan ko pa ng mahabang pagsasanay. Shemay. Asan ka ba Steve? Tsk.

Pagkatapos ng tawag ay nakita ko sa di kalayuan si Drake, my handsome cousin kaya umalis na ako sa cafeteria at pinuntahan siya.

Ambagal kong maglakad. Paikang ikang pa ako ngayon. Huhuhu. Hayaan na nga. Bukas naman, siguradong mawawala na ang sakit nito.


"Oh my gosh! Hello sa napakagwapo kong pinsan! Kyaaaaaaaaa! Sobrang namiss kita Drake! Mas gumwapo ka lalo ah! Tsaka ang tangkad mo na pare," bungad ko sa kanya habang yakap yakap ko siya. Syete! Ang tangkad niya talaga. Mas matangkad pa ata to dun sa Kelvin na yun eh. Hihihihihi.

Sigurado na akong magugustuhan siya ni Dharille. Hahahahaha.

"Hey! Stop hugging me. They're staring at us like a psychos," sabay pisil ng ilong ko at ginulo ang buhok ko. Sus. Eto talaga oh. Di pa rin nagbabago. Paniguradong malalaspag na naman ang ilong ko nito hanggang sa makabalik na siya ng Canada. Hmpft.

"Nga pala, anong sadya mo rito pinsan kong gwapo?" nakangiting sabi ko sa kanya. Ang lapad na naman ng ngiti niya oh. Engot

Hinatid ko naman siya sa sasakyan namin para makapagpahinga siya sa bahay. Alam kong hindi naman siya pagod sa byahe kasi sanay na yan. Pero ang balak ko talaga ay ang ipakilala ko agad si Dharille sa kanya. Whahahahaha. I'm so kinikilig talaga! Ayie. Hihihi.

Never pa kasing nagkrus ang landas nila eh. Mailap kasi sa tao si Dharille kaya ganun. Alam niyo naman yun di ba?

"Nothing. Is there something wrong to visit my awesome cousin?" nginitian niya rin ako. Syet! Alam ko ang mga ngiti niyang iyon. Fudge!

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon