Chapter 3

1.4K 186 88
                                    

          What the heck is going on here? Akala ko ba may sakit si Lola, pero wala naman pala. Niloko nila ako! Sinet-up nila ako! Napagkasunduan nila akong ipakasal sa anak ng may-ari ng Autumn Company para mag-merge na ang company nila at company namin.

At anong nangyayari ngayon?

Engagement Party namin ng babae na hindi ko man lang nakilala sa buong buhay ko.

Wala akong magawa. Hindi man lang ako makatanggi. Damn it!

Kanina pa ako tumatawag kay Dayle pero hindi niya ito sinasagot. Paano ko ipapaliwanag to sa kanya?

Ayoko namang ipahiya ang pamilyang kinalakihan ko. Hindi ko pa rin magawang magalit sa kanila. Wala akong karapatan. Bakit? Kasi utang na loob ko sa kanila ang pagkupkop nila sa akin. Binihisan nila ako, pinakain, pinag-aral at binigyan ng magandang buhay.

So anong gagawin ko? Naguguluhan ako. Hindi ko maaaring iwan ang girlfriend ko. Siya ang gusto kong makasama habang buhay. Siya lang.

Pero hindi ko rin kayang balewalain ang kaisa-isang hiling sa akin ng pamilya ko.

Argh! Ang hirap! Hindi ko inaasahan na mangyayari to sa akin. Ayokong saktan ang girlfriend ko. Paano na to?

Who will I choose? My family or my girlfriend?


"Hijo, tapos ka na bang magbihis dyan? Papasok ako ah?" si Mama pala. Nakalock kasi ang pinto kaya hindi makapasok si Mama kanina.

Pagkapasok niya ay agad ko siyang tinanong, "Ma, kailangan ko po bang gawin to? Alam niyo naman pong may girlfriend ako di ba? Ma, please?"

Mama... Please... Ayokong gawin to.

"Sorry Bry, 2 months pa lang naman kayo di ba? Alam kong masakit para sayo tong gagawin mo, pero sana pagbigyan mo ang Lola mo sa desisyon niya. Hijo, naiintindihan ko kung magagalit ka sa amin ng Lola mo. Pero sana mapatawad mo kami balang araw," umiiyak na si Mama. Ang ayoko sa lahat ay ang nakikitang umiiyak ang Mama ko.

Ma, ok lang. Basta para sa inyo, gagawin ko. Bahala na.

"Okay lang po Ma, ako na lang po ang bahalang magpaliwanag kay Dayle."

Baby, sana mapatawad mo ako. Kung may magagawa lang sana ako. Hayy. Ngayon lang kasi humiling ang pamilya ko sa akin e. Ang sama ko naman ata kung hindi ko sila pagbibigyan. I'm so sorry, Dayle.

"Sige na anak, naghihintay na ang mga tao sa labas. Magsisimula na ang Party."





Dayle POV

          I missed him. Isang linggo pa lang na hindi kami magkasama, nahihirapan na ako. Kaya ko pa ba hanggang isang buwan? Pumapasok nga ako pero lagi naman akong nakatayo sa tapat ng pinto ng classroom ko't nakikinig sa leksyon, pero wala namang pumapasok sa utak ko. Wala pa akong makausap. Walang may gustong lumapit sa akin. Ano bang problema sa akin? May mali ba ako? Or I'm just snob lang talaga? Err. Kakain na lang nga ako kesa mamroblema pa ako sa bagay na yan. Tss. Honey ko, uwi ka na please. Namimiss na kita. Kelan ka ba uuwi?

"Myche? Ikaw ba yan?" huh? Sino yun? Myche? Myche daw oh. Tinawag ang magandang pangalan ko.

Hala! Sino yun? Myche? Awww. Ulit ulit? Hahaha.

Hala! Si Bessie lang tumatawag sa akin nun ah?

OMG! Don't tell me...


Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon