Chapter 8

1.1K 147 91
                                    

(Hillary Alexis Smith sa right side)



Charles POV

          Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Naaalala ko na naman si Dayle.

Sa tuwing pumupunta kasi kami dito sa park na ito, lagi kaming nakatingala sa langit. Nakahiga sa banig at nagbibilang ng mga bituin habang yakap ko siya. Magkahawak ang kanang kamay ko at kaliwang kamay niya. Ang saya saya pa namin.

Ngayon kaya, mauulit pa kaya ang masasayang kahapon?

"Alas sais na oh. Wala ka pa bang balak umuwi?" she asked me while picking up the stones.

Kasama ko nga pala siya ngayon. Si Hillary Alexis. Actually, bumuntot lang naman to sa akin eh. Wala daw kasi siyang makausap. Tch.

"Wala. Later," I replied as cold as an ice.

"Oh. I'm sorry. Kanina ko pa napapansin na parang ayaw mong makasama ako eh. Sorry," napansin rin pala niya yun. Psh. Sorry na lang sa kanya. Namimiss ko na ang girlfriend ko eh.

"Wag mong isipin yun," ginulo ko na lang ang buhok niya then slowly brushed it.

"Hayyy. Pwede na ba tayong umuwi? May pupuntahan pa tayo di ba?" ba't kasi sumama-sama pa to eh. Nagmomoment ako dito eh. Asar.

"Ayokong pumunta dun," yeah. Wala akong balak magpakita sa family reunion na yan. Masasaktan lang ako.

"Why?" she asked while leaning on my shoulders.

"I'm tired. Wala naman tayong gagawin dun kung hindi kumain eh," buti pa ang iba, walang ganitong sitwasyon na katulad sa akin.

"Yeah, right. I'm hungry. Tara na please. Pretty please.*puppy eyes*"

Tss. Sige na nga. Kairita naman tong babaeng to. Bakit kaya hindi ko siya matanggihan?

"Okay. Fine. Let's go home."


Nagsimula na kaming maglakad papunta sa bahay. Malapit lang naman kasi dito ang park. Mga 100 meters away. Tiningnan ko siya kasi bigla na lang siyang tumahimik. Ano kaya ang nasa isip niya?

Nang makarating na kami ng bahay, pumasok na siya sa kwarto niya pati na rin ako sa aking kwarto, para magbihis sa gaganaping Family Reunion mamayang alas otso. Sa pagkakaalam ko ay mamemeet namin ang kapatid ng Mommy ko. Nagulat nga ako na may kapatid siya eh. Wala siyang binanggit sa akin na may kapatid pa pala siya. Akala ko only child lang siya. Tas yun pala...

May biglang kumatok ng pinto sa kalagitnaan ng pag-iisip ko.

"Brian, are you done?" speaking of.

"Not yet, Ma. 5 minutes," sinuot ko na ang polo ko. Malapit na akong matapos.

"Faster. Malelate na tayo. Bakit kasi ngayon lang kayo umuwi? Kanina pa ako tawag ng tawag sa inyo pero di kayo sumasagot," tapos sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Okay na. Gwapo ko talaga.

"Sorry po. Naiwan ko po ata sa kotse kanina."

"Okay. Bilisan mo na diyan. Para kang babae. Ang tagal tagal mong mag-ayos!" tsss. Bakit? Ako lang ba ang lalaking matagal magbihis? Masama bang mag-ayos ng sarili para maging presentable naman mamaya? tch. Nanay ko talaga.

Okay. Done. Makalabas na nga. Psh.

"Brian..."

"Bakit po? Ma, are you alright? Namumutla ka yata. May masakit ba sayo?" umiling lang si Mama, "Sigurado po kayo?"

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon