Chapter 24

799 109 10
                                    

(Patricia Lewis Canterbury sa right side)



                        "Good Morning, Guys. Wake up!" wow! First time kong magising nang hindi inaabala ng alarm clock o ng kung sinong tao. Achievement? Yeah! Oops... Akala ko naman may tao pa dito, yun pala ako lang mag-isa. Psh.

Ang aga ko palang nagising ngayon. Bakit? Napanaginipan ko lang naman si Bryce. Si Bryce naman ngayon? Ang tagal na panahon na ang nakalipas pero siya pa rin talaga ang mahal ko. Ewan ko ba kung bakit ganito ako. Hindi agad makamove on. Tae. Ang lungkot naman ng panaginip ko.

Ganito kasi yun...

Story telling na naman? Eh ano naman ngayon? Wala kayong paki! Ako ang bida sa istoryang to eh.


Magkasama daw kami nun ni Kevie and Bryce papuntang Mall. Mga gabi na yun kasi madilim na ang kalangitan. Naglakad lang nga kami nun. Ang tahimik ng paligid. Mukhang kami lang ang tao sa labas eh.

Pagpasok namin sa mall, kinikilig sa amin ni Bryce ang guard! Kasi naman eh! Nakapulupot daw ako kay Bryce tapos hinahug ko siya tapos kinikiss sa cheeks.

Eh ano ngayon? Boyfriend ko naman siya di ba?

Boyfriend ko pa nga ba siya sa panaginip ko?

O ex-boyfriend na rin katulad ngayon?

Grabe lang! Psh.

Tapos daw, nasense ko na iniiwasan niya ako kaya umalis ako nun sa mall. Tumakbo ako at kusang nagsilabasan ang mga luha ko.

Bakit ganun? Ang cold cold niya sa akin. Do I deserve that kind of treatment? Iniiwasan niya pa ako. Mukhang hindi na niya ako mahal.

Hinabol naman ako ni Kevie. Akmang tatawid ako nun sa kalsada nang nabangga ako ng isang kotse. Gumulong-gulong ako sa road tapos inalalayan akong tumayo ni Kevie. Iyak pa rin ako ng iyak nun.

Tumakbo ako pabalik ng mall para puntahan si Bryce ngunit wala na siya duon pagbalik ko. Iyak ulit ako ng iyak kay Kevie. Pinapatahan naman niya ako.

Tapos sabi niya sa akin, "Okay lang yan. Mas mabuti ngang nailabas mo na yang mga luha mo eh."

End of story.



Hayyyy. Hanggang sa panaginip ba naman iniwan pa rin niya ako?

Biglang may nagbukas ng pinto. Aw. Si Maurice pala. At may dala pa siyang pagkain. Sakto. Gutom na ako.

"Oh? Bakit para ka namang nalugi dyan sa itsura mo, Myche?" Maurice asked me. Tsk. Myche again.

Umupo siya malapit sa kamang hinihigaan ko at may nginunguyang sitsirya at iniinom na juice habang sinusuklay ang buhok niya ng kanyang kanang kamay. Ang haba nun ah. Humahabol tuloy ako ng hininga sa utak ko.

"Ha? Ah. Eh. W-wala naman," I lied. And keep on shaking my head.

"Sus! Sa akin ka pa talaga magsisinungaling," I sighed. Talo na naman ako. Psh. So ayun na nga... Kinuwento ko na lang sa kanya ang panaginip ko.

At ang reaksyon niya?

"Eh ano ngayon? Ganun naman talaga yun eh. Napapanaginipan mo ang isang tao kasi nasa memory mo siya. Parang ako. Napapanaginipan ko pa rin yung ex ko. Dahil lang sa may memories pa rin naman kaming dalawa kahit papaano. Bakit? Ano bang gusto mo? Balikan ka niya?"

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon