Chapter 18

880 115 10
                                    


(Harley Clarence Kliesen on the picture)



                 After that night, wala na akong ibang ginawa kundi kumain, matulog, manuod ng tv, magbabad sa computer. What a boring life! Gustuhin ko mang lumabas eh busy naman ang barkada. Nakakainggit nga sila eh. Buti pa sila may love life. Tse! Dati rati kami ang tinutukso at kinakikiligan.

Yes naman! Bago kasi mag-Christmas eh may mga GF and BF na sila! Ang iba naman may ka-MU lang. Ayaw daw kasi nila maging SMP. Pagsasapakin ko sila dyan eh. Mga baliw!

Hay buhay. Pwede na bang pang MMK ang life ko? Nakakaewan talaga oh.

May pasok na nga pala bukas. Nakakatamad pa eh. Bakit ba ang bilis-bilis ng araw kapag malungkot ka? Oh well. Baka andito na nga yun sa Philippines eh. Oh! Wag nang magtanong kung sino. Alam kong alam niyo na kung sino ang tinutukoy ko.

Napansin ko na lang ang sarili ko na type ng type ng kung anu-ano sa notepad. Hala! May sariling utak na oh! Di ko na macontrol! Lumilipad na naman kasi ang isip ko papuntang Pacific Ocean. Charot lang!

Pano ba yan. Ang sakit na ng mata kong namumugto. Iyak ako ng iyak habang nagtatype nito...



Wala naman kasing perpektong buhay eh. Kung masaya ka ngayon, expect mo nang may darating na problema sa buhay mo. Ganyan naman talaga di ba? Once na masaya ka, kinabukasan malungkot ka, pag malungkot ka naman, kinabukasan masaya ka.

That's life! Nakapa epic! Kaya nga 'Life Is So Unfair' ika nga nila. At dahil sa malungkot ako kaya ko naisulat to, for sure! Bukas, luluhod ang mga tala. Este, sasaya ako! Yehey! Problema? Tinatawanan lang yan! Ahahahaha.

O tama na. mukha na akong tanga. Right! Tanga nga naman talaga ako. Naging tanga ako simula nung minahal ko ang taong may pusong bato.

"MY EX? WE'RE NOT FRIENDS. WE'RE NOT ENEMIES. WE'RE JUST STRANGERS WITH SOME MEMORIES."

Yan ang katagang pinanghahawakan ko ngayon. We're just strangers.

Ang sama! Nakakayamot. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko di ba? Kesa mag-iiiyak ako dito, why not kalimutan ko na lang siya di ba?

Sus! Sabi nga nila, ang bata ko pa raw para ma-stress ng ganito, tsaka ang dami pa raw dyang iba. Yung hindi ka papaasahin sa wala.

Yung syempre hindi ka idedeny no! Yung maalaga, mabait, okay lang kung hindi gwapo, basta kaya kang mahalin ng totoo.

Yung tipong ikaw pa ang First Priority niya. Saya nun! Haha.

Well, alam ko namang bihira na ang may ganyang katauhan sa ngayon. Yung tipong pang wattpad characters na. Hayyy! Ang sarap ma-inlove pero madalas, kesa happy inlove ka eh broken hearted ka. Gaya ko! Charot! Haha.

Kasi kasi kasi. Wag na kayong mainlove no! Para di niyo nararanasan ang nararanasan ko ngayon. Masakit eh. Masyadong masakit talaga. Para na akong pinapatay sa sakit. Mas mabuti pa ngang mamatay na kesa maramdaman to.

Ang hirap! Ang hirap mainlove sa'yo! Alam mo ba yun? Hindi di ba?

Akala mo kasi ikaw palagi ang tama. Ikaw ang laging nasusunod eh.

Ako? Ano? Ni minsan pinakinggan mo ba ako? Ang sayo, sayo! Di ka marunong makinig. Hayyy.

Ni minsan tinanong mo ba ako kung nahihirapan ba ako o kung nasasaktan ba ako? Ni minsan hindi mo yun nagawa. Kasi ano? Sarili mo lang ang iniintindi mo. Kumbaga Past Time mo lang ako. Tama ba? Alam mo ba kung anong naging epekto nun sa akin? Tss!

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon