Chapter 2

1.7K 198 95
                                    

(Charles Brian Ty sa right side ^____^V)

          Pagdating ko ng bahay namin, nakita ko ulit ang babaeng naghihintay sa akin kaninang alas syete sa gate namin. Andito pa pala sila. Nasa loob siya ng kotse niya pero kitang kita pa rin siya sa labas dahil hindi tinted ang kotse niya.

Bumaba siya nang makita niya ako sa gate namin. Pinapasok ko naman siya sa loob ng bahay namin. Nakakahiya naman kasi eh. Hindi ko nga pala siya napapasok kanina. Late na kasi ako eh. Ayan tuloy... Naghintay siya sa loob ng kotse niya. Nakakahiya ka Dayle! Saang basurahan mo ba tinapon ang manners mo?

"Good morning, Miss Dayle," she smiled at me.

Sabing si Charles lang ang pwedeng tumawag ng Dayle sa akin eh. Hays. Hayaan na nga. Galit naman ako kay Charles eh. Hmp.

"Good morning din po. Dayle na lang po. Masyado naman po kayong formal. Hehe," sabi ko naman sa kanya at pinaupo siya sa sofa namin. Sinabihan ko na rin ang maid namin na ipagtimpla kami ng juice at bigyan kami ng makakain.

"I'm Michelle Lim. Just call me Tita Mich. Narito nga pala ako para magtanong sayo ng ilang bagay," pagpapakilala niya sa akin.

Oh? What a coincidence! Tss. Ano naman kaya ang itatanong niya sa akin at talagang kailangang may bitbit na body guards? Mayaman din siguro ito. Kasing yaman namin? O mas mayaman pa siguro sa amin. Ay wala akong paki.

"Magkapareho po pala tayo ng pangalan. Myche din po kasi ang second name ko. Hehe. Uhm, tungkol po saan ang sasabihin niyo? Kanina pa po kasi ako nababagabag eh."

Ang ganda talaga niya. Kanina pa ako natutulala sa ganda niya. Mukha siyang model. Hehe. Dumating naman ang juice na dala ng katulong namin.

"Kung hindi mo naitatanong, ako ang nagbigay ng pangalawang pangalan mo. By the way, asan ba ang mga magulang mo? May nakapagsabi kasi sa amin na matagal na daw kayong inabandona," naibuga ko ang juice na iniinom ko.

What? Kami? Inabandona? Nagpapatawa ba siya? Pwes! Hindi yun nakakatawa!

"No! That's not true. Nasa Korea sila ngayon para asikasuhin ang family business namin. Umuuwi naman sila dito paminsan-minsan. Sino naman po ang nagsabi sainyo na inabandona na kami ng parents namin? Ang sama naman nun."

Hindi man namin sila nakakasama lagi, hindi ibig sabihin nun na inabandona na kami. Hala. Ang layo naman ng description niya ah. Nakatakas ba to sa mental? Sayang. Ang ganda pa naman niya.

"Just kidding. Hahahaha. Masyado ka namang seryoso. Ilan ba kayong magkakapatid?" taeng bwiset to. Kung hindi lang siya matanda, nasapak ko na ang mukha nito eh. Tsk. Tama bang paglaruan ang feelings ko? Ay. Ang deep naman masyado.

"Tatlo po. Dalawang lalaki at only girl po ako," magalang na sagot ko.

Kalma lang Dayle. Kalma lang.

"I thought apat kayo? Hmmm," sige lang! Magbiro ka pa. Nakakairita na. Tss.

"Ano po ba yang pinagsasasabi niyo? Diretsuhin niyo na lang po ako," inis na sambit ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa natapong juice sa sahig na pinupunasan ng maid namin. Ipadila ko sa kanya yan eh. Bwiset.

"Hija, Matalik akong kaibigan ng mga magulang mo. Actually we're Bestfriends way back in highschool. Andito ako ngayon para sabihin sayo ang totoo," at sa tingin niya maniniwala pa ako sa kanya sa kabila ng pinaggagagawa niya sa akin kanina? Asa!

"Ano po yun?" kunwari gusto kong malaman pero wala akong balak alamin yung sasabihin niya talaga. Gusto ko lang na matapos na to at umalis na siya sa pamamahay ko. Psh.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon