Chapter 56

138 29 0
                                    


Kelvin POV

Pagkarating namin sa lugar na pinagtaguan kay Dayle ay nangilabot kami sa naabutan namin. Nagkalat ang mga putol na katawan sa sahig at naglalansahang amoy ng dugo sa bawat hallway na dinaraanan namin. Sinong baliw ang gagawa nito?

"They're not here," ang sabi sa akin ni Shadow Knight pagkalabas niya ng kwartong pinasukan niya. Ang leader ng Razor Leaf. Tss. Ano nga ulit ang pangalan nito?

Asan na ba sila? Kanina pa kami paikot-ikot dito sa bar na to. Hindi na rin kasi namin macontact si Vince pagkatapos niyang sabihin na pumalpak sila sa misyon. Buti na lang at kinontak kami nito. Akala ko magyayaya na naman ng match. Wew.

Teka, paano nga pala ito nasangkot dito?

"Shadow Knight!" tawag ko sa kanya na hindi mapakali sa kinatatayuan niya. Ilang metro na rin kasi ang layo niya sa akin.

Lumingon siya para sagutin ang tawag ko, "What?" iritang tanong niya sa akin. Ano naman tong taong to. Ang ikli ng pasensya.

"Wala!" sagot ko. Nakabusangot na naman ang mukha niya. Mas lalo siyang pumapangit. Buti na lang, gwapo ako.

"Tss," sabi niya sabay pasok dun sa isang kwarto ng bar na to.

Nasa ikaapat na nga pala kami ng palapag kaya medyo walang tao. Ay meron naman pala. Mga patay nga lang.

"O ano? Nakita niyo na ba sila?" tanong ko sa kakarating lang na si Lance.

"Wala Keith. Nacheck ko na rin ang buong 5th floor pero wala talaga ang anino nila," sagot niya sa akin. Asan na ba kasi sila? Aish!

"O, andyan na pala kayo," napatingin ako sa paparating na sina Karl Gerdine Farris, Jerome Henrick Holzer at Miru Stefan Levin. Wala, trip ko lang silang tawagin sa buong pangalan nila. Pakialam mo?

"Nakita niyo na ba sila? Galing kami sa 7th floor pero wala sila," bungad sa akin ni Miru. Umiling lang ako bilang sagot.

"Nacheck na namin ang ground to 4th floor. Si Lance naman sa 5th floor. At nacheck niyo na rin ang 7th floor so ang 6th at rooftop na lang ang natitira. Marahil ay nandun sila sa lugar na yun. Miru, Jerome and Karl, icheck niyo ang 6th floor at kami naman nina Lance and Shadow Knight sa rooftop," sabi ko saka kami nagtungo sa kanya kanya naming paroroonan.



Pagkarating namin sa rooftop ay wala kaming nakitang Dayle at mga kaibigan niya. Hindi kaya't nasa 6th floor?

"Wala sa 6th floor, Keith!" sinagot ni Lance ang tinatanong ko sa isip ko. Eh asan sila kung wala sila dito?

"Ano ba yan! Nahuli tayo sa paglusob. Tss. Ang tagal niyo kasing dumating," naiiritang reklamo ni Shadow Knight. Hinabaan ko pa ang pasensya ko. Ayokong sabayan ang init ng ulo niya. Susuntukin sana siya ni Jerome nang pigilan siya ni Miru. Wew.

"Tara na. Umalis na tayo dito," sabi ko sabay talikod sa kanila, "Let's check if there's something suspicious."

"How about a basement? Something like that. Is there a basement here?" napatingin ako sa gawi ni Karl. Baka nga meron. Sumenyas ako sa kanila saka kami bumaba para hanapin ang basement kung meron man.



"Keith, tingnan mo to," isa-isa kaming lumapit sa painting na tinuro ni Jerome.

"It's weird," sabi ni Miru.

"Yeah, right," sabi naman ni Shadow Knight.

Pinagmasdan ko ng mabuti ang painting. Parang may nag-uudyok sa akin na hawakan ito kaya hinawakan ko nang biglang bumuka ang kalahati ng painting na yun.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon