Chapter 64

83 6 7
                                    


(Shannie Maxine Kinsley on the picture)


Patricia POV

"21 miscalls and 238 messages. Wow. Hindi mo naman ako masyadong namiss no? Para namang hindi tayo nagkita the other day," tanong ko sa kanya sabay tapon ng sling bag ko sa likod ng inuupuan ko sa loob ng kotse ni Miru.

Yup! Magkasama kami ngayon. I think I need to unwind. Masyadong magulo ang brain cells ko. Nakaka-stress sa beauty ko. Pero teka, saan nga ba kami pupunta?

"Shut up, Babe. Alam kong namiss mo rin ako kaya matulog ka muna dyan at busy akong magmaneho, okay?" tinapik-tapik ko siya kaya gumewang-gewang ang sasakyan namin. Mabuti na lang at wala kaming kasalubong. Ang lakas na naman kasi ng hanging dala niya.

Nakakatuwa siyang panuoring nagtitimpi. Yung parang gusto na niyang magalit at murahin ako. Hahaha. He's cute.

"Magalit ka kung gusto mo. Wag mong pigilan ang sarili mo. Mababaliw ka nyan," sabi ko. Lumingon ako sa kanan para tingnan ang nadadaanan naming mga punong-kahoy.

"Look who's talking," sabi niya na nakapagpabalik ng tingin ko sa kanya.

"What do you mean?"

"Kitang-kita naman sa mga mata mong may mabigat kang problema eh. Ba't di natin pag-usapan yan?" napatingin ako sa salamin pero agad ko namang ibinaling ang tingin sa daan.

"Wala akong problema. Ano bang pinagsasasabi mo dyan ha?" narinig kong tumawa siya ng mahina. Ganun ba ako ka-obvious?

"You don't trust me. I know," malungkot na sabi niya.

I trust you, Miru. Pero kaibigan mo rin sila. I'm sorry.

"Hindi naman sa ganun, Miru," I sighed. Malungkot pa rin ang mukha niya. What should I do? "I'll tell you soon. Okay? Not now," I added.

"Alright then. So tell me. What's with the smoke bombs?" damn. I'm so fucked up! Paano niya nalaman yun?

"Aba't nangingialam ka na rin ng bag ko ngayon ha!? Teka! Saan ba tayo pupunta? I'm so tired so let's go somewhere na makakapagrelax ako," pag-iiba ko ng topic.

"Sure. No problem, Babe," nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa.





Shylene POV

"Baba na," nagising ako sa tapik niya. Nakatulog pala ako. Teka? Anong ginagawa namin dito?

"I'm h-hella scared. A-are you serious? Dito talaga tayo?" damn. Ikaw ba naman ang dalhin sa sementeryo kung hindi ka matakot.

Binuksan niya ang pinto kung saan ako nakaupo. Ugh. Wala na ata akong magagawa kun di ang bumaba kahit na nakakatakot ang lugar na to.

Nakahawak ako sa balikat niya habang naglalakad kaming dalawa. Ang tahimik ng lugar. Ni wala ka ngang makitang naninirahan dito e.

Kung sabagay, sino naman ang titira sa ganitong lugar? Baka nga pinamumugaran na ito ng mga multo. Di ba? Mabuti na lang at full moon ngayon, kahit walang flash light, ay kitang-kita mo naman ang buong lugar.



"We're here," finally. Nakarating din kami dito ng buhay.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon