Chapter 32

742 100 8
                                    

(Harley Clarence Kliesen on the side)




"Hey pretty girl. Time to wake up!" sigaw ni Kelvin na pinupukpok pa ang pinto para magising ang diwa ko. Nagtagumpay naman siya kaya napabangon na rin ako sa higaan.

Nagkatitigan kaming dalawa habang naglalakad ako papuntang pinto. I gave him a death glare while he did smirked at me.

Nilagpasan ko siya at iniwan dun na nakatanga. Sanhi ng pagtawa niya ng palihim kaya napalingon tuloy ako. He mouthed 'crazy' then I rolled my eyes on him. Tapos umalis na ako.


Dire-diretso lang ako sa mesa sabay higit sa upuan at umupo. Umupo naman siya sa harapan ko at kumuha ng kanin. Tumingin siya sa akin at iniabot niya ito pero hindi ko iyon kinuha kaya naman ibinalik na lang niya iyon sa mesa. Pffft. Hahahahaha. Hindi ko siya pinapansin. Kunwari galit ako.

Uhh. Akala niya nakalimutan ko na ang nangyari kanina? Tss. Nakita na pala niya tapos hindi man lang siya nagsabi sa akin! Kung siya kaya ang nasa kalagayan ko? Badtrip!


Kaya humanda ka ngayon Kelvin Keith!


Walang pansinan ngayon. Psh.



Kinuha ko ang pitcher at nilagyan ang baso ko ng orange juice. Kinuha ko na ang kanin at naglagay na rin ng ulam sa plato ko. Oh well. Magpapakabusog na lang ako. Mukhang masarap naman tong pagkaing inihanda niya eh. Oops. Erase. Erase.

Talagang masarap siyang magluto. Kung hindi lang talaga nangyari yung ano... Yung argh! Yung kanina... Siguro naubos ko yung pagkain ko. Psh. Kaya babawi ako ngayon.

Iginala ko ang mga mata ko. Ui! Fish Fillet. Favorite to ni Dharon ah! Aw. Sige. Share lang. Hmmm.

Kumuha ako nun at idinagdag sa ulam ko. Sige na. Ako na ang matakaw. Psh. Mukhang masarap naman eh. Matikman nga...


Ang sarap!


Syet! Napangiti tuloy ako ng di oras. The Best talaga siyang magluto. Pwede nang mag-asawa! Ang swerte naman ng magiging wife niya. Marunong siyang mag-asikaso sa pamamahay eh.

Oops. Ano ba tong pinagsasasabi ko.

Hanggang sa naubos ko na yun at kumuha ulit.

Wow! Magaling talaga siyang magluto. Nakakahiya naman sa course ko. My Ghad! Ay oo nga pala! May sarili nga pala siyang resto.

Nasabi ko na ba yun o hindi pa? Well, kung oo. Edi okay. Kung hindi pa, o ngayon alam niyo na. Haha.


"Wag mo namang ipahalata na nasarapan ka sa luto ko. Mukha kang baliw dyan na ngumingiti mag-isa," nakangiti niyang sabi. Ang dating mukha ko naman na nakangiti ay nawala. Inirapan ko na lang siya. Nakita niya pa talaga yun. Tsk.

So it means...



Nakatingin rin siya sa akin habang kumakain.


Ganda ko talaga!


"Hmp. Yabang!" I replied. He grinned, an amused expression was visible on his face. Mukha siyang tanga.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon