29. Let it go, let it go

203K 4.4K 1.3K
                                    

"Where is he? Do you know where he is now? Yto say something?!"

I turned my back when I realized that Ate Yza was on the phone with Kuya Yto and they were talking about Yllak – sino pa nga ba? Wala namang ibang nawawala sa mga Consunji kundi siya lang. Ayon sa naririnig ko, halos tatlong araw na nilang hindi mahanap si Yllak. Nanay Sheena is really worried – wala daw ginawa si Nanay kundi ang umiyak, habang si Tatay at ang mga kapatid nila ay walang ginawa kundi ang hanapin si Yllak.

I sighed. Gusto ko mang hanapin siya, hindi ko magawa. Hindi ko siya kayang makita. Matapos ang lahat ng nangyari sa amin nang gabing iyon ay hindi ko na skiya kayang harapin.

Ang sakit. Ang sakit malaman na incest pala talaga kami. Oo nga at pwede sa lipunan ang second cousins but still – the morality of the family is at stake. Nang gabing iyon ay bigla kong naintindihan ang lahat ng gusting ipaglaban ni Tatay Sancho noon. Hindi nga niya ipapakulong si Kuya Hector, hindi nga niya sasaktan si Ate Yza at ang mga bata pero hindi rin naman niya masabi ang katotohanan sa akin. I now know the reason why he wanted me to stay away.

Nanay told me everything. Ang tunay kong ama ay pinsan niya. Hindi niya alam iyon noong una but having the power and the resources – she got my biological parents' background and that was when she found out that my real father is indeed her cousin. Iyon ang isa sa mga rason kung bakit niya ako inalagaan at minahal. I could still remember her face while she was telling me things.

"I have loved you the first time I'd laid eyes on you, Yna." She touched my face. "When Sancho took you in that night and out you in my arms – I know that you are the daughter we have been praying to have again. Mahal ka namin, bonus na lang na nalaman kong kadugo kita." Niyakap niya ako.

Ayokong maniwala sa mga naririnig ko. Pinakatitigan ko si Nanay noong gabing iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya makatingin sa mga mata ko. Sa tuwing susubukan ko ay pumipikit siya at luluha. Yayakapin ako at aaluin na parang batang inagawan ng candy.

I went home that night with a broken heart and a shattered dream. I didn't sleep for days. All I wanted was to be left alone but having Helios Demitri as a brother and Yza Consunji as a future sister-in-law – being alone isn't really possible. They never left my side. At bilang ganti – sinusubukan kong maging masaya para sa kanila.

Like what I have told Yllak – I am a great actress. I acted as if I was fine and normal but deep inside – I could feel the cut and it is pretty deep. I wanted to cry – hinihiling ko n asana maubos na ang luha ko sa kakaiyak dahil ang kaisa-isang lalaking pinag-alayan ko ng lahat ay hindi ko pwedeng makasama.

"Leigh?" Tinawag ako ni Ate pero hindi ako huminto. I went upstairs. Nasalubong ko si Kath. Namumugto na naman ang mga mata niya. Nitong mga nakaraang araw ay palagi na lang siyang umiiyak and I adored her more for being nice to Ate Yza kahit na may nararamdaman siya para kay Kuya. She smiled at me. Nilagpasan ko lang siya. Nang makapasok ako sa silid ay naupo ako sa aking kama. I closed my eyes – tulad ng dati ay inaalala ko ang mga nangayri sa Greece noon – ang mga bagay na ginawa namin ni Yllak nang magkasama – noong hindi pa komplikado ang lahat. My tears fell again.

I missed him so much. Bigla akong napabangon. I wanted to take my mind off him. Naisip kong magbasa ng libro. I walked around my room looking for a book. May nakita ako sa ilalim ng table ko. Hinatak ko iyon. Lumang-luma na ang libro – high school pa yata ako nito. Binuksan ko iyon tapos ay muling isinara. Naglakad ako pabalik sa kama ko nang mapansin kong may nahulog na kung ano mula sa librong iyon. I looked back and I saw two red hearts.

Natatandaan ko iyon. Yumuko ako para pulutin ang mga pusong nalaglag sa libro ko. I bit my lower lip. I sat on the bed holding the red hearts on my hands.

Until you are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon