22. All tied up

194K 3.9K 496
                                    

Three months later

"You are looking more like ... Helios Demitri."

Nakangisi lang sa akin si Kuya Hector habang nakatingin siya sa salamin at inaayos ang necktie niya. I know the reason why he's dressing up again like his old self at sa totoo lang natatakot ako sa rason na iyon. Ayokong isipin na iiwan na naman niya ako sa oras na magkagulo na naman sila ni Yza Consunji. Two weeks ago, he found out about his kids – Hyron and Hyan – the twins that turned out to be his children. Ngayon ko lang nakita na naging masaya na ulit si Kuya. Kahit na nakangiti siya palagi noon, kahit na sinasabi niya na masaya siya dahil sa paglaya niya alam kong kulang iyon dahil hindi niya kasama ang babaeng mahal niya. No matter how cheesy it is – I know that he's in love with Yza. Isang bagay na hindi ko maintindihan. How can he stay in love with the person who was also the reason of his misery? Malungkot si Kuya Hector dahil gusto niyang makasama si Yza at ang mga anak niya but Yza's married to another Hector so that makes Kuya an intruder.

"Thanks, kiddo." Ngumisi na naman siya sa akin. Nagpaalam siyang umalis. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, hindi ko na rin naman tinanong kasi unconsciously, alam ko naman kung saan talaga siya pupunta. Madalas kong marinig sa mga body guards niya na nagpupunta siya sa condominium building ni Yza at magtatagal doon. He's like a stalker. I sighed.

"Wala tayong magagawa, mahal niya iyon. Lalo na ngayon na may mga batang involved." Napatingin ako kay Kath. Hindi ko napansin na nakatayo na pala siya sa hamba ng pinto sa labas ng silid ni Kuya Hector. She was smiling. Her eyes were a bit teary. Pumasok siya at isa-isa niyang pinulot ang mga gamit ni Kuya Hector. Inayos din niya ang kama nito. Nakatitig lang ako habang ginagawa niya iyon. I had always wanted to ask her this one question in mind. Natatakot at nahihiya lang akong itanong ang bagay na iyon pero I think that now is the time to ask her the question. I smiled.

"Are you in love with Kuya?" Biglaang tanong ko. Nanlaki ang mga mata ni Kath habang nakatitig sa akin. Her cheeks turned red. "Oh my god! You are in love with him – the reason – the only reason why you stayed with him is because you are indeed in love with him! And he doesn't know! Oh my god!"

"Leighton!" Sigaw niya sa akin. Natawa ako. I can't believe that she's indeed in love with Kuya. Kaya pala ganoon na lang ang mga ginagawa niya para kay Kuya Hector...

We all do crazy things when we're in love... Napabuntong hininga ako. Bigla kong naalala si Yllak. Wala na akong balita sa kanya. Three months ko na siyang hindi nakikita – ni ha o ho sa telepono wala siyang sinabi. Hindi ko alam kung anong basehan ng galit niya sa akin. Bakit ba siya nagalit kung pipiliin ko ang kapatid ko? I love my brother...

Isang bagay na hindi niya maintindihan. Hindi ba pwedeng dalawa sila sa buhay ko? Sa magka-ibang aspeto ko naman sila mahal. Bilang kapatid at bilang...

I bit my lower lip. Ano nga ba si Yllak sa akin? I'm not even sure... Pero nasasaktan ako ngayong hindi ko siya nakakasama. Nami-miss ko siya. I wonder if he feels the same.

Nagpaalam ako kay Kath para pumasok na sa opisina. Si Yllak pa rin ang laman ng isip ko. Habang papunta sa office ay nakadama ako ng urge na puntahan siya sa mansyon at kamustahin o kaya man ay tawagan sa telepono kahit walang kasiguraduhan na sasagutin niya ang tawag ko tulad noon .

The car stopped in front of the Demitri Edifice. I got out of the car and started walking inside. I couldn't even smile. Walang araw o gabi na hindi ko iniisip si Yllak. I want him beside me – ayoko lang na piliin siya over my brother because that isn't right. I sighed. Napakababaw ng naging problema naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako maintindihan. Kahit na gaano kasama si Kuya Hector noon – no matter what he did to Ate Yza, labas kaming dalawa doon dahil pareho naman naming hindi ginusto iyon.

Until you are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon