6. Hindi

222K 5K 550
                                    

"Aw! Nanay masakit!"

Nakatayo ako sa may kusina habang pinapanood si nanay na ginagamot si Kuya Yllak. Nagdudugo pa rin kasi iyong side ng noo niya at isa pa tumawag ang home owners sa bahay para sabihin ang ginawang pagbangga ni Kuya sa glass window ng café kung saan naroon ako kanina kasama si Helios Demitri. I was silently cursing him. Bakit ba sobrang possessive niya sa akin? Hindi naman siya ganoon dati. At mas lalong hindi ko kahit kalian nakita si Kuya Yto na ganoon kay Ate Yza. I mean – nakikita ko iyong love and care ni Kuya para kay ate pero not like the way Yllak is acting. I kinda hate it plus I find it creepy.

"Sa susunod na gawin mo iyan, Yllak Joaquin, ikaw mismo ang ipapambayad ko sa nasira mo!" Sigaw pa ni Nanay. I smiled. Ganoon lang si Nanay pero alam ko naman na nag-aalala din siya para kay kuya. Hindi naman sumasagot si Kuya. Tahimik pa rin siya habang nakatingin lang kay Nanay.

"Ano ba kasing ginagawa mo doon? Bakit mo binangga ang glass window?" Tanong ni Nanay. Nakadama ako ng kaba. He turned to my direction and intently looked at me. I swallowed hard.

"Wala, Nay. Nawalan ako ng preno. Hindi ko pa dala iyong helmet ko." Mahinang wika niya. Nakahinga ako ng maluwag. Napalingon ako nang marinig ko ang tinig ni Tatay. Papunta na siya sa direksyon naming. Kasalukuyan niyang niluluwagan ang tie niya.

"Tay." Tawag ko sa kanya. Nagmano ako at saka humalik sa pisngi niya nang salubungin ko siya.

'Hey, little girl." He smiled. Natatawa pa rin ako tuwing tinatawag niya akong little girl. Dalaga na kasi ako pero baby pa rin ako ni Tatay. Alam kong dapat na akong mahiya pero hindi talaga ako nahihiya. I like my father calling me that because it makes me feel so loved.

"Sancho Angelo!" Nanigas ang likod ni Tatay nang marinig ang boses ni Nanay. Mabilis pa yata sa alas-kwatro ang pagpunta niya sa kusina. Nilapitan kaagad niya si Nanay. "Tingnan mo nga ang ginawa niyang anak mo!"

Sumunod ako. I saw tatay looking bat Yllak. He was shaking his head. Pumunta siya sa likod ni nanay at napangiti ako nang makita kong pilit niya itong pinapakalma. He was massaging nanay's neck.

"Honey, masyado kang tense. Malalaki na iyang mga iyan. You don't have to stress yourself." He said in a light tone.

"Tigilan mo ako!" Hinampas ni Nana yang balikat ni Tatay. "Kaya tumitigas ang ulo ng mga anak mong lalaki! Spoiled masyado sa'yo! Bakit iyang mga yan, minana ang lahat sa'yo?!" Sigaw nang sigaw si Nanay. Hindi naman kumikibo si Tatay. Tawa naman ako nang tawa. I saw Kuya Yllak giggling too. Tatay's face is priceless.

"Init ng ulo, ugali, itsura – lahat! At ito!" Tinuro si Kuya Yllak. "At iyang panganay mong lalaki! Walang iniwan sa'yo!"

"Oo na, honey. Kalma na." Tatawa-tawang sabi ni Tatay. Hinawakan niya ang kamay ni Nanay tapos ay binalingan ako. "Yna, tulungan mong umakyat sa taas ang kuya mo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Eh malaki na po siya, Tay!" Sigaw ko.

"Nahihirapan nga akong tumayo. Masakit kaya ang katawan ko!" Balik sabi naman niya sa akin. Inirapan ko siya. Napansin kong nakatingin sa amin si Nanay at Tatay. Wala akong nagawa. Dahil ako ang pinakabata – ako ang dapat sumunod. I pouted my lips as I approach Yllak. Inalalayan ko siya. Hinawakan ko ang braso niya. Napaigik ako nang ipatong niya sa balikat ko ang braso niya.

We started walking upstairs. Hindi ako nagsasalita. Naiinis talaga ako sa kanya at sa kinilos niya sa harap ni Helios Demitri. Mukha naming mabait iyong tao tapos kung anu-anong sinabi niya.

Nasa gitna na kami ng stairs nang dumausdos ang kamay ni Kuya Yllak sa baywang ko. I looked at him. Parang hindi naman niya namalayan kaya lang parang nagkapalit kami ng hitsura. Siya na ngayon ang umaalalay sa akin at ako na ang nakakapit nang mahigpit sa kanya. He was so close I could smell his musk. I stared at him. Iniisip ko kung alam niya ba ang ginagawa niya o sadyang dedma lang ito?

Until you are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon