1. Paired hearts

333K 6.2K 1.1K
                                    

Pair your hearts. Boys, girls. Pair your hearts.

Kahit saan yata ako tumingin ganoon iyong nababasa ko sa bawat karatula ng bawat room sa loob ng Madeline Academy – ang school kung saan ako nag-aaral. It was a Monday morning and it is the first day of our foundation day. Sixty-three years na ang Madeline mula nang ma-found ito ni Sister Madeline Cross.

I was walking around the campus wearing the pink knee length dress Nanay bought for me at the mall the other day. My hair was falling freely down my shoulders. I have a great hair. Mine was kulot sa dulo – nakakatuwa ngang tingnan – sabi ni Nanay, namana ko daw ang buhok ng Mama niya.

"Yna." I looked behind me and I saw Kuya Yvo approaching. Nanlaki pa ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya. He was wearing his university's uniform. He looked so cute. Nakangiti siya sa akin.

"Hi, kuya!" I greeted him. May inabot siya sa aking kulay pink na paper bag.

"Pinadaan ni Nanay. Lunch mo. Are you okay, baby?" Hinawakan niya ang balikat ko at saka tiningnan akong maigi.

"Oo naman, kuya. Hindi lang naman ako okay kapag inaaway ako ni Kuya Yllak. Nakakainis iyon!" Bigla kong sabi. Naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin kanina habang pababa ako sa kotse ni Tatay. Nakita ko kasi iyong classmate kong si Jason. Kinawayan ko lang naman si Jason tapos bigla na niya akong tinulak. Sabi niya pa sa akin na maarte daw ako. Hindi naman ako maarte. Friendly lang.

"Hayaan mo na si Yllak. Sira ulo iyon. May meeting si Tatay mamaya. Magtext ka sa akin kapag papasundo ka na, okay baby?" He smiled at me. Hinagkan niya ako sa pisngi tapos ay nagpaalam nang umalis. Napapailing na lang ako. Sinundan ko siya ng tingin. Buti pa si Kuya Yto at si Kuya Yvo mabait sa akin. Si Kuya Yllak ang sama ng ugali.

"Yna! Ang gwapo talaga ng mga kapatid mo!"

Madalas kong marinig ang mga katagang iyon sa mga schoolmates ko pero hindi ko sila pinapansin. They were all right – all my brothers are equally good looking men – lahat sila mana kay Tatay – si Kuya Yllak – sabi ni Nana yang pinaka-kamukha ni Tatay sa lahat pero para sa akin si Kuya Yto talaga. Si Kuya Yvo naman kapag tinitigan kamukha ni Nanay pero iyong mga mata niya pati labi – Sancho Consunji.

Ako, sabi ni Ate kamukha ko si Nanay, pero pakiramdam ko hindi. I have a pair of wide hazel brown eyes, pero si Ate Yza, almond brown eyes ang sa kanya, katulad na katulad ng kay nanay. They have the same ear shape, the same hands and the same mannerisms pero ako, kakaiba. Sa magkakapatid ako lang talaga ang walang kamukha.

Tatay said one time na kaya daw ganun ay dahil ako ang pinakamaganda – ngumingiti na lang ako. Pero minsan talaga pakiramdam ko hindi ako kabilang sa pamliya. I don't mean anything bad or negative – it's just that, they have different bonds – lahat sila unique iyong relationship. Iba ang relationship ni Ate at ni Kuya kay Tatay, si Kuya Yvo at Kuya Yllak din. Tapos ako. Minsan pakiramdam ko outcast ako.

Pero minsan lang iyon.

I walked around the campus again. I was holding in my left hand the heart I am about to give to my classmate Fauna. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko talaga siya makita. Umakyat ako sa second floor, baka nandoon siya pero wala din. Nakarating na ako sa Blue Building pero wala pa rin siya. I wonder where she is. Inilabas ko na ang phone ko para tawagan siya nang biglang may humawak sa braso ko.

"Hi, Yna Consunji!"

I saw two guys standing in front of me. Nakasuot sila ng kulay white na t-shirt na may nakalagay na "Jail Guards."

Until you are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon